THE DOCTOR AND I
We met way back 2nd year college. Engineering ako at Med Tech sya, tho ako ang babae at siya naman ang lalaki. Naging magkaklase kami sa isang subject. Naging partner ko sya sa activity noong first day kaya ever since, kami na lagi ang magkatabi sa klase. Naging close kami tho tuwing klase lang kami nagkakausap. Nagchachat din minsan pero mostly about lang sa lessons or homeworks. Normal friends lang, ganun.
Pero after ng sem na 'yon, kinakausap nya pa rin ako. Sabay na kaming kumakain, nag-aaral, umuuwi. After another semester, nagtapat sya sa'kin. Feel ko naman noon na gusto ko na rin sya kaya sinubukan kong i-reciprocate hanggang sa naging kami na nga.
Napakasaya ng 3rd yr ko dahil sa kanya. Nandun pa rin yung friendship pero naging sweet. Kukulitin ko siya habang gumagawa sya ng plates, guguluhin nya ako habang nagmememorize ako, dadalhan nya akong pagkain, susunduin sa classroom, kukwentuhan ng mga pangarap nya para sa amin, etc. Basta, yung akala mo wala nang katapusan.
Pero after 1 year, naramdaman ko yung panlalamig nya. Hanggang sa hindi na lang sya nagparamdam. Iniwasan nya ako, di sinagot mga tawag ko, di nireply-an mga messages ko. Pero hindi ako sumuko. Sobrang mahal ko eh. Bigla syang nagtext isang araw na magkita raw kami. At ayun, pormal na syang nakipaghiwalay sa akin without telling the real reason.
Pero ayun nga. Matigas ulo ko eh kaya hindi pa rin ako sumuko. Ibinalik ko yung friendship kasi hindi ko sya kayang mawala. Kahit iyun na lang, okay na ako. Naibalik naman yung pagkakaibigan. Yun nga lang, ang naging kapalit ay pag-iyak ko nang patago, pagpapanggap na okay lang ang lahat, pagkukunwaring hindi na ako umaasa. Sa madaling salita, palihim na pagpapakatanga. Kaso habang tumatagal, napapansin nya yata mga effort ko para sa kanya. Parang pinagtatabuyan nya ako pero subtle lang. Nagpakatigas pa rin ako. Kahit ako ang prinsesa, ako ang lumaban. Kinukulit kulit ko pa rin sya. Dinadalhan ng pagkain. Pero wala akong sinasabi. Puro actions lang. And I prayed and prayed a lot to have the strength to keep going. Everytime na susuko na ako, parang nagpapahiwatig ng sign si Lord out of 'coincidences' na may pag-asa pa. Kaso ramdam kong naiirita na si ex sa akin, or at least iyon ang ipinaparamdam nya. Hanggang sa makagraduate na siya kaya halos di na kami nakapag-usap.
Maraming nanligaw sa akin matapos naming magbreak pero wala akong magustuhan kasi nga martir ako. Hanggang sa isa na lang ang naiwang matibay. After 1 and a half year ng panliligaw, napansin ko lahat ng effort ni Trev para sa akin. Naisip ko, 'Wow. Ganito pala ang worth ko para sa isang tao.'. Sawa na rin akong magpakatanga. Panahon na para sumaya naman ako. With that, binalak ko siyang sagutin kinabukasan.
Pero mapaglaro talaga ang tadhana.
Bigla kaming nagkita ng ex ko. Our conversation went this way.
NV
"Nakita ko kayo ni Trev ah. Parang ang saya niyo. Masaya ka ba?"
"Oo. I think? Kung anong nakita mo."
"Naiisip pa rin kita."
Nagulat ako. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin pero gusto kong palalimin pa yung usapan. Kailangan kong malaman lahat.
"Ha? Bakit?"
"Nanghihinayang ako. Pinakawalan kita. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita o nababalitaan ko ang tungkol sa inyo. Pero wala eh. Kasalanan ko."
Naiyak na ako pagkasabi niya nun. Sumabog sa harapan nya lahat ng emosyong matagal kong kinimkim. Pero naitanong ko pa rin yung gusto kong malaman.
"Bakit mo ba kasi ako iniwan?"
"Priorities. Kailangan kong mag-laude para makapasok sa med school sa America. Na-pressure ako nila papa."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin dati? Kaya kitang hintayin. Assurance lang naman na mahal mo ako ang hinihintay ko eh."
Naiyak na ako lalo. Gusto kong isumbat sa kanya yung gabi-gabing pag-iyak ko dahil sa kanya. Yung pagpapakatanga ko. Yung pakiramdam na pinagpipilitan yung sarili sa taong itinataboy ka na. Bakit kailangan nya pa akong itaboy? Isa't kalahating taon akong miserable dahil sa kanya.
"Mahal pa rin kita... And I also paid the price of seeing you with another guy. It hurt and still hurts a lot pero kinailangan kong itago para hindi mo makita. Pero dati yon. This time, handa na akong panindigan ka. Mahal mo pa ba ako?"
Hindi ako agad nakasagot. Pinakiramdam kong mabuti yung damdamin ko. Hanggang sa bigla ko na lang nasabi,
"Oo."
Ang galing. Kapag naaalala ko yung mga nangyari na yon, napapangiti na lang ako. Kaya pala ganoon na lang yung will ko, kasi may inaasahan pala talaga ako. Naunawaan ko naman yung dahilan nya. Hindi naman kasi talaga biro ang med. Nagtaguan lang kami ng tunay na nararamdaman pero in the end, nagkatagpuan din. Kaya sa mga nagmamahal, okay lang magpakatanga sa pag-ibig paminsan-minsan. Laban lang hangga't tama ang pinaglalaban. Laban hangga't may ipinaglalaban.
Parehas na kaming successful ngayon. Engineer ako, doktor siya. Hindi ko maiwasang alalahin ang araw na iyon habang tinititigan ko ang blueprint ng magiging bahay namin ng future family ko. Dream house namin to ng fiancé ko eh. Ako ang gumawa ng structure habang siya naman ang gumawa ng design.
Oo nga pala. Isa nang architect si Trev ko ngayon. Engaged na kami at kuhang-kuha niya ang design na gusto ko. Sinagot ko siya kinabukasan matapos ng pag-uusap namin ng ex ko.
Bakit? Kasi napagtanto ko noon na mas naiparamdam niya sa akin yung totoong halaga ko. Sa kanya, hindi ko kinailangang ipagpilitan ang sarili ko. Sa kanya, mas naging malinaw ang lahat. Sa kanya, inakala kong mas sasaya ako. At totoo nga. Sa pitong taon namin, hindi niya ako binigo kaya naman minamahal ko siya higit pa sa pagmamahal ko kay ex noon. Hinayaan nya ako sa tabi nya habang inaabot nya ang mga pangarap niya. Sinagot ko ang ex ko ng "Oo" sa huling tanong nya hindi dahil gusto kong bumalik ang lahat sa dati. Ang oo na iyon ay para sa kakaunting pagmamahal na natitira para sa kanya na alam kong kayang-kayang higitan ni Trev.
Okay lang naman naman magpakatanga sa pag-ibig paminsan-minsan. Huwag na huwag ka lang aabot sa puntong malilimutan mo na ang halaga mo bilang isang taong nagmamahal nang lubos.
2010
Engineering
BINABASA MO ANG
Univeristy Confessions 2
De TodoYung mga nandito, yung mga nagustuhan ko lang po na story. Kumbaga cinopy paste ko lang from secret files. Have fun reading!