[UST FW]

61 0 0
                                    

#USTFreedomWall20806

Throughout my college life, 7  beses tayo nagkita. Lahat, sa inuman, lasing tayo parehas. Laging nagtatapos sa halikan o trips sa motel. Pero kinabukasan, di na tayo magkikita. Either ako ang aalis o ikaw, halos naging salitan na natin. Walang palitan ng number na naganap, walang sabihan kung san nakatira. Di pa gaano uso fb nun so di rin kita mastalk. Pero pagkatapos ng laplapan at araro sa kama, lagi tayong nagkkwentuhan. Mga pangarap sa buhay. Problema sa magulang, sa pag-aaral, sa kaibigan.

Kung sa matinong pamamaraan tayo nagkakilala nun, matagal na kitang niligawan. Ako sana yung magpapakasal sayo ngayon.

Yup, nastalk na kita sa facebook after so many years. Mahigit isang dekada na pala noh? Tangina tanda na natin. Tanda ko na. Hahaha.

Di ako sure kung mababasa niya to, pero malay natin. 7 beses nga kami nagkita nang walang usap-usap, at this point baka mangyari pa to.

Hoy, cottonmouth (yup naalala ko parin palayaw natin!), best wishes nalang ah. Deserve mo maging masaya sa taong mamahalin ka. ;)

Submitted:  August 12, 2020 10:33:16 PM HKT

Univeristy Confessions 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon