Chapter 69

80 8 0
                                    

Chapter 69

Umalis si ina kasama ang ilang mga tauhan ng palasyo. Magpupunta raw siya sa Nimfa Forest para ulatan ang nasyon patungkol sa nangyayari. Matagal pa raw kasi na makakauwi rito sa palasyo 'yong mensaherong pinadala niya sa Dune, since masyadong malayo 'yon at baka abutin pa raw iyon ng isang buwan bag ulit makabalik. Iyong Nimfa Forest kasi at malapit lang dito sa Astrea Kingdom. At dahil nga nailipat na ang palasyo mula sa dati nitong kinatatayuan ay mas naging malapit na iyon ngayon.

Sabi ni ina ay tatlong oras lamang daw ang biyahe patungo roon. Sinabi niya sa akin na babalik din siya bago maghapunan upang saluhan kami sa pagkain. Pinabaunan ko lamang siya ng isang mahigpit na yakap at halik sa noo bago sila umalis kanina.

Kahit papaano ay nagkakaroon na rin ako ng adjustment ngayon dito sa loob ng palasyo. Mag-iisang linggo na rin kasi simula noong nakapunta kami rito nina Sheldon, Morgan at Aphro, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang naririto na ako sa tunay na tahanan ko.

Nalibot ko na ang palasyo kasama sina Aphro at Morgan kahapon. Though, hindi pa kami masyadong sigurado kung nalibot na nga namin talaga ang bawat sulok. Sabi kasi sa amin ng isa sa mga guard na nakabantay sa paligid ng palasyo ay mayroon pang mga lugar dito sa palasyo ang hindi pa namin nakikita. Lalo na roon sa part ng bulubunduking bahagi ng palasyo.

Pinuntahan ko kanina si Morgan sa kwarto niya para sana ayain siyang magpunta sa guard na nagsabi sa amin kahapon na mayroon pang parte ng palasyo ang hindi pa namin nabibisita pero nakita kong tulog siya kasama si Aphro sa isang malaking kama. Mukhang napagod din sila sa paglalaro mula kanina kasama 'yong mga bata sa labas ng palasyo. Kaya hindi ko na binalak pang gisingin ang mga ito at sinabihan na lamang ang ilang mga servant na bantayan na lamang sila habang wala at hindi pa ako bumabalik.

Busy rin kasi si Sheldon sa mga ginagawa niya sa training gym ng mga sundalo. Pero mukhang okay na rin 'yon dahil at least, medyo nagkaroon kami ng pagitan na dalawa. Lalo na kapag kaharap ko si ina dahil grabe ang titig niya sa akin sa tuwing kinakausap ko si Sheldon. Minsan na nga lamang kami mag-usap. Hindi ko rin alam kung bakit pero parang lumayo nang kaunti si Sheldon sa akin, which is nagkakaroon ako ng kaunting paninibago sa kanya. Though, I respect his decision naman dahil nga mayroon din siyang ginagawa.

Muli akong nagpunta sa kinaroroonan ng guard na nakausap ko kahapon. Hindi naman siya masyadong abala sa kanyang ginagawa kaya't tinanong ko siya kung maaari niya akong samahang libutin pa ang kabuuan ng Astreak Kingdom. Pumayag naman siya sa akin at ipinagkatiwala na lamang ang duty niya sa isa sa mga kasamahan niya at sinabing kasama niya ako.

Mas okay na rin itong ginagawa ko kahit papaano. Tutal, wala naman si ina rito, tulog sina Morgan at Aphro at may ginagawa si Sheldon kasama si Aspir, samantalang si Lily ay kasama niya ang ilang mga servant upang maglinis ng throne hall. At least, sa pagkakataong ito, malalaman ko kung gaano nga ba kalawak itong palasyo ng Astrea. Gaya ng sinabi sa akin ni ina, kailangan kong malaman ang mga bagay na naririto sa loob. Lalo na't kailangan ko ring malaman ang ganitong nga bagay dahil nga sa nais ni ina sa akin.

"Uh, I have a pretty lil question," said the guard habang naglalakad kami sa kahabaan ng walkway  patungo sa kabilang parte ng palasyo. Nilingon ko naman siya at tinanguhan. "Kumusta naman ang anak ng reyna ng Astrea Kingdom for the past twelve years?"

Bumuntonghininga ako. "Good," sagot ko sa kanya. "But I am pretty good here, like too much. Matagal din na panahon na rin kasi simula noong nasilayan ko ang Astrea Kingdom. Ayun nga lang, hindi na ito ang kinaroroonan ng totoong palasyo ng Astrea."

Kumunot ang noo niya. "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya. Nakarating kami sa isang nakaambang karwahe mula sa gilid ng pader. Medyo malamig iyong ihip ng hangin dahil nga masyadong mataas itong kinaroroonan namin at open field na ang paligid. Pero hindi naman siya nakakaapekto sa balat dahil medyo mataas na ang sikat ng araw. "This is the real place, the real palace. Though the queen, your mother, replaced this to put her people away from the evil Scar. This is still the real Astrea Kingdom."

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon