[USF] "IKAKASAL SIYA PERO HINDI SAKIN" [IIYAK KA DITO]

221 4 0
                                    

"IKAKASAL SIYA PERO HINDI SAKIN" [IIYAK KA DITO]

May 2007. Bakasyon. Bored sa bahay. I tried this dating app. And dun, dun ko sya nakilala. MY ARKI. Fast forward tayo. We were both Lasallians. Arki sya, IT ako. 4th year na ako that time and 5th year na sya nun. Dun palang sa dating app, komportable na kami sa isa't-isa. Dahil nga komportable na kami, I asked her number, and lahat ng social media accounts. Maghapon magdamag kami magkausap. Then, days passes, I think I'm falling for her.. She's not your typical girl kasi. Alam mo yung lagi kaming nagmumurahan, nagbubullyhan. "Gago mo" "Panget mo" "Tanga tanga mo bwiset" halos lagi kaming ganyan. HAHAHA. Sobrang sarap nya kausap kahit wala syang ibang gawin kung hindi murahin ako. 😀

June 2007. We decided na magkita sa personal. Nung nakita ko sya, "PUTANGINA" nalang nasabi ko. She's so beautiful. Sobra as in. Kaso maliit. HAHAHAHAHAHAHA. Naglunch kami, KKB. Di naman kasi ako mayaman, average lang. Sya rk, only child kasi. Lahat ng luho bigay ng parents nya pero yung ugali nya ibang iba sa mga spoiled brat na kilala ko. Napaka down to earth na babae. Napaka kalog pa. Mas lalo tuloy akong nainlove. Hehehe. Mas naging close kami kasi lagi kaming magkasama kahit sobrang busy nya bc of her plates.

August 2007, I court her. Naglakas loob na ako. Di ko makita sa future ko na hindi ko kasama tong babae na to. Almost 1 month akong nanligaw. September 18, 2007. Sinagot nya ako. Sweetest thing that happened to my life. Akalain mong magkakagf ako ng isang maganda, matalino, mabait, kalog na babae. Eh average lang naman itsura ko. Napaka swerte ko sa kanya.

Mejo immature pa ako dati, nagseselos ako sa plates nya. Mas may time sya sa plates nya kaysa sakin. Malamang Arki sya tanga ka ba. Bobo ko talaga nun badtrip. HAHAHAHAHA. Nasanay nadin ako na matagal sya magreply pag magkausap kami kasi nagawa sya ng plates. Swerte pa nga ako dahil nirereplayan pa nya ako kasi putangina napaka hirap maging arki. Kahit hindi ako arki ramdam ko yung hirap niya. Minsan 2 hrs lang tulog nya bc of her plates. So ayun na nga, nabawi naman sya pag magkasama kami sa school. Lambing there lambing here. ❤ di pa kami graduate pero nagpplano na kami para sa future namin. Gusto daw nya kakantahin ko yung I Do ng 98 Degrees sa kasal namin kasi di naman sa nagyayabang pero magaling ako kumanta. Hehehe.

Fast forward ulit tayo. April 2008, sabay kami grumaduate. Relationship goals. Tangina may Basha na ako. Hahaha. (P.S hindi kami legal sa side nya, mamaya nyo malalamay kung bakit) After graduation, naghanap na ako ng work. Syempre para makatulong agad sa family. May isa pa akong pag aaralin eh. Sya naman aral for her board exam. Through thick and thin magkasama kami. Andun ako when she pass her board exam. Sa lahat ng mahahalagang events sa buhay naming dalawa, magkasama kami kahit hindi kami legal sa family nya. Bakit nga ba hindi kami legal? Mayaman family nya. Ayaw nila ng basta bastang lalaki ang magiging bf ng anak nila. Pero nag attempt sya na ipakilala ako, but the ending was napakilala nya nga ako pero bilang kaibigan lang kasi inunahan na agad kami ng mommy nya na ayaw nya ng basta bastang lalaki ang papasok sa pamilya nya. Dun nasubok yung relationship namin. I worked hard para may mapatunayan ako sa mommy nya.

September 18, 2011, 4th anniversary na namin. Dun nalaman ng mommy nya na may relasyon kami. Pinilit nyang ilayo sakin si Sab (not her real name) wala akong magawa. After nun ilang araw walang paramdam si sab sakin. Hindi ko alam kung anong nangyare. Pumunta ako sa kanila pero umalis na daw sila papuntang US. She even blocked me on her social media accounts. No communication at all. Ang sakit putangina. Ramdam ko padin lahat lahat.

Years passes, yung pagmamahal ko sa kanya di padin nagbago. Lagi kong iniisip kamusta na kaya sya. Miss na miss ko na sya. Yung hugs and kisses. Everything about her namimiss ko talaga. 😞

January 2016, tumawag sakin Dan (not his real name) close friend ko. Ikakasal na eh. Gusto nya ako yung maging singer sa kanta ng fiance nya. Go naman ako kase close friend ko eh. Magkita daw kami sa isang restaurant sa Tagaytay para maayos kung anong gagawin ko. Nasa labas palang ako ng resto nakita ko na si Dan. Sabay kami pumasok. Tangina. I saw her fiance. It was Sab. Oo SI SAB PUTANGINA. Andun din parents ni sab. I saw their faces na gulat na gulat sila, especially Sab. There was a fucking awkwardness. Yung puso ko sobrang pinupunit habang pinapakilala sakin ni Dan si Sab. Yung luha ko gustong gusto na bumagsak pero pinipigil ko. Wala akong ibang ginawa nung time na yun kundi titigan si Sab. Nothing has changed. Sobrang ganda nya padin pero maliit padin. Nahuhuli ko sya natingin din sya sakin na parang maluha luha. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman nung time na yun. Dan asked me na kung pwede I Do yung kantahin ko sa kasal nila dahil favorite daw yun ni Sab. (for Godsake Dan OO alam ko) nagulat ako. Plano naming dalawa ni Sab yun eh. Makakahindi pa ba ako? So umoo ako kasi I have no choice kahit ang sakit sakit.

After nun, gusto ko kausapin si Sab. Gusto kong malaman anong nangyare saming dalawa. Pero hindi ako nabigyan ng pagkakataon dahil bantay sarado sya ng mga magulang nya. Sobrang sakit na ikakasal na sya sa iba.

June 2016. Wedding day. Tangina diba. Yung plano nyo na kayong dalawa yung ikakasal biglang naging bula. Oo ikakasal nga sya, pero hindi sakin. Sobrang aga ko sa simbahan, kala mo ako yung groom na sobrang excited sa kasal nila. Sobrang sakitt talaga. Hindi padin mag sink in sakin na nasa piling na sya ng iba. Then the time has come, lahat nasa simbahan na except for her. Tapos yung pinto ng simbahan biglang bumukas. I saw her. I saw Sab. I saw the most beautiful woman in the world. Sobrang ganda nya in her wedding dress. I almost forgot na kumanta kasi sobra akong na mesmerized sa kanya. Kinanta ko yung I Do habang naglalakad sya papuntang altar, papunta kay Dan at hindi sakin. I saw her pero may mali. Bakit hindi sya masaya. Bakit ang lungkot ng mukha nya. I was crying that time habang kinakanta ko yung I Do. Nahalata siguro ng mga tao na iba yung pagkanta ko kasi nga naiyak ako. After kong matapos yung kanta, umalis na ako ng simbahan dahil hindi ko na kaya ang sakit.

Hindi na kami nagkita after the wedding.

Nag share ako ng kwento ko kasi sabi ng kaibigan ko nakakagaan ng loob to. And yes it is. Gumaan loob ko even though naiiyak padin ako habang tinatype ko to. Salamat sa magbabasa. GodBless!

PS:
Hi Sab! Alam ko hindi mo mababasa to. Pero I just want you to know that You will be my forever Arki.

98Degrees
College of Science and Computer Studies (CSCS)
2018

Univeristy Confessions 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon