Chapter 77

58 7 0
                                    

Chapter 77

Ngayon na lamang ulit ang ensayo ko kasama si ina. Sinabihan niya ako noong nakaraang linggo matapos umalis ng mga sundalo na gawin ulit namin 'yong bonding naming dalawa noong bata pa lamang ako. Ngayon na lamang ulit 'to mangyayari kaya't nagkaroon ng kasiyahan ang mukha ko nang sabihin ni ina 'yon sa akin. Mag-iisang linggo na rin kasi akong walang ginagawa rito sa loob ng kwarto ko dahil hindi na ako masyadong lumalabas matapos no'ng nalaman ko kay Sheldon.

Paminsan-minsan lang na nagpupunta rito sa kwarto ko si Morgan at si Aphro para makipaglaro at makipagkwentuhan sa akin. Pero madalas, nagpupunta ang mga ito sa labas para makipaglaro sa mga batang nakasanayan na niyang makasama, lalo na't nagiging komportable na siya sa mga taong nasa paligid niya na hindi gaya noon na madalas ay mag-isa lamang siya sa gilid ng hallway kasama ang kanyang alagang si Cia. Malaking tulong na rin ang existence ni Aphro dahil kung hindi dahil sa kanya ay siguro, mahihirapan pang gumalaw nang maayos si Morgan sa paligid niya.

Matapos naming mag-usap kaninang umaga pagkagising niya, nang nagtungo si Lily rito sa loob ng kwarto ko upang sabihan na hinahanap na ako ni ina sa training gym, ay sinabihan ko siyang samahan sina Morgan at Aphro para sa kanilang almusal. Binigyan ko naman ng halik sa noo sina Morgan at Aphro bago sila tuluyang umalis.

Suot-suot ang royal suit habang nakasuksok sa likuran ko ang espada ni Master Peach ay naglakad ako sa hallway. Ngayon ko lamang ulit ito magagamit matapos ng nagdaang mga buwang naririto kami sa loob ng Astrea Kingdom. Itinago ko rin kasi ito sa ilalim ng closet ko dahil ayoko namang mabahiran ng dumi sa bawat sulok, lalo na't kay Master Peach pa itong sandata. Though, sinabi na niya sa akin na ito ang nais niyang iregalo sa akin noong panahong nasa Sire Palace pa ako, bago tuluyang nangyari ang isang trahedyang hindi ko kailanman inasahan.

Binaybay ang kahabaan ng hallway hanggang sa makarating ako sa training gym. Nasa bungad pa lamang ako ng nakaawang na pinto ay natanaw ko na si ina nakatayo mismo sa gitnang bahagi ng entablado habang hawak-hawak niya ang kanyang sandata. Nang makapasok ako sa loob ay saka niya itinuon ang atensyon sa akin dala ang ngiti sa labi. Ilang beses pa niyang pinaikot-ikot ang sandatang hawak niya.

I walked through her front as I bowed at her bilang paggalang sa kanya. "Morning, mother."

Kumunot ang noo ni ina. "Where's the 'good' word?"

I shrugged my shoulder. "There's nothing good in the morning, mother. I'm still sleepy," bulong ko.

"If that's the case, well . . ." Nagulat na lamang ako nang bigla niyang itutok sa akin ang hawak niyang sandata habang malawak ang ngiti niya sa kanyang labi. "You should fight me to lighten up your mood."

I smirked. Dahan-dahan kong inilayo ang espadang itinutok niya sa akin kasabay ng paghawak ko ng sandata. Napansin ko ang mabilis na galaw ni ina mula sa kinatatayuan niya. I even noticed how her feet moved towards me kaya't inihanda ko ang aking sarili't mabilis na pinatama ang sandatang hawak ko mula sa sandatang hawak niya. At bago pa man niya ako tuluyang ma-corner gamit ang ang kanyang back technique ay nagawa ko nang makalundag kasabay ng pagtama ko ulit sa sandata ni ina.

Parang bumalik ulit ako sa pagkabata ko habang kaharap ko ngayon si ina. Para kasing 'yong mga tinuro niya sa akin na naa-apply ko na ngayon. And of course, mula sa itinuro ni Master Peach sa akin noon, nagagawa ko na ring mai-apply 'yon sa laban naming dalawa ni ina.

"Such a bitch move," narinig kong bulong ni ina. She even smirked at me before attacking me again with her sword. Tanging ang pagkalansing na lamang ng mga espada naming dalawa ni ina ang maririnig sa loob ng training gym since kaming dalawa lamang ang naririto sa loob. Makailang ulit na tumunog ang mga espadang hawak namin at nararamdaman ko ang vibration ng sandata ko mula sa hawakan sa tuwing nagtatama ang mga sandata naming dalawa ni ina. Nagpatuloy lamang ang pagtutuos naming dalawa. "You're giving your best and I could see it in your eyes. But you can't deny the fact that I can still slay you with my water move technique."

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon