[UST FW]

97 0 0
                                    

#USTFreedomWall7226

Hangang ngayon hindi ko parin pinapatawad magulang ko dahil sa mga nangyari nung gabi na nag hihingalo sa ospital yaya ko. Simula 16 years old pa lang siya saamin na siya nag trabaho at siya nag palaki saakin habang nag fofocus sa kanya-kanyang mga career magulang ko. Na stroke siya kaya dinala namin siya sa East Avenue Medical center, maraming pinapabili na gamot yung doctor eh kaya ginamit ko yung ipon ko sa banko para bumili. Sa totoo lang sobrang lala sa mga public hospital kaya gusto ko siya ipatransfer sa private wala na akong pake kung maubos yung pera ko sa banko. Nung nalaman ng magulang ko ginawa ko, pinagalitan nila ako bakit ko daw gagastusin pera ko, bakit hindi diba? Doon ko unang narealize na sobrang basura ng pagkatao ng mga magulang ko, yung tipong papagalitan ako dahil gusto kong gumaling yung taong nag palaki saakin habang kayong dalawa nakikipag taasan ng ihi sa mga peers ninyo. Wala lang sa inyo yung boung buhay niya sa inyo siya nag tratrabaho at napaka loyal niya sa inyo? Pinapagalitan pa ako nun nung sinasabi kong kurakot kayo as in nagagalit siya saakin wag daw ako mag sasalita ng ganyan tunkol sa magulang ko, hindi daw sila kurakot blah blah blah kahit na alam ko yung totoo. Namatay yaya ko, hindi na naagapan, hangang ngayon napapaisip parin ako kung matutulungan ba siya at mapapagaling kung sa private namin muna siya dinala at hindi doon sa hindi siya naasikaso.  Tapos ngayon, na yung pinambabaon niyo sakin ginagastos ko sa bisyo magagalit kayo? Tang ina niyo HAHAHAHA napaka basura niyo parehas wala kayong ginawa kundi tapunan ako ng pera dati tapos ngayon mag tataka kayo bakit ako ganito?

Submitted:  August 23, 2019 12:35:44 AM HKT

Univeristy Confessions 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon