[UCF] "SARDINAS" part 1

215 1 0
                                    

SPG (Read at your own risk)

"SARDINAS"

"Faye, hintayin kita mamaya after class ha? Sabay tayong umuwi. " Napahawak na lng ako sa noo ko nang mabasa ko ang message mo. Hindi ko alam kung kelan ka naging ganyan. Ang kulit kulit kasi mo noon. Isang taon mo na akong sinusuyo, isang taong walang sawang paghihintay, isang taong puro efforts ang pinakita, pero kahit minsan hindi pumasok sa isip kong mamahalin kita. Naiinis ako sayo noon kasi sobrang kulit mo talaga. Ilang beses na kitang binasted, ilang beses pinagtabuyan, pero nanatili ka. Gwapo ka, sobra. Ang ganda ng mga mata mo, ang kapal ng kilay mo at nakakatunaw ang mga ngiti mo. Hindi ko nga lang alam kung bakit hindi mo ako makuha kuha noon. Hindi ko pinansin ang message mo kasi busy ako kaka'chat sa boyfriend ko that time (LDR kmi). Alam mo. Alam mong wala kang pag-asa pero hindi ka pa rin tumigil. Mahal na mahal mo kasi ako. Natapos ang araw at hindi ako nagpakita sayo. Sino ka ba? Di naman kita boyfriend para siputin.
The next day, birthday ko. Lunes na lunes nang bwiset ka na naman. Flag ceremony at kitang kita ko kung pano lumiwanag ang mukha mo nang makita mo ako. Ngumiti ka sakin, na para bang hindi ka nagsasawang makita ang mukha kong hindi naman kagandahan. "Happy birthday, suplada! Oh, gift mo. " Sabi mo sabay abot sakin ng isang maliit na yellow box. Bracelet ang laman na halata naman sa itsurang mamahalin. "Si mama ang bumili nyan, hindi ko kasi alam kung paano pumili eh. " Pakamot kamot ka pa sa ulo mo na parang nagpapa'cute, eh cute ka naman by nature (haha). "Thanks ha. Sorry pala kahapon di ako nag reply sayo. " Ngumiti ka na naman. "Ayos lng, di naman ako umasa. "

Di ko na pinansin ang sinabi mo at umalis ako sa harapan mo. Bahala ka, wala naman akong pakialam sayo. Tinukso pa ako ng mga kaklase ko. I rolled my eyes with annoyance. Tss, di tayo bagay. Yan ang sinasabi ko lagi sa isip ko kasi totoo naman. Recess, at nakasalubong kita sa canteen. "Oh, goya. Gusto mo to dba? " Kung ano-ano lng ang inaabot mo sakin, at nang tingnan ko ang hawak mong chocolate, tatlong Goya ang hawak mo, iba iba pa ang flavor. Kilalang kilala mo talaga ako. Alam na alam mo ang gusto ko. Kinuha ko ang bigay mo sakin sabay thank you. Nakakatouched, at napangiti mo ako sa simpleng bagay na ginawa mo. At ayun na naman, nandun na naman ang tuksuhan. Pero di ko maintindihan kung bakit hindi man lng ako kinikiig. Baka kasi dahil may boyfriend ako. O baka nagbubulag bulagan lang ako.

December 26, 2016:
Birthday mo. Inimbita mo akong pumunta sa bahay nyo. Hindi ko alam kung papansinin ko ang chat mo sakin o hindi. Pero dahil Christmas naman at birthday mo, pumunta ako. Nag-away pa kami ng boyfriend ko kasi pinilit ko syang pumayag na pupunta ako sa bahay mo. "I'll go there as a friend. Okay? No malice. " Yun ang sabi ko sa kanya, kahit na alam kong maling-mali. Kahit nasaktan ko ang boyfriend ko, pumunta pa rin ako. Bitbit ang simpleng gift ko sayo, tinunton ko ang bahay mo. Na surprise ka kasi nakita mo ako sa labas ng bahay nyo. Nakakatuwa ang mukha mo kasi parang ang saya mo. "Oh, happy birthday. " Sabi ko sabay abot ng paper bag sayo. Suot mo ang simpleng white T-shirt at shorts na pambahay lng. Nakapa simple, pero parang nagliliwanag ka kung titignan. Abot hanggang tenga ang ngiti mo sabay sabi "Akala ko di ka pupunta. Pano mo narating ang bahay namin? " Kung alam mo lang kung ano ang pinagdaanan ko para lng makarating dito. Pero di ko na sinabi sayo. Pumasok tayo sa bahay nyo, at nagulat ako sa pag welcome ng pamilya mo. "Ohhh, yan na ba si Faye? Ayiieee. " Kilala na pala ako ng pamilya. Ngumiti ang mama mo sakin at pina'feel nyo sakin na welcome ako dun. Binibiro pa nga ako ng lola mo. "Ay itong batang to? Apo ko na ito. Sge maghugas ka na ng pinggan dun, apo. " Tumawa tayong lahat at ang saya saya mo, nakita ko. Hindi kita nakitang ganun ka saya. Sa buong maghapong nandun ako, hindi nawala ang ngiti sa mga labi mo.

"Psst. Lika dito may ibibigay ako sayo. " Sabi mo sakin at pumunta naman ako sa kusina nyo. Binigyan mo ko ng napakalaking Toblerone hahaha! Favorite ko din yun, basta chocolate. Syempre hindi na ko nagpakipot, kinuha ko na at nilagay sa bag ko. "Thank you nga pala ha. Ito ang pinakamasayang birthday sa lahat. " Genuine smile ang naipinta sa nga labi mo. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero napasabi akong "Ang gwapo mo ngayon. " Mas lalong lumapad ang ngiti mo at sa unang pagkakataon, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit, kung paano, pero alam kong mali ito. Maling mali.

Pagkatapos mo akong ipasyal sa buong barangay nyo, umuwi na ko at nagpaalam sa pamilya mo. Tanggap na tanggap nila ako, at si mama mo pa ang nagbayad ng pamasahe ko pauwi. Bago ako tuluyang umalis, sinabi ko sayong may sulat akong nilagay sa loob ng paperbag. Ngumiti ka sakin at sinabing babasahin mo yun nang buong puso. Para kang babae sa mga reaction mo, at nakakatuwang makita ang masaya mong mukha. Ang hindi mo alam, sinulat ko sa letter na yun na huwag ka ng umasa sakin, na hindi ako si Ms. Right mo, na tumigil ka na. Na hanggang magkaibigan lang tayo.

Akala ko lalayuan mo na ako, pero nagkamali ako. Nag break kami ng boyfriend ko dahil nagkalabuan kmi. Nabigo ako nang sobra, pero nandun ka pa rin. Hindi ko alam kung tanga ka ba o bulag, kasi nanatili ka sa tabi ko kahit alam mo namang wala kang aasahan sakin. Wala pa rin akong feelings sa'yo, at nanatili tayong friends. Hanggang sa dumating ang Valentine's Day. Umagang umaga, nag chat ka sakin na dumiretso ako sa field. Hindi ko alam kung anong drama ang naghihintay sakin pero nang makita kita, may hawak hawak kang isang malaking teddy bear at isang rose. "Happy Valentine's, suplada. Oh! " Pangiti ngiti ka pa habang inaabot mo sakin ang mga gifts mo. Hindi ko alam kung mahihiya ako sa dami ng nakatingin sakin, o babatukan kita kasi alam kong ang dami mo na namang ginastos, o kikiligin ako nang sobra2. Hindi ko narasanan ang ganito. First time kong ma isip sa sarili ko na "ay, special din pala ako. " Ikaw ang ka-Valentine ko at first time kong magdate na may special occasion. Nakakakilig pala.

Lagi na kitang sinusungitan. Ikaw kasi eh, pinagkalat mo ba namang tayo na kahit hindi naman hahaha grrr triggered ako nun, at di kita pinansin. Akala ko susuyuin mo ako, pero di ka nagparamdam. Dumating ang May, summer na summer, pero wala ka pa rin. Hanggang sa nakita ko ang My Day mo. Picture mong suot ang bagong sapatos mo, tapos may nakalagay "No kicks, no chicks. " Ewan ko ba sa sarili ko pero parang nainis ako. Hindi ko gusto ang fact na baka lumandi sa iba. Di ka na nagpaparamdam, at namiss kita. Kaya sa sobrang feels, ako ang unang nag chat sayo na never ko naman ginawa noon. "Hoy panget! Paghahanap ng chix na pala gawain mo ngayon. Pakain kita sa manok namin eh!" Akala ko hindi ka rereply. Pero mabilis pa sa alas kwatro ang pag respond mo sa message ko. "Hi suplada. Namiss kita. " Kinilig ako. Dun nagsimula ang pagbalik ng communication natin. Nalaman kong lagi ka palang may basketball game sa gym dun sa plaza. Ako namang si malandi, nag chat na "Manonood ako ng game mo bukas. See you! " Hindi ko alam bakit parang gusto yata kita ulit makita. Baka na miss ko lng ang pangungulit mo sakin. O baka ikaw ang namiss ko. Charot.

Kinabukasan, dumating ako sa gym pero wala pa ang team nyo. Mga 20 minutes na akong naghihintay pero di ka pa rin dumating. Nandun na ang ibang teammates mo, pero ikaw wala pa rin. Akala ko di ka na sisipot, pero nagulat ako nang makita kita papasok sa gym. Nag cap ka pa na naka baliktad, tapos naka jersey shorts at T-shirt na alam kong huhubarin mo mamaya kasi may jersey din sa loob hahaha! Akala nyo ha. Don't me. Ngumiti ka na naman sakin, at pucha. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Gago ka heart, kalma lng. Lalo kang gumwapo. Mas maputi ka na rin. Pero ang ngiti mo hindi nagbago. Nilapitan mo ako sa bleachers, at ang daming nakatingin satin. Mga chismosa! Hahaha! Kung ano anong ka echosan ang sinabi mo pero wala na akong narinig kasi ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Kasalanan ng ngiti mo to eh. Hays. Nag start na ang game nyo, at ikaw ang shooter ng team. Sa tuwing makaka shoot ka, titingin ka sakin sabay kindat na parang asong ulol hahaha. Lalo kang gumagwapo sa paningin ko. Kinikilig na din ako sa bawat kindat at ngiti mo. Takteng puso. Nakakainis kasi kanina pa nagwawala. Doon ko na realize, napapaisip na pala ako.

"Ah... Gusto ko na yata si Jed. "

PS. I'll send the part 2 kapag na post na po. Thanks sa pagbabasa ng drama ko sa life. Lol.

Faye
Somewhere Lang

Univeristy Confessions 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon