Hindi ko alam ha pero wala na talagang akong nararamdamang 'unconditional love' para sa mga magulang ko. Kung meron man, siguro 'guilt love' at pakikisama nalang yon kasi "pinapakain at binubuhay" nila ako.
Ang sakit lang marinig sa magulang mo na "pakainin at walang silbi ka lang dito". Isama mo pa yung ginawa mo na lahat ng bagay para maging proud sila sayo pero sa dulo itatanong lang nila "Eh si ganto anong nakuha?" , "Mas magaling pa pala sayo yon", "Si ganito ganyan". etc. Idagdag mo pa yung mas kita mo talagang mas pinapaboran nila yung ibang mga kapatid mo sa materyal man o hindi.
Pati na rin yung sobrang traumatizing at pisikal na pananakit noong bata pa ako. Ikaw ba naman batuhin ng tasang babasagin na buti nalang nakailag ako kasi kung hindi sa ulo ko mababasag yung tasa at hindi sa pader. Tapos isang beses nakaupo lang ako habang kumakain bigla nalang akong hinampas sa ulo. Isipin mo bata pa ako non pero hanggang ngayon tanda ko pa. Lahat tanda ko pa. Lahat ng panghihiya na ginawa nila sa harap ng ibang tao. Kahit sabihin ko na tama na, diretso parin sila.
Alam ko may mga mali ako at sasabihin ng iba na ako naman may gawa non. Tiningnan ko na sa iba't-ibang anggulo at sitwasyon yung mga pagkakamali ko. Sa totoo lang, nagbasa na ako ng napakaraming articles, experiences, at maging research studies para mapanatag lang yung sarili ko pero hindi talaga sapat na dahilan yon para hanggang ngayon e ganito parin yung sitwasyon.
Kung may magjojoke man ng "ampon ka siguro", pasensya ka na pero hindi e.
Ngayon, hindi na ako masyadong nakikipagusap sa kanila. Hindi na rin ako nahingi at umaasa sa kanila kasi may scholarship naman na ako ngayong college. Siguro kaya naging independent at mas sanay akong dalahin at resolbahin lahat ng problema ko nang mag-isa at nang hindi ipinapahalata sa iba kasi naramdaman ko na sa mismong pamilya ko e sarili ko lang maasahan ko.
Sorry pero putangina pagod na ako. Pagod na akong ipilit sarili ko. Pagod na akong manglimos ng pagmamahal na hindi ko naman dapat talaga inililimos sa kanila. Pagod na akong mainggit sa ibang tao na ramdam mo yung pagmamahal ng magulang nila sa kanila. Pagod na pagod na ako, pero hinding-hindi ako susuko sa buhay ko.
Isang malaking sorry kasi once na sinabi na nilang "Sana hindi nalang kita naging anak", handa na akong magbitiw ng mga salitang inakala kong hindi ko kailanman kakayaning sabihin sa kanila na "Sana hindi ko nalang kayo naging mga magulang".
- Anonymous, 2018, BS Biology, CAS
BINABASA MO ANG
Univeristy Confessions 2
RandomYung mga nandito, yung mga nagustuhan ko lang po na story. Kumbaga cinopy paste ko lang from secret files. Have fun reading!