Chapter 59

61 11 0
                                    

Chapter 59

Tahimik ang buong paligid habang magkakaharap kaming lahat mula sa labas ng kweba. Nagdesisyon kasi sina Sheldon at ang iba pang kasama namin na sa labas na lamang din sila matapos kumain upang mayroon kaming kasama na dalawa ni Aphro.

Mula sa gitna ng aming kinauupuan ay mayroong ilang mga putol na kahoy na sinindihan ni Celina gamit ang kanyang kapangyarihan upang malabanan namin ang lamig sa paligid. Hindi naman na masyadong malamig kumpara kanina. Tama lamang ang ihip ng hanhing tumatama sa balat namin, especially that the hearth of fire is in the middle to save us from our shivers.

Nasa kanilang bahagi sina Sheldon, Leo at Aphro. Samantalang magkatabi kami nina Litha, Morgan at Celina. Nasa right side ko si Litha. Nasa left side ko naman si Morgan habang katabi niya si Celina. Nakatingin lamang ang bata sa apoy habang nakapangalumbaba siya sa kanyang kinaroroonan.

Mukhang walang gustong umimik habang dumadaan ang bawat minuto na tanging ang ihip lamang ng hangin ang namumutawi.

Not until Celina broke the silence with her voice. "'Di ba, sundalo ka ni General Israel?" Tumingin siya kay Sheldon.

Sheldon looked at her, too, smiling from what Celina asked her before he nodded. "Yes," he said. "Why do you ask?"

Ngumiti si Celina. Matapos niyon ay saka siya tumayo. Ang buong akala ko ay pupunta siya kay Sheldon upang makipagkwentuhan since nagbigay nga ng topic si Celina mula sa pagitan naming lahat. Instead, nagtungo siya roon sa loob ng kweba at hinintay namin siyang bumalik, dala ang kanyang bag na mayroon pa ring bahid ng putik.

Binuksan ni Celina iyon at dahan-dahan niyang kinuha ang pistol na nakuha nilang dalawa ni Sheldon sa maliit na bayan, bago ang lugar na ito. Tinanong ko si Celina kanina kung ano ang pangalan ng bayan na iyon subalit wala rin siyang alam patungkol doon. Basta ang alam lang niya, bukod sa mga taong naroroon ay pati mga Barbarians ay nagtutungo roon upang mag-supply ng mga pagkain. Bukod din sa mga prutas at gulay ay doon din nanggagaling ng mga dried fish na inaangkat patungo sa Little Burg.

"Sa totoo lang, noong bata ako, gustong-gusto kong maging sundalo," aniya. "Just to protect myself from being bullied by the children around me, and of course, from being bullied and being upset with my family." Hinawakan niya nang mahigpit ang kanyang hawak na pistol at itinutok iyon kay Sheldon.

I thought Sheldon would tell her na huwag niyang itutok sa kanya 'yong baril dahil delikado. Subalit hindi iyon nangyari. Instead, si Sheldon pa tumayo para kunin din ang kanyang bag mula sa loob ng kweba at bumalik siya't ibinigay kay Celina ang mga bala.

"You can't protect yourself if you have no bullets," patawa-tawang sabi ni Sheldon sa kanya. "Kidding aside, bakit ka naman nila binu-bully? Bakit ka galit sa mga magulang mo?"

Celina shrugged her shoulder before sitting down as she put the bullets inside the gun. "Every since I was a young girl, my parents sees me as a clumsy, pointless daughter. Dahil bukod sa wala akong kaalam-alam kung paano gagamitin ang pangalan ko ay palagi akong nahuhuli noon sa tuwing uutusan nila akong kumuha ng pagkain sa bayan ng City of Fire. At sa tuwing nangyayari 'yon noon sa akin, patay-malisya ang mga magulang ko kapag binabawi nila ako. They don't even see me as their own child every time they are facing with others." Tumingin sa akin si Celina. "Gaya ni Apollo, gano'n din ako sa mga magulang ko. Ang pinagkaiba nga lang, iyong ina ni Sheldon ay tanggap siya kung sino siya o kung ano siya. While me . . ." She averted her eyes off of me. ". . . they don't accept me at all."

"So you killed them?" singit na tanong ni Leo. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nang itanong niya iyon. Si Leo kasi ang kasa-kasama ni Celina simula noong sinabi niyang umalis siya ng City of Fire at nagtungo sa Little Burg, until she pushed herself to enter the Sire Palace. Kaya't nakapagtataka lang na itanong pa iyon ni Leo sa kanya. "I'm sorry, my girl, I didn't mean it. But do you think they need to know the truth? If you want to."

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon