[NU FW]

73 0 0
                                    

#NUFreedomWall5510

"Just Do It"

Napanuod nyo na ba yung "100 Tula Para Kay Stella" ? Ganun din ata yung kwento ko.

Meron kasi akong boy best friend ever since first year ako and sobrang nakikita ko sya as a brother until one day na sumusobra na yung pagiging sweet nya tapos lagi nya ako tinatawag na crush pero dahil wala syang sinasabi na gusto nya ako or what, feeling ko trip trip lang nya. Although kahit mga friends namin napapansin yun, sabi pa nila "kelan mo sasagutin si J" tapos natawa lang ako sabi ko "luh friends kami nun tyaka di nangliligaw yun"

Until nabalitaan kong may gf na sya so wala lang talaga sakin medj naging cold sya that time tapos di na kami naging magka klase, Until recently tapos nagiging sweet nanaman sya (fyi break na sila ng gf nya bago kami naging magka klase ulit) so ako hinahayaan ko lang sya maging sweet like goodmorning/goodnight messages, tapos minsan tawag nya sakin baby, hinuhug nya din ako tapos lagi nya ako nililibre.

Akala nyo naging kami? mamser hindi po HAHHA so by that time nafafall na ako as in, and i was waiting for him to say something or to ask me pero mamser wala. Tapos naririnig ko sa ibang friends namin na feeling nya daw kasi di nya ako deserve?? wow? mamser di ko alam kung talagang torpe sya or yun talaga nafefeel nya or baka tamang flirt lang sya kaya hinayaan ko, in other words kahit gusto ko na sya wala akong sinasabi go with the flow lang.

Hanggang sa dumating yung isang tao na sobrang pinahalagahan ako, naging boyfriend ko si E. ilang months na kami pero di ko pinapaalam sa friends ko kasi ipapakilala ko sana sa kanila after ng 1 year namin kaso eto na nga...

Last month birthday ko, nagbigay ng flowers si J tapos sabay sabi "sorry ang tagal bago ko to nabigay sayo" tapos ako syempre schock like hello may bf na ako sis.

E: happy birthdaay long time crush, ngayon lang ako umamin kasi ngayon ko lang na feel na deserve mo ako. sorry kung pinatagal ko.

(naiiyak na ako kasi alam mo yun gusto ko syang sagutin peor may bf na ako)

Me: sorry J may boyfriend na ako, malapit na kami mag 1 year. i'm sorry

Tapos nag walk out ako dala dala yung flowers nya. That's the last day na nag usap kami. The reason bat ko to shinare? Advice ko lang sa mga lalaki Just Do It, kapag may gusto kayo wag nyo lang landiin ligawan nyo. Kahit feeling nyo masyado kayong maliit, or di niyo deserve yung girl. Wag kayo mag antay ng right timing kasi walang ganun, kung di ka kikilos walang mangyayari. Nasa kamay nya na ako pero binitawan nya pa din ako. Tapos ngayon na gusyo nya na ako pulutin nasa kamay na ako ng iba.

Submitted:  December 1, 2019 10:44:00 PM +08

Univeristy Confessions 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon