Chapter 16
Hindi ko na hinanap pa si Sheldon. Dumiretso na ako kung saan namin iniwan ang kabayong sinakyan namin. Kanina pa ako rito at magdidilim na rin ang buong paligid. Nagtatalo na ang itim at gintong kulay ng kalangitan subalit hanggang ngayon ay wala pa rin si Sheldon.
Nakaupo lamang ako sa gilid ng puno habang nasa gilid ko si Aphro na nakalagay sa loob ng cage. Tahimik lamang itong nagmamasid sa akin habang patuloy ako sa pag-iyak. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili kong ibuhos ang mga luhang nasa loob ng aking mga mata dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Kitang-kita ko talaga kung paano mainis sa mukha ko si Val at ramdam na ramdam ko ang galit sa loob-loob niya. Para na nga akong nalulusaw kanina noong tinititigan niya ako.
At sa tuwing inaalala ko ang bagay na 'yon ay hindi ko magawang mailing at umiyak ulit. Hanggang kailan kaya ako magtatago sa kanya? Hindi ko naman talaga puwedeng ipakita ang sarili ko kay Val dahil sa reaksyon at ginawa niya sa akin kanina noong nagkita kaming dalawa.
Kung kaya ko lang mag-explain sa kanya nang hindi ako nasasaktan ay ginawa ko na, kanina pa.
Bumuntonghininga ako. Ikinalma ko ang aking sarili at pinunasan ang mga nasayang na luhang nahulog patungo sa aking baba. Tumingin ako kay Aphro at pilit siyang nginitian.
"Hindi pa tayo makababalik sa kanila." Muli na namang bumuhos ang luha sa mga mata ko. "Hindi pa tayo puwedeng bumalik sa bahay o magpakita kay Val. Galit na galit siya sa akin at mukhang wala siyang pakialam kung ano ang mangyayari sa akin kanina kung hindi ko pa siya tinakasan." I am sobbing but I still manage to catch my breath as I withdrew my gaze to her.
Ilang minuto na ang itinagal naming dito at medyo malamok na rin sa paligid namin. Napatigil na lamang ako sa pag-iyak at pinunasan ang mga luha ko nang makita ko ang paparating na si Sheldon, bitbit ang kanyang bag habang bagsak ang kanyang balikat. Nakatanaw siya sa akin at kutang-kita ko ang pagkalukot ng kanyang mukha. Pero no'ng magtama ang paningin namin at napansin niya ang aking mukha ay napalitan iyon ng pag-aalala.
Lumapit ito sa akin at binitiwan ang bag na dala niya. "Ano'ng nangyari sa 'yo? Ayos ka lang ba?" Tanong nito. Lumingon siya sa paligid namin na animo'y mayroong tinatanaw sa kalayuan. "Mayroon bang nanakit sa 'yo?"
Ngumiti ako nang matabang sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot ko kay Sheldon, sa totoo lang. Kaya naman tumayo na ako mula sa kinauupuan ko't inabot ang ang kulungan ni Aphro saka ulit siya tiningnan. "Nakausap mo na ba iyong hinahabol mo kanina?" Bumuntonghininga ako. Kinalma ko ang aking sarili. "Maaari na ba natin siyang ibalik sa palasyo nang makaalis na rin ako sa kampo?"
Kumunot man ang noo nito'y nanatili pa rin siyang nakatayo mula sa aking harapan. Matapos ng ilang saglit na pagtitinginan sa isa't isa'y iniwas nito ang kanyang tingin. "Sa kasamaang-palad ay nawala siya sa mga mata ko at hindi ko na mahanap at makita kung saan siya nagtungo."
"Eh, paano 'yon? Babalik na ulit tayo sa kampo? Baka mapagalitan ka niyan ng heneral," sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman ito sa akin. "'Di ba nga, mayroon kaming training na kailangang attend-an? Kaya kailangan nating bumalik ulit sa kampo. Magpapalipas na lang ulit tayo ng mga araw sa paghahanap sa kanya."
Tumango ako sa sinabi niya.
Inalalayan na niya ako mula sa pagsakay sa kabayo at paalis na kaming dalawa. Medyo madilim na rin ang paligid pero nakikita ko pa rin ang daan namin.
Mga yapak na lamang ng mga paa ng kabayo ang naririnig sa paligid bukod sa mga kuliglig nang makaramdam ako ng napakalakas na puwersa ng hangin sa likuran ko. Kasabay ng pagkakasandal ko sa likuran ni Sheldon ay ang pagsigaw ng kabayong sinasakyan namin, kasabay ng pagwawala nito, dahilan upang mahulog ko ulit si Aphro.
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasyScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...