[PLM FW]

90 0 0
                                    

#PLMFreedomWall5435

Gusto ko lang po magshare about sa kakaibang naramdaman ko ngayong college. First time ko po kasing maranasang humanga sa same sex (pasintabi po sa mga against sa gantong relation). May nakasabay akong  guy sa isang registration dito sa PLM and inaproach ko siya para itanong ang flow kung pano. Tinulungan naman nya ako. Sa unang tingin suplado datingan ni gago pero mabait at nag aalangan ding magkuwento. After namin magkapalagayan ng loob sabay kaming kumain noong araw na iyon and nagkapalitan ng pangalan. To make the story short, madalas kami magkachat after 2-3 weeks naming magkakilala. Wala pang nag iinitiate magchat nun ng una kasi winning a new friend lang nmn ang kalakaran pero nung time na nagkasama ulit kami sa SM na kaming dalawa lang. Masaya din pala kasama ung gago. Nakakatuwa lang nalilibre na nya ko. At that moment natuwa akong kasama siya. Lagi na kaming nagkakapalitan ng chat, nagmumurahan sa chat, and tamang away sa mga katangahan sa buhay. Passive kasi kachat itong kumag na to. Tamang seen at inbox lang ni gago kaya naiinis ako. Doon ko napagtanto sa sarili ko na gusto ko lagi syang kachat at dumating sa point na naghuhulog ako sa kanya. Nung una pinilit kong lumayo kasi mali tong nararamramdaman ko. Triny kong iignore lahat ng messages nya. After a week nakita ko chat nya. Kinukumusta nya ako. Tinigil ko rin pagiinititiate ng chat ko nun sa kanya kasi nga passive sya. Binalak kong wag umamin sa kanya kasi baka layuan nya ako at masira pagkakaibigan. Dinaan ko sa biro lahat ng nararamdaman ko sa kanya at sinakyan nanamn nya ung mga un. Naguluhan ako kung ano na ba ang ggawin ko kung aamin na ba ako o hindi. Pag bumibitiw ako ng salitang liligawan kita, hindi ako makasagot sa tanong nyang  "seryoso ka ba?" Kaya pinanghinaan din ako ng loob. Dumating ung point na gusto ko na umamin. Block ko nalang sakali if ayaw nya mapapahiya lang ako. Ang nangyari is ganto, after ko umamin di inixpect reaction nya sakin. D ko mapigilan sarili. Gusto kong lumayo muna sa PLM at pigilan ang sarili ko sa tuwa. Gusto rin pala ako ng gago. Ayaw lang din sabihin. Natatakot pa ako sa gantong relasyon kasi bago pa to saakin pero handa kong panindigan pag amin ko sa kanya lalo na ngayon alam ko ng mahal nya rin ako. Di ko lang din lubos maisip na di hamak na mas igop pa sya sakin ay magugustuhan nya rin ako. Hindi nmn ako gwapo or.pangit, may mga nagkakacrush nmn saking mga taga ibang blocks or sadyang mga bulag lang sila. Basta ngayon parang natagalan ng tinik ung diddib ko. Alam ko sa sarili ko na mahal ko tong gago na to at pinaparamdam nya ring mahal nya rin ako. Share ko lang po salamat sa pagbabasa.

Univeristy Confessions 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon