[UNIVERSITY CONFESSION FILES]

173 2 0
                                    

SPG

"Gusto ko lang i-share story namin ng girlfriend ko para maging lesson na rin sa ibang mga lalaki dito..

Kapag nagagalit ako sa kanya, galit talaga ko. Nagagawa ko siyang hindi kausapin ng mga ilang araw. Pero sobra siyang manuyo kapag ganon. Kung kelan ko matripang kausapin siya, don ko lang siya kakausapin..

Sobrang bait ng girlfriend ko. Maalaga siya. Matalino. Maganda. Mahal na mahal ako non. Wala ka na talagang hahanapin pang iba kumbaga full package na.

Kaso nagsawa ako, kasi kung anong gusto ko binibigay niya agad. Parang nawalan ng thrill relasyon namin. Yun kasi gusto ko para di boring.

Naging madalas yung pagkainis ko sa kanya, lahat binibigyan ko ng issue para suyuin niya ko ng suyuin. Natutuwa ako pag hinahabol habol niya ko sa daan tas di ko siya pinapansin. Haha ang gago diba?

Hanggang sa ako naman yung nakagawa ng mali, galit na galit siya sakin pero di ko siya sinuyo. Nag walk out lang ako tas iniwan ko siya sa school. Pero nakafeel ako ng konsensya nung time na yon. Gusto ko siyang balikan pero naduwag ako. Di ko na alam manuyo ng babae kasi nasanay ako na laging ako ang sinusuyo..

Hanggang sa makarating ako ng bahay, iniisip ko kung nakauwi kaya siya ng maayos. Ilang oras na ang nakalipas pero wala man lang siyang text sa akin. Pati sa messenger hindi siya online. Tinignan ko twitter niya kung may tweet siya pero wala. Tumawag agad ako sa bahay nila, at ang sabi wala pa daw siya. Syempre kinabahan na ako non.

Bumalik ako sa school, pero wala na siya don. Kabadong kabado ako kasi baka may nangyari ng masama sa kanya at kasalanan ko pa. Isip ako ng isip kung saan siya pwedeng pumunta. Naiiyak na ko kasi di ko kakayanin pag may nangyari sa kanya.

Tinry ko pumunta sa pinapasyalan naming park, mga bahay ng kaibigan niya pero wala siya don. Nagreport na rin pamilya niya sa pulis, dalawang linggo ang lumipas na di siya nagpakita. Ang akala nga ng mga magulang niya patay na siya. Pero alam ko sa puso at isipan ko na buhay pa siya.

Tumawag na lang sa akin ang mama niya na nandon na daw sa bahay nila ang girlfriend ko. Agad agad akong pumunta doon. As in agad agad kahit naka boxer shorts pa ko. Nung nakarating na ko sa kanila, nakita ko siya nakaupo sa labas ng bahay at nakangiti siya sa akin. Nilapitan ko siya.. Niyakap ko ng napakahigpit at ayoko nang pakawalan pa.. At sinabi niya sa akin na ""kaya ko pala kahit wala ka""  tangina bro ang sakit. Nagmakaawa ako na wag siyang makipaghiwalay pero wala eh. Yun na yung desisyon niya..

Nawala siya ng 2 weeks dahil sumama siya sa kaibigan niyang umuwi ng probinsya. Di niya rin daw sinabi sa pamilya niya para di masabi sa akin. Diba baliw lang? Laki ng gulong ginawa niya dahil lang sa akin.. Pero mga tol, ang sakit. Ngayon, nakikita kong masaya siya nang wala ako. Siguro nga tama na yon, kasi puro sakit lang naman nadudulot ko sa kanya nung boyfriend niya pa ko.

Kaya kayo, pahalagahan niyo mga mahal niyo baka biglang matauhan yan at iwan kayo. Tas nganga na "

Crybaby
Engineering
2010
CEU

Univeristy Confessions 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon