#USTFreedomWall7225
NAGING KABET AKO
*plays kabet by gagong rapper*So eto na nga. Mag s-start yung kwento ko sa isang guy na hindi ko naman sya gusto before. Before we started "dating" kilala ko na sya two years ago at may boyfriend pa ako noon. So back then, friends friends lang ganon. Pero may nag sabi na sakin na bet daw ako ng guy na ito. Di ko pinapansin, kasi may jowa nga ako that time, nag kakausap kami pero friendly talks lang. Di ko masyadong alam background nya before kasi di ko naman nga sya bet at may jowa ako. Fast forward sa nag break na kami ng ex ko at naging single na nga ako. After a year ng pagiging single, bigla kaming nag click ng guy na to. Parang all of a sudden naisip ko na "okay pala sya" he's sweet and naaalala nya yung little things sakin na kahit ako mismo di ko na nga naaalala. Sobrang effort nya. Ang effort nya na ihatid ako from north to south, ganon ang labanan! Based sa actions nya, sobrang genuine at kahit friends ko boto sakanya. Pag kasama ko sya, ang saya saya ko talaga, kahit sino sa mga kaibigan ko sinasabi nila na iba yung saya ko sakanya. At naramdaman ko naman yon. Nung mga panahon na magkasama kami masaya talaga ako... sobrang saya. Pinaramdam nya sakin na mahalaga ako, at sinasabi nya na thankful sya na naging ganito kami. Pinag dasal nya daw ako.... diyos ko, sinong hindi matutunaw don???
Pero....... bigla kaming nawala. Bigla syang lumayo. At sa pag layo nya na yon, sinisi ko ang sarili ko. Na kasalanan ko kung bakit sya nawala (based sa naririnig ko from friends) parang indirectly talaga na kasalanan ko kung bakit kami naudlot.
Ilang buwan akong wasak, malungkot, nag hahanap ng sagot kung bakit, ano ba talaga ang nagawa kong mali? Nag bago ako para sakanya, hindi nya hiniling pero ginawa ko. Kasi ang tingin ko sakanya, pang matagalan... Inaamin ko, minahal ko na sya, lahat ng nararamdaman ko ay totoo na.
Ilang buwan ang nakalipas nalaman ko, na kasal na pala sya. Sobrang parang teleserye!!! Pero kasal na pala.... Grabe naging kabet ako!!!!!!! Hindi ko maintindihan kung paano, at bakit??? Ano ba ang ginawa ko sakanya para maging deserve ko yon? Wala akong kamalay malay..
Pero wala na akong magawa, yung lalaking akala ko ay pang matagalan ko, eh matagal na palang pang matagalan ng iba... May singsing pa..
Sana maging masaya ka. Pinapatawad na kita. 😊
Submitted: August 23, 2019 12:32:29 AM HKT
BINABASA MO ANG
Univeristy Confessions 2
RandomYung mga nandito, yung mga nagustuhan ko lang po na story. Kumbaga cinopy paste ko lang from secret files. Have fun reading!