Prologue
Years ago, people on Astrea were not divided into any groups, and peace could always be seen there. People and animals are still in touch with each other, sharing knowledge and peace in our communities.
And when darkness comes into our world, the Goddess of the Sun, Litha, gives us a powerful stone that comes from the surface of her kingdom, mixed with her soul, to balance the world with peace over darkness-the stone is the reason why evil things are defeated in the world of Astrea.
But along with the disappearance of the Goddess of the Sun comes the aggressiveness of those who are eager to touch and want to hide the stone she left behind, which they want to protect for their sake.
And there, the people begin to divide into five groups. Each group wanted to get the stone that the Astrea Kingdom was hiding, so there was a commotion that caused them to quarrel with each other.
And to this day, people still don't get along. And it seems that there is no intention for everyone to reconcile with each other to bring everything back to normal, despite the power of the stone of the Goddess of the Sun.
"Hindi po ba parang sinasabi niyong ang mga buhay ng tao rito sa Astrea ay nakasalalay lamang sa batong iniwan ni Litha, ina?"
Kanina pa ako nakikinig sa ikinukwento ni ina patungkol sa sitwasyon ng Astrea. Noong nakaraang araw kasi, narinig ko sa isa sa mga gwardiya rito sa Astrea Kingdom ang kwento patungkol sa sinasabi nilang bato. At mukhang doon nga talaga inilalagay ng mga tao ang kanilang mga buhay alang-alang lamang sa kanilang proteksyon laban sa kadiliman.
Pero bakit pa rin nila ginagawa iyon samantalang wala namang nangyayari o namumuong kadiliman sa loob ng syudad?
Inabot ko ang tingin kay ina habang nakapangalumbaba ako sa kanyang hita. Hinahaplos-haplos niya ang aking buhok habang siya'y nakatingin sa akin. Nakaupo siya sa kama ko dahil hinatiran niya ako ng makakain ko rito sa kwarto kani-kanina lamang.
"Hindi naman sa gano'n," wika ni ina. "Ang nais lamang nila ay maprotektahan ang kanilang mga mahal sa buhay gamit ang batong iniwan ni Litha."
Kumunot ang noo ko. "Kanina ko pa naririnig ang kwento ni Litha..." Inayos ko ang pagkakaupo ko at tumingin sa kanya. "Nasaan na po ba si Litha, ina? Saan na po siya nagpunta kung wala po siya rito sa atin?"
Bumuntonghininga siya. "Kasabay ng pagkatalo ng kadiliman mula sa batong ibinigay niya ay ang kanyang paglaho, ilang daang taon na ang nakalilipas. At hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung nasaan na siya."
Nakakalungkot din naman palang isipin na kahit ang mga diyos ay mayroon ding mga kahinaan pagdating sa ilang mga bagay, kagaya ng paglaho nang wala sa oras ni Litha.
"And people think that Litha was already dead," dagdag pa niya.
Kumunot ang noo ko. Kung namatay na ang dyosa ng araw, bakit buhay na buhay pa rin ang batong kanyang iniwan na nasa pangangalaga ng Astrea Kingdom?
"Naniniwala po akong hindi pa po siya namamatay, ina," sabi ko sa kanya. "Dahil kung patay na po siya ay mawawalan na rin ng kapangyarihan ang batong pinoprotektahan ng palasyo." Ngumiti ako sa kanya. "Bakit hindi na lang po kayo pumili ng isang tao na mag-aalaga ng bato upang sa gayon ay hindi na sila mag-away-away?"
Narinig ko ang kanyang pagbuntonghininga. Kasabay ng pag-alis niya ng tingin sa akin ay ang pagtayo niya mula sa aking kama at naglakad patungo sa may bintana.
Sinundan ko lamang siya ng tingin at hindi na muna umimik dahil parang malalim ang kanyang iniisip.
"Hindi madali ang iyong sinasabi, anak. Dahil simula nang magkaroon ng agwatan ang mga tao, wala na akong ibang pinagkakatiwalaan pa sa bato kundi itong palasyo na lamang mismo." Tumingin siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasyScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...