[FEU] 8 years

191 4 0
                                    

8 years

ang tagal niya akong tinatanong noon kung kailan daw ba ako mag-popropose. 8 years na kami, nasa legal age at pareho na kaming nagtatrabaho at may ipon. nagkakilala kami nung college. blockmates kami, nagsimula sa crush hanggang sa nadevelop nung naging magkagrupo sa thesis. sabay grumaduate, sabay umakyat sa hagdan ng young-adult to adult life. kami palagi ung magkasangga sa lahat since pareho kaming nanibago sa bagong mundo.

at ang sagot ko sa mga tanong niya about marriage... ""darating din tayo dyan, antay ka lang"" pero sa totoo, wala pa naman sa isip ko talaga ang mag-pakasal kasi isip bata pa ako noon at ayaw ko pa ng responsibilidad.

gustung-gusto na niyang mag-settle down. ayaw ko pa. napressure ako kaya nag decide akong iwan siya at mag-enjoy muna nang mag-isa. nagpakabuhay single ako. sa 8 years kong nakulong sa isang relasyon, pakiramdam ko para akong nakawala sa kural. madaming babae, puro alak, puro walwal, ubos sahod kung saan saan. remember ung kwento ni John Lloyd sa movie nila ni Toni na My Amnesia Girl? aware na sobrang attached emotionally yung girlfriend pero iniwan nang walang sabi-sabi basta wala na lang paramdam. ganon na ganon ung ginawa ko pero mas masakit ang ganti ng karma sakin.

sinong makapag iisip na after a year papanoorin ko nalang mula sa malayo ung girlfriend kong ikinakasal sa ibang lalake? iniisip na sana kung di lang ako tanga, ako ung katabi niya sa altar. ako sana ung nagsusuot ng singsing sa kaniya. ako sana ung hahalik sa kaniya at magsasabi ng "I do".

it hurts to witness my world crushing right before my very eyes. wala akong nagawa kundi mag-punas ng luha. kasi wala na eh. wala na akong habol. kahit mangisay ako at lumuha ng dugo alam kong  sobra yung galit at sama ng loob na ibinigay ko sa kaniya. at wala akong kapal ng mukha na mag-pakita pa.

pero sa isang banda, masaya ako dahil sa wakas natupad na ung pangarap niyang ikasal. kahit hindi sakin. finally natupad na ung pangarap niyang makapag-suot ng magandang gown at magkaroon ng permanenteng singsing.

i know... isa na namang kwento ng ang pagsisisi ay palaging nasa huli. I just wanted to share and to warn you that life can really f*ck you up big time. And I am the living proof. wag padalos-dalos sa mga desisyon sa buhay. pag-isipan para hindi pagsisihan.

**
2008
IABF
FEU Manila

Univeristy Confessions 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon