Chapter 60
Nakatingin pa rin hanggang ngayon si Celina sa akin habang mamasa-masa ang kanyang mga mata mula sa mga luhang nagmistulang ilog na umaagos sa kanyang mukha. Napansin ko pa ang mas lalong paghigpit niya ng kanyang kamay habang hawak-hawak ang kwintas na ibinigay ko sa kanya. Humugot siya ng malalim na hinginga kasabay ng pagpunas niya ng luha sa kanyang mga mata.
Nang muli siyang humakbang patungo sa aking kinatatayuan ay muli akong umatras hindi ako nito maabot. Halo-halong kaba ang aking nararamdaman sa loob-loob ko habang iniisip kung paano ko siya kakausapin patungkol sa totoong nangyari kay Verona. Dahil kahit anong pilit kong isipin kung paano ko nga ikukwento sa kanya ang nangyari noon ay puro mga hinanakit lamang ang naiisip ko, na puro mga masasakit lamang na senaryo ang nabubuo ng utak ko.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko't humugot ng hininga. "H-Hayaan mo muna akong magpaliwanag, Celina," sabi ko sa kanya. Nang makakuha ng magandang tiyempo ay saka ko inihakbang ng ilang beses ang mga paa ko patungo sa kanya. Pero bigla ulit akong napahinto nang mapansin kong unti-unting umaapoy ang kanyang kamay. "Please . . ."
"Sinabi mo sa akin na nasa maayos na kalagayan siya, 'di ba?" galit na tanong niya. Nakuha iyon ng atensyon nina Sheldon at Leo na nasa kabilang upuan habang nakahiga sa gilid ni Aphro. Sa tulong ng sumasayaw na apoy mula sa likuran ni Verona ay makikita kung paano magtaka ang mukha nina Leo at Sheldon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa amin. Nagtanong pa ang mga ito kung ano ang nangyayari at kung bakit parang galit si Celina sa akin pero pinutol na kaagad iyon ni Celina gamit ang kanyang salita. "Sabihin mo sa akin na hindi totoo ang nakita ko, Soleil. Sabihin mo sa akin na walang nangyari sa kanya."
Umiling ako kasabay ng pag-agos ng luha sa aking mga mata. Gustuhin ko mang mangsinungaling sa kanya upang hindi niya ako saktan ay hindi ko naman magawa. Parang bumubulong ang hangin sa akin na kailangan ko nang sabihin sa kanya ang totoo. "I'm sorry."
The fire behind her crackled a few times na para bang nabuhusan iyon ng gasolina kaya't mas lalong lumaki ang apoy roon. Celina throw the necklace beside her. She didn't talk after that but she let her hands dance in front of her as the fire on the back of her travels through air hanggang sa mapunta iyon sa kamay niya.
My eyes widened for a reason that Celina is going to attack me, so I let my feet run away from where she is even before she uses her power to me.
"Celina! Soleil!" sigaw ni Leo mula sa kanyang kinaroroonan na ngayon ay nakatayo na dahil sa nasasaksihan. Maging sina Sheldon at Aphro ay naalerto na rin nang dahil doon. While Morgan is running through Aphro was and let her hands free to Aphro to hug her very tight. "Ano'ng nangyayari?"
Bago pa man ulit ako maabutan ng paparating na apoy mula sa pagmamanipula ni Celina gamit ang kanyang kamay, patungo sa aking kinatagayuan ay tumakbo ulit ako patungo sa direksyon kung saan wala siyang masasaktan na kahit na sino bukod sa akin.
"Hindi ko naman intensyong mangyari 'yon, Celina," ani ko habang pinapakiramdaman siya upang hindi niya ako masaktan. "Maniwala ka sa akin."
"Sinabi mo sa akin na nasa maayos na kalagayan siya," aniya. Kasabay ng pagkumpas ng kanyang mga kamay ay ang pamumuo ng malaking bilog na apoy patungo sa aking kinatatayuan. At bago pa man ako tuluyang makaiwas doon ay tumama na 'yon sa kalupaan, dahilan upang gumawa iyon ng makalas na pagsabog kasabay ng pagyanig ng lupa at ang pagkakawala ko ng aking balanse't napahandusay sa lupa. "You killed her!"
Umiling ako sa kanya habang umiiyak na't hinawakan ang kanang braso ko. Napakagat pa ako ng labi habang nakatingin ako sa kanya. "I didn't kill her, at hinding-hindi ko gagawin 'yon sa kanya!" Kaagad akong umiwas mula sa paparating pang apoy sa akin at nagtungo kaagad sa gilid ng kweba't kinuha ang espada roon. Ayaw ko man siyang kalabanin o tutukan man lang ng espada ang dalaga ay hindi ko naman puwedeng hindi protektahan ang sarili ko laban sa kapangyarihan niya. "Celina, makinig ka muna sa akin."
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasyScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...