[]

97 0 0
                                    

Mag 8 years na kami ng bf ko. First bf ko siya. We started dating 4th years HS. Yung first 3 years namin was a mess. Pero eventually naging okay ang lahat kahit on and off kami before. Naka graduate kami, nag ka work at may business ngayon. He's going abroad to work this month. Kilala na namin ang isa't isa. Nakasama ko na siya sa isang bubong before when I was working sa Manila. 2 years din yun sakanila ako tumira kasama ang nanay at mga kapatid niya. Kaya masasabi ko na kilala ko na siya plus we're going 8 years na din. Ang dami na naming pinagsamahan at pinagdaanan. I'm living on my own na may sariling apartment na ako. 4 times a week siya dun then uwi siya sa Manila for 3 days.

Madami kaming away before. Hindi kami perpekto pareho pero ang maganda kada away, may lesson kaming natututunan. Madaming ugali na din ang nabago na nadaan namin sa magandang usapan at ilang away.

Hindi ako perpekto. Ako yung klase na laging may sagot. Pwede nga daw akong mag abogado. Yung tipong masasabing "hindi nagpapatalo" pero I learned over the years na minsan kailangan ding tumahimik sa argumento. Isa ko ding pangit na ugali is pala utos. Before independent ako. As in. Pero dahil sabi niya sakin na huwag ko naman daw ipamukha sakanya na hindi ko siya kailangan kaya ang ginawa ko sinanay ko ang sarili ko para maiparamdam ko sakanya na mali ng siya ng iniisip. Kaso ang nangyari sumobra naman ako. Lagi akong nag uutos sakanya. "Paki abot yung ganito, kunin mo 'to. Paki gawa 'to" pinag awayan namin yan minsan pinagtatawanan nalang. Yan ang pangit kong ugali.

Okay na naman sana kami pag masaya kami walang problema. Opposite kami sa lahat ng bagay na isa ding dahilan kung bakit nahirapan kami sa relasyon namin pero still we found ways to compromise.

Okay na sana pero may issue ako sakanya.

Everytime na nag aaway kami tinatrato niya ako na parang ibang tao. Na parang hindi niya iniisip na gf niya ako bestfriend na din niya na may pinag samahan kami.

Bakit ganon? Dati nagsimula yan sa pag nag away kami tapos pauwi na kami nakasakay sa jeep, pagbaba mauuna na siya. Walang kahit na ano kakaripas ng lakad na para bang walang kasama. Issue ko na sakanya yan since 1 year palang kami. Tapos ngayon nag upgrade na siya since almost 8 years na kami. Pag nag kakasagutan kami matatahimik nalang ako sa huli kasi di ako makapaniwala sa inaasal at sinasabi niya. May time na nagalit talaga siya sakin ang taas na ng tono niya. Tapos sinabi ko na "Huwag kang sumigaw nakakahiya sa mga kapitbahay."

Sabi niya: "Wala akong pakielam"

Naiyak nalang ako kasi alam ko sa isip ko na hindi tama 'yong ginawa niya.

Iba yung logic niya. Magkaibang magkaiba kami ng thinking.

Isa pang scenario ito yung reason bakit kami magkaaway ngayon.

Magpapa laundry kami nung isang araw. May allergy ako sa balat madali ako mangati kaya sabi ko sakanya kunin mo yung bedsheet at comforter paki sama na din sa ipapalaba. Nainis siya kasi wala naman daw sa usapan na kasama yun. Pinilit ko yung gusto ko kasi kalinisan yun e. Iba na mukha niya nakasimangot na siya. Sana daw inagahan nalang niya. Ang nasa isip ko wala namang sigurong problema dun kasi i drop off lang naman niya tapos babalikan nalang pag pwede na. Nainis na ako kaya sabi ko sakanya

"Alam mo? Ako nalang. Nakakahiya naman sayo"

Ang sabi niya "O diba. Kaya mo naman pala na ikaw ang mag drop off tinatamad ka lang. Wag ka na magpanggap. Ako na ang mag drop off niyan."

Ang thinking ko kasi napaka bigat nung mga damit kasi damit namin pareho yun. Issue ba dapat 'to? Hindi ba dapat na siya ang lalaki alam niyang mabigat siya nalang? Tapos hindi niya alam first day ng mens ko 'non. Umalis ako at bumalik ako gabi na. Nagtext siya na anong oras daw ako uuwi para makauwi na din siya kasi nandun sa laundry yung mga damit niya. 2 days kaming di nag uusap hanggang kanina umuwi siya. Kukunin na daw niya mga gamit niya. Hindi na daw maganda na nag stay siya doon sa apartment. Hindi na daw maganda ang epekto.

Instead na mag sorry siya lagi niyang sinisisi sa iba. Tapos ngayon wala siyang salita naghahakot na ng gamit niya.

Ang sakin lang, mali ba o sobra ba na maghangad ng lalaki na kaya ka paring kausapin at respetuhin kahit gaano kalaki ang away niyo? Mali ba ako dun? Yun ang lagi naming problema pag galit siya, galit siya. Parang di niya ako kilala. Pero pag galit ako tinatawanan lang niya ako. Isang beses mag sorry tapos ayaw na niyang pag usapan pa. Wala na. Papalipasin nalang.

Napapatanong ako sa sarili ko kung siya na ba talaga? Kasi ako naniniwala ako na makikilala mo ang partner mo pag magkaaway kayo. Kung paano ka niya tratuhin at sa pinapakita niya sa akin hindi maganda. Nababahala ako na pwedeng lumala pa sa future pag kasal na kami.

Pasensya na sobrang haba. Kung naka abot ka hanggang dito salamat.

AteMoGirl, 2016, CHE

Univeristy Confessions 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon