Chapter 13
The Scar's width is 39 kilometers, as I stare at the map tracker I've took from Ysmael earlier. Kanina ko pa tinititigan ang mapa subalit hanggang ngayon ay wala pa rin akong kaide-ideya kung paano ko nga ba maiintindihan ang mga naka-point na kulay, mga numero at pati na rin 'yong nakalagay na mga section kung saan nakalagay ang mga nasabing lugar ng mapa, mula sa East Astrea map. Kasi sa totoo lang, bukod sa napakalawak ng mapa, kahit nasa kalahati pa lang ang ibinigay sa akin ni Ysmael ay hindi ko na talaga 'yon maintindihan.
Iyong lawak lamang ng Scar mula sa lupang sinakop niya ang siyang naiintindihan ko lamang, dahil iyon lamang din ang nakalagay mula sa gitna ng Scar art from its black color, together with the red colors, and I think, they were the monsters called Goors. Iyon lang naman din ang naninirahan sa loob ng Scar at bukod doon ay wala na.
Pero kung gano'n iyong kalawak ng Scar, ibigsabihin, pati 'yong Astrea Kingdom ay nakain na rin ng itim na usok?
Napabuntonghininga ako dahil sa stress na namumuo sa loob-loob ko habang iniisip ang bagay na 'yon. Kasi malapit lang naman 'yong Astrea Kingdom mula sa Scar na nabuo noon, kaya ang ibigsabihin lamang niyon ay nakain na rin iyon. Napakagat ako ng aking labi at napapikit.
Hindi ako gumalaw mula sa inuupuan ko mula sa harap ng desk tables habang iniisip ang bagay na 'yon. Katahimikan ang bumalot sa loob ng tent habang pinagmamasdan 'yong mapa. Sana talaga ay magpunta rito si Ysmael, kahit saglit lang, kahit magpautos siya na kuhanan ko siya ng pagkain sa storage tent para lamang sabihin niya sa 'kin itong nasa loob ng mapa, at ma-explain niya sa akin kung ano nga ba talaga ang mayroon dito. Wala talaga akong alam, nakakabwisit na buhay 'to.
Narinig ko ang pagbukas ng zipper ng tent kaya napatingin ako sa may pinto. Bumungad doon si Sheldon na mayroong dala-dalang handcuffs at nakasabiy iyon mula sa hawak niyang may kakapalang belt. Pumasok siya sa loob habang nginingitian ako.
"Parang ang busy mo riyan, ha?" paunang bungad nito bago siya umupo sa maliit na upuan, mula sa gilid ng pinto. Sumilip pa siya sa labas na animo'y mayroong tinitingnan bago niya ulit ako hinarap. "Kumusta ang unang araw mo rito?"
Inirolyo ko ang mga mata ko sa kanya. Hinawakan ko 'yong mapa at inirolyo ko na 'yon saka walang ganang ibinato iyon sa kanya. Nakapangalumbaba akong nakatingin sa kanya ngayon. "Ngayon mo sabihin sa 'kin na tulong 'yong ginawa mo."
Kinuha niya 'yong mapang nahulog sa gilid niya. Natamaan siya, at sinasalo niya 'yon no'ng binato ko subalit hindi niya nagawang mahawakan 'yon kaya nahulog sa lupa. Inilapag niya sa kanyang gilid 'yong mga handcuffs bago niya binuksan 'yong mapa. "Nice, gawa mo 'to? Ang galing mo naman pala, eh. Akala ko, hindi mo alam—"
"Tanga ka pala, eh." Iniwas ko ang tingin sa kanya. "Kinuha ko 'yan kanina kay Ysmael para sa trabahong iniatas sa akin kahit hindi ko alam ang ganyang trabaho. Paki-explain mo nga sa akin 'yang mga dot sa mapa. Tutal, ikaw naman ang nakaisip na maging map tracker ako."
"Nagpunta ka kay Ysmael? Buti hindi ka sinita ng mga sundalo rito?" Narinig ko ang tunog ng mapang hawak niya, at mukhang interesado talaga siyang sabihin sa 'kin kung ano iyong mayroon doon dahil napansin ko itong tumayo nang nilingon ko siya, at siya'y naglakad patungo sa gilid ko. Inilapag niya 'yong mapa sa tapat ko. "Medyo pagod ako pero sige, try kong sabihin sa 'yo iyong ibang nalalaman ko patungkol dito. Kinuwentuhan ako noon ni Ysmael, so maybe my explanation could help you a lot."
Tiningnan ko siya. Nakatingin siya kay Aphro na nasa may kama pero muli siyang tumingin sa mapang nasa harapan namin nang tunguhin ko ng tingin si Aphro doon. Malimit lamang itong nakatingin sa amin at mukhang hindi na naman maganda ang pakiramdam niya dahil hindi na naman siya mapakali roon. Ilang araw na rin siyang ganyan at hindi ko alam kung bakit nangyayari sa kanya 'yon. Kung kaya ko lang talaga siyang kausapin, at marinig sa kanya ang kwento patungkol sa nangyayari sa kanya ay matagal ko nang ginawa.
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasyScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...