#USTFreedomWall24438
To my TOTGA,
Mat, nakilala kita nung mga oras na sirang sira ako. I was mentally and emotionally unstable back then kaya pinagtulakan kita. Sabi ko saʼyo na huwag ako yung gustuhin mo dahil hindi ko kayang alagaan ang sarili ko. After ilang beses na pag try mong suyuin ako at sabihin sakin na hindi mo ko papabayaan, sumuko ka rin. Pero after ilang years, we became friends. Hindi ko alam kung paano nangyare ʼyon pero mas okay sakin na naging mag kaibigan tayo. Lumalabas tayo, nag iikot tayo kahit saan sa Manila. Tumatambay sa labas ng condo niyo. Solid tropa lang yung datingan pero sa tuwing kasama kita, napapaisip ako na what if tinuloy natin yung dati? Pero hindi ko sinasabi saʼyo. Basta naging mag kaibigan tayo. Ikaw pa nga pinapabili ko ng pregnancy test ko dati kasi natatakot akong mabuntis ng ex ko. Ikaw pa yung nag luluto minsan sa dorm, isang tawag ko lang, nandyan ka agad. Nakasama na kita humiga sa kama pero never mo akong binastos. Never mo akong hinawakan, never mo pinaramdam sakin na may balak kang masama. Pero nung time na naging mag kaibigan na tayo, hindi pa rin ako okay kaya tinago ko na lang yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman mo sakin that time pero thank you for making me feel safe and sound. Naisip ko kasi na paano kung itutuloy natin pero sirang sira pa rin ako? Hindi kita maaalagaan, hindi ko mabibigay yung pagmamahal na deserve mo. Kaya sabi ko sa sarili ko, sana kapag pwede na, pwede pa. This year, Mat, naging okay ako. Naging stable na yung mental health ko. Pero biglang isang araw nakita kita, kinabahan ako. Kasi kasama mo yung ex mo. Pag uwi ko tinanong kita kung nag balikan kayo. Sabi mo, oo. Haha, nasaktan ako kahit wala akong karapatan. Gusto kong sabihin saʼyo na ikaw yung the one that got away ko pero hindi ko masabi kasi tingin ko, hindi na importanteng malaman mo yung nararamdaman ko kasi hindi na tayo pwede. Hindi na talaga. Pero Mat, Iʼm happy because youʼre happy. Hindi ka na mahihirapan na lumaban mag isa sa mga problema mo. Grabe, ʼdi ko makakalimutan yung mga moments natin sa labas ng condo niyo tapos sinasabi mo sakin yung mga problema mo. Sobrang bait mong lalaki and Iʼm grateful na nakilala kita. Ngayon, Iʼm still your friend at hanggang sa huli kapag kailangan mo ulit ako, sasamahan pa rin kita. :)
PS. Guys, huwag kayo matakot mag take ng risk. Kasi nandyan talaga ang pagsisisi. Shoot your shot.
Submitted: November 16, 2020 6:07:35 AM HKT

BINABASA MO ANG
Univeristy Confessions 2
RandomYung mga nandito, yung mga nagustuhan ko lang po na story. Kumbaga cinopy paste ko lang from secret files. Have fun reading!