[TDF] SHE'S PREGNANT

204 1 0
                                    

SHE'S PREGNANT
Last year, I have the guts para sabihin sa kanya na gusto ko siya kahit alam kong may boyfriend siya. Ginawa ko lahat para makuha ko siya sa boyfriend niyang alam kong mahal na mahal niya. Dahil nga sa sobrang desperado ako sa kanya, gumawa pa ako ng dummy account na babae para lang landiin ang boyfriend niya. Almost three months din ang paglalandi ko sa boyfriend niya na naging rason para mawalan na nang time sa kanya. Im her stalker, nakikitang kong nagda-drama siya, kaya nag tyempo na ako para i-comfort siya hanggang sa makalimutan na niya ang boyfriend niya.
Last May, niligawan ko na siya hanggang sa napasagot ko na siya nu'ng June. LDR kami. Kaya naging kampante ako na kung gagawa ako ng katarantaduhan, hindi niya malalaman kahit na hawak niya ang fb account ko. Sa loob ng 7 months, alam ko na agad na marami siyang pangarap, like magtatapos siya ng pag-aaral tapos bibigyan niya ng negosyo family niya, magpapatayo siya ng bahay, bibili ng maraming kotse. Pero sa loob ng 7 months na yun, marami na rin akong naikama, maraming beses na kong nagloko, minsan nahuhuli niya pa na nagme-message sakin sa facebook. Puros pain ang naibigay ko sa kanya. Siya yung tipo ng babae na kahit ilang beses ko nang ginagago, willing pa rin na tanggapin ako. Tinitiis niya lahat para mag-stay ako.
Pero dumating yung point na siya na mismo ang umayaw. Hinayaan ko lang siya kasi alam kong gagawa siya ng paraan para bumalik sakin. Not until her bestfriend messaged me that she's pregnant. Ako yung bini-blame ng bestfriend niya kasi sinira ko ang future niya at mga pangarap niya. Syempre, naging curious din ako, papano naging ako eh dagat mismo ang pagitan samin. We exchanged conversations ng bestfriend niya. Nag rebelde daw siya, everynight nasa club, hanggang sa may nakilala siya at binuntis daw siya nito. At first parang wala lang sakin. Hanggang sa nag flashbacks lahat sa kung paano siya naging akin NOON. Oo nga, ako nga talaga ang sumira ng pangarap ng babaeng yun. Kasi inisip ko, kung hindi ko siya inagaw sa boyfriend niya noon, siguro matutupad na ang mga pangarap niya. Isang taon na lang pala, makaka-graduate na siya. Dahil sakin, isang babae ang nasiraan ng pangarap.
Tinawagan ko siya, sinagot niya naman. Kinamusta ko siya, hanggang sa umiyak siya. Pinalayas siya ng papa niya dahil sa buntis siya at hindi pinanindigan ng ama ng magiging anak niya. Nilamon ako ng guilt ko hanggang sa hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko.
"Shh!! Don't blame yourself Josh. Kasalanan ko 'to kasi nagpadala ako sa depressions ko. Oo inaamin ko na nagrebelde ako nung iniwan mo ko. Kasi mas pinili kita over him kahit na mahal na mahal ko yun. Nung iniwan mo ko, tinry ko na makipag communicate uli sa kanya pero huli na ang lahat. May girlfriend na siya, may girlfriend na kayo"
Gusto kong puntahan siya, pero wala akong magagawa. Chinat ko ang ex niya, pero ang sabi niya.
"wala na akong pakialam dun pre. Masaya na ko sa girlfriend ko ngayon. Kung ano man ang problema niya, labas na ko dun".
Ano na gagawin ko ngayon? Ngayong buntis na siya, papano na ang mga pangarap niya. Ang gago ko, sobra. Di ko na lang sana siya niligawan, kung ako ang magiging rason sa pagrerebelde niya. Siya ang babae na punong-puno ng pangarap, pero sa isang kagaguhan na nagawa ko, nawala na at nasira na ang lahat. Ngayon, nag-iisip ako sa kung ano ang pwede kong gawin sa kanya. Gusto kong akuin na lang ang pinagbubuntis niya pero impossible kasi nagli-live in na kami ng girlfriend ko ngayon.
Para sayo, I'm so sorry. Hindi enough ang sorry ko pero sorry talaga. Alam kong mabait ka kaya papatawarin mo ko. Alam kong sinabi mo na hindi ko dapat i-blame ang sarili ko pero kinakain ako ng guilt ko ngayon. Sorry kung nasira ko ang mga pangarap mo. Inagaw at iniwan ko lang ang babaeng ideal girl ng lahat ng kalalakihan. Sorry talaga. Kung hindi kita ginago siguro, maaabot mo pa yung pangarap mo. Sorry. Wala nang magagawa ang sorry ko alam ko yun. Pero, from now on, isasama na kita at yung magiging baby mo sa prayers ko. Mag- iingat ka palagi ha. Ingatan mo yan.
Readers? Alam kong magagalit kayo sakin, pero hihilingin ko na lang na sana ipag-pray niyo sila. Prayers lang naman ang hinihiling ko. Na maging healthy and safe sila pareho. Salamat po. Maraming salamat.
Josh
BSMar- E
201*
Other

Univeristy Confessions 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon