[The Elbi Files]

191 2 0
                                    

Five years ago, pinaghahatian pa namin ng boyfriend ko yung isang lata ng sardinas. Actually, madalas libre pa nya kasi kulang na kulang talaga yung baon ko every week. Sinusundo pa nya ko after class dati para sabay kami makakain. Feeling ko tuloy nun, sugar baby na ko. Except pareho naman kaming mga estudyanteng walang pera. Para makatipid, share lang kami madalas sa mga photocopies. Yung tipong chapter 2 nirereview ko while sya muna sa chapter 1. Madami pang ibang instances pero kahit isang beses, wala akong narinig na reklamo sa kanya. Ganun naging set-up namin hanggang pareho kaming naka-graduate. Effective ata yung omega 3 kasi Cum Laude sya tapos ako naman HR.

This year, both of us made our first million. Akalain mo yun. Pwede na kami kumain kahit saan, pero syempre split na yung bill. Sabi ng parents ko noon, wag daw ako mag-boyfriend ng maaga. Buti na lang di ako masunuring anak.
Thank you for everything, pogi! Happy anniversary!

- SugarBaby, 200*, CAS

Univeristy Confessions 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon