[UE] Open letter to the girl I broke

347 2 0
                                    

Open letter to the girl I broke

Una sa lahat gusto kong humingi sayo ng tawad sa lahat ng nagawa ko. Sa lahat ng panggagago ko, pagdisappoint ko sayo, sa pagtago at pananakit sayo. It's really hard for me to accept the fact na we are really over. Na sumuko ka na. Na di mo kinayang lumaban pa. Pero di naman kita masisisi eh. Ako naman talaga yung gago sa relasyon na to. Ako yung umubos sayo. Kaya tama lang naman ginawa mo eh. Ilayo mo yung sarili mo sa taong sumisira sayo. Pero gusto ko lang malaman mo na pagkatapos kong marealize lahat ng mali ko, dun ko nalaman kung gano pala talaga kita kamahal. And alam ko mahal mo din ako pero sinayang ko yun. Sinayang ko yung babaeng handang magstay para sakin. Yung handang isakripisyo sarili nya para sakin. Sinayang kita. At pinagsisisihan ko yun ng sobra. Alam ko ayaw mo kong makita dahil sobrang galit ka sakin. Kaya sana basahin mo talaga tong letter na to kasi dito ko na sasabihin lahat ng gusto kong iparating sayo. Gusto ko lang magpasalamat sayo. You're such a great girlfriend. Bilib ako sa patience mo, sa understanding at syempre sa love mo. Ang rami mong binago sakin. Dahil sayo naging confident ako kasi alam ko may isang tao dito sa mundo na talagang naniniwala sakin at susuportahan ako kahit san. Kaso wala ka na eh. So balik na naman ako sa dati. Sayang no? Ang dami nating plano. Sobrang dami. Sa kasal, pag mag asawa na tayo, pag may trabaho na. Pero lahat ng yun hanggang plano na lang. Wala eh sinira ko eh. Ako yung sumira ng lahat ng yun. Sana wag kang magbabago kahit wala na tayo. Sana same ka pa din. Be a good girl pa din ah? Magfocus ka sa studies mo. Gusto ko pag nagkita tayo ulit successful ka na ah. Ako naman, mag aayos na din ako. Aayusin ko sarili ko. Lahat. Para pag nagkita na tayo ulit, handa na ko para magsimula ulit. Sorry talaga sa lahat. Alam ko pinagsisisihan mo ngayon kung bakit ako pa tong sinagot mo. Kung bakit sakin ka pa nagseryoso. Kung bakit ako yung naging boyfriend. Sorry ang kapal ng mukha ko para lokohin ka or gaguhin ka. Tama ka naman di ko talaga deserve yung hinihingi kong closure. Kaya eto dinaan ko na lang sa letter. And etong mga gifts and things that reminds me of you, ibabalik ko na sayo. Babawiin ko tong mga to okay? Gagawin ko ulit lahat para makuha yan. Liligawan ulit kita pero sa tingin ko di muna ngayon yung time na yun. Masyado kang damage eh because of me. Sabi mo nga "the one that broke you can't be the one to fix you." and yes tama ka naman di kita kayang ayusin. Pero gusto ko din na ituloy pa din kaso para kasing di pa tama yung timing ngayon. Sana pag ready na ko at ready ka na ulit, magsimula na ulit tayo. Mahal na mahal kita. Bye.

Tk
Business Administration
2015
UEMnl
College

Univeristy Confessions 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon