[USF] "KPOPapanget ng kanta"

317 4 0
                                    

"KPOPapanget ng kanta"

Kilala ako sa section namin nung HS na cold, introvert, irascible at seryoso. Not only in our section, pero maraming nakakaalam, pero ganun pa man, madami rin akong kaibigan. Madalas takot silang kausapin ako dahil sa sobrang sungit ko, sabi nila tuwing activities lang ako umiimik, at tuwing ako 'yong leader, lahat sila tahimik, lahat sila cooperative, takot sila na magalit ako. Hanggang sa college ganon ako, ewan ko kung bakit. Minsan lang ako ngumungiti pero tawa hindi. Then sa section namin, (Civil Engineering student ako), may isang babae, sobrang ingay. Kung ano ano ang pinuputak. Nagkasalubong ang mata namin, tinignan ko siya ng masama pero wala lang sa kanya. At nung magpapakilala kami, etong isang instructor namin, gusto raw niya unique ang pagpapakilala namin, so ayon, nagroup kami into 5 groups then we will going to have a presentation on how to introduce ourselves in the way that our instructor will easily remember us. Lame. Group 4 ako, then pinatayo kami, at malas ko lang at kagrupo ko yung sound system naming kaklase. K*ng*n*. Tapos yun, nung nagtipon tipon kami, umupo siya sa mismong tapat ko. At sabi niya, Hi Guys, I'm *insert name*. So ano gagawin natin? Di ako umimik. Sila na pinagtrabaho ko.
(fast forward)
Isang araw, natutulog ako sa room, lunch break, nagising ako dahil may nagpapatugtog, k@#$%^! KPOP, pongchwayla pongchWayla blah blah blah. Tinignan ko kung sino, yung sound system ang nagpaptugtog. Parang gusto ko siyang tirisin, ayaw ko talaga ng maingay. Sinigawan ko siya, "Papatayin mo yan or sisirain ko 'yang cellphone mo?" Sabay tingin ng matindi sa kanya. Ewan ko pero bigla akong nanlambot kasi parang naiiyak na siya. Pero hindi ko pinansin at yumuko na lang ako. (Fast forward ulit)
Naging close kami ni Sound System, FC siya. Pero aaminin ko, maganda rin pala tong kasama, nagkaroon ako ng barkada, pero mga masisipag mag-aral. Ako lang ang hindi nagsasalita kapag magkakasama kami, at si Sound System minsan, talak ng talak tungkol sa buhay niya. Di ko siya pinapansin, pinapabayaan kong mapagod. Then tumigil siya, nilagay niya yung isang earbud sa tenga ko at magpatugtog. Pero inalis ko agad kasi KPOP ulit. "Bakit ba gustong gusto mo niyan? Naiintindihan mo? Ang baduy mo." Sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya at sinabi niya ang title, maliwanag yun na narinig ko "Lucky by EXO". Tsss. Exopot. Patuloy ko siyang binabara habang patuloy niya akong kinukulit na makinig ng KPOP. habang tumatagal, parang may nag-iiba sa akin. Then, napatunayan ko 'yon nung pumasyal kami sa beach, nakikita ko na lang sarili ko na nakatitig sa kanya. Pero pilit kong pinipigilan. Then kinabukasan, may pinag-uusapan ang mga barkada ko, mukhang kinikilig ang mga hinayupak. Pero nung pagdating ko, tumigil sila sa pag-uusap. T@ng $n@, 'di ba? Pumunta kaming canteen, para kumain, sila bumibili ng pagkain ko palagi, ako naiiwan sa table. Normal samin ang mag-iwan ng cellphone at alam namin ang password ng bawat isa, kinuha ko yung phone ni Sound System, pumunta akong gallery para tumingin ng pictures naming magbabarkada, ganda ng picture ko, niisa di ako nakangiti. Habang nakarating ako sa part na may stolen pics ako, at may downloaded pics ako sa phone niya. Pagdating niya tinanong ko siya kung bakit, inagaw niya ang phone ko at hinihiyawan siya ng iba pa. Napangiti ako, ewan ko kung bakit. (Fast forward)
Umamin siya saken, na gusto niya ko, and ... and umamin na rin ako. Yes, gusto ko siya, kahit ang baduy niya sa kpop, kahit ang ingay niya. I courted her. Then one time, nung nasa room kami, iniwan niya sa'kin gamit niya kasi kasali siya sa isang club sa'min at kailangan siya dun. May isang envelope akong nakita, binuksan ko, puro picture ng kpop may isang lyrics akong nakita, kpop ulit, then nung aalisin ko sana, parang may naramdaman akong naka-paste sa likod ng coupon bond, tinignan ko, ang gwapo. Sh*t! Picture ko! Then yung lyrics, may english at korean version, binasa ko, wala akong magawa, nakita ko title, Lucky by EXO. So eto pala yung lagi niyang pinaparinig sa'kin. Pagkatapos ko basahin. Natulala ako, bakit? Bakit parang konektado ako sa kantang yun? Then sinearch ko yung kanta, maganda ang beat, na-LSS ako . Then I downloaded it, pinaulit ulit kong pinatugtog, ang ganda talaga. Then dahil dun, 'di ko namalayan na nasa tabi ko na siya, at inagaw niya yung isang earbud at nakisoundtrip siya. Then biglang tumalon siya at sumigaw "Huli ka balbon! Nakikinig ka rin pala ng KPOP eh." Hindi ako nakasagot, ngumiti na lang ako na parang bata.

So yun, naging kami, at naging kpop fanboy rin ako. Kinain ko lahat ng sinabi ko.
Maraming nagbago sa'kin pero masungit pa rin ako.

Sa lahat ng fanboy. Be proud. You are unique.

Jaehyun
20**
Louisian

Univeristy Confessions 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon