[FEU] 5 years

170 2 0
                                    

5 years


Yes, 5years yung relationship natin. Grade 6 ka, grade 5 ako. From grade school bestfriends, nagkalayo tayo. Sa private school ka nag-aral samantalang ako public school pa din, although magkapitbahay lang tayo kaya tuloy pa din ang pagiging magbestfriend natin. 2nd year highschool umamin ka sakin na gusto mo ako. After 2years, sinagot na kita at yun ang pinakamasayang parte ng buhay nating dalawa.
4th year highschool ako, 1st year college ka. UE Caloocan napili mo. Nagpasama ka sakin mag-exam kasi nga ako yung lucky charm mo. After mo mag-exam, sinagot na kita. Sabi mo pa sakin ang swerte ng araw mo kasi pagkasagot ko sayo, nakapasa ka sa entrance exam. Engineer ang pangarap mo, ako naman teacher. Masaya tayo. Sa mga napili natin.
Magkaiba tayo ng religion, sobrang hirap, bawal tayo magpost ng sweet photos natin sabi kasi ng parents mo pero ayos lang, Masaya naman tayo. Legal tayo sa both families natin. Lumipas ang panahon, graduating na ko ng Highschool at napili ko sa UEMnl kasi nga teacher ang pangarap ko, sinabihan mo ko na lilipat ka ng school para magkasama tayo. Humindi ako. Araw araw mo ko sinusundo mula UECaloocan, dadayo ka pa ng UEMnl. sa loob ng limang taon ganun tayo. Graduating na tayo parehas, di kita nakasama ng graduation day natin. Kasama niyo kasi yung kachurch niyo. Ok lang uli sakin. Masaya naman tayo.
Nagpropose ka sakin. Humindi ako. natakot ako sabi ko sayo diba? Natakot ako na iibahin mo yung religion mo dahil sakin. After a week, sa parents ko ikaw nagpropose. Nag-yes sila so ako wala na kong nagawa. hahaha. Sabay tayo nagrereview for our board exam. Alam mo yung pinagdarasal ko? hindi yung pagpasa ko ng board exam, kundi yung ikaw. Yung pagpasa mo. Nahihiya kasi ako kay God, yung mga dasal ko nasagot na niya. Ikaw, sinagot niya yung dasal ko na makakakilala ng taong makakasama ko habang buhay at yung pag-galing ng parents ko. Naging Masaya tayo. Parehas tayong nakapasa ng board exam. Engineer ka na, ako naman teacher. Simula grade school pa lang, hanggang ngayon ikaw pa din yung lalaking nakilala ko. Yung tipo mo ng lalaki ang pinapangarap ng iba. Pero di kita minahal dahil dun, alam mo kung ano yung dahilan? kasi pinaramdam mo sakin kung ano ang kahulugan ng pagmamahal at respeto. Holding hands lang ang nagawa natin kasi naniniwala ako na yung first kiss ay sa kasal natin dapat. Nirespeto mo ko. Kaya Masaya tayo.
December umalis ako, nagpunta ako ng province naming kasi nga gusto ko makasama si papa. Ikaw naman nagkaroon ka na ng work November pa lang. Parehas tayong naging busy pero ok lang. Masaya naman tayo.
January 2017 natanggap ako as teacher sa private school malapit satin, natuwa ka. Binilan mo pa ko ng mga school supplies. Kinuwento ko ang lovestory natin sa mga estudyante ko. Pinakita ko pa ang engagement ring natin. Kapag kinukwento kita natutuwa ako, nararamdaman kong napakaswerte ko sayo. Masaya tayo.
Hanggang dumating ang January 25, 2017. Nagkausap kami ng kaofficemate mong kaibigan ko na din. Ang sabi niya sakin may relasyon daw kayo nung kaofficemate mong Architect. Kinausap kita pagkasundo mo sakin galling AU. Umoo ka, umamin ka. Sobrang sakit. Gumuho yung mundo ko. Ang sabi ko sayo umuwi ka na. Wag muna tayo mag-usap. Kailangan ko mapag-isa. Kinabuksan sinundo mo ako sa AU. di kita pinansin. nagpasundo ako kay kuya. January 27, 2017 umamin ka. Nabuntis mo yung babae. Di ka nakarinig ng kahit na anong masamang salita mula sakin. Instead, lumakad ako palayo. Kinabukasan, kinuwento ko sa mga estudyante ko ang nangyari, umiyak sila dahil sayo. Alam mo kung bakit? ang taas ng tingin nila sayo kasi nga sobrang bait mo base sa mga kwento ko. ako din. ang taas ng tingin ko sayo. Kinakausap ako nung babae nagmamakaawa na hiwalayan at kalimutan na kita. Ang sabi ko sige, alang-alang sa magiging anak niyo. Dahil di kaya ng kunsensya ko na nasa akin ka nga, may bata naming lalaking walang ama. Di ko masabi sa mga magulang ko na hiwalay na tayo kasi excited na sila sa kasal natin. Engineer ka, Architect siya. Bagay na bagay kayo. Saling pusa lang ako sa love story niyo. Sana maging Masaya kayo.
Mahal, anong nangyari? Yung limang taon natin, nabalewala lang sa loob ng isang  Lumipas ang mga oras, araw at linggo di ko pa din makalimutan. akala ko Masaya tayo.
March, naaksidente ka sa motor mo. Medically induced comatose ka, araw araw akong dumadalaw sayo. Hanggang sa nalaman na ng parents ko ang nangyari satin, pinigilan nila akong dalawin ka. Galit na galit sila sayo pero wala silang nagawa kasi nga mahal kita. Sinabi ko pa na magising ka lang, itutuloy ko ang kasal natin. Nangako ako sayo na itutuloy natin kaya sana gumising ka na kaso nakiusap nanaman siya na kalimutan na kita para sa baby niyo kaya wala akong nagawa, nangako ako sa magulang ko na kapag nagising ka, tatapusin ko na ang lahat. Nagising ka. Natuwa ako ng sobra. Masaya ako.

Binalik ko yung singsing. Kahit mahal na mahal kita, nagsakripisyo ako para sa bata. Kaya mahal, hindi porke't sinuko kita, di na kita mahal sadyang mas mahal na mahal lang kita kaya ko iyon nagawa. Pasensya na mahal, pinagtagpo lang tayo ngunit hindi tayo itinadhana. Ang sabi mo walang hanggan, bakit eto tayo? Sa dulo. Kaya isa na lang ang hihilingin ko, ang maging Masaya ka kasama siya. kasi ako? pipilitin kong maging Masaya. Alam kong kaya ko, di ko lang alam kung paano ko sisimulan. Pangako, magiging Masaya din tayo ng di dahil sa isa't isa.
Paalam, aking mahal na inhinyero.

2016
Teacher

(c) A.U Malabon Secret Files
*repost*

Univeristy Confessions 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon