Chapter 22

125 18 2
                                    

Chapter 22

Kalansing ng mga iba't ibang sandata ang siyang maririnig mula sa may kalawakang lupain, sa likod ng palasyo na nababakuran ng mga matataas na batong pinagpatong-patong at sinimento. Mahinang mga pag-uusap ng mga taong nakasuot ng mga dilaw at itim na mga wardrobe na gaya ng sa suot ko ay pareho rin ang mga disenyo.

May mga taong nasa may gilid ng tambak na mga dahong tila sinadyang tinipon, pati na rin 'yong mga putol-putol na katawan ng kahoy na siyang nagsisilbing pangharang sa  paligid ng mga dahon.

Abala sa iba't ibang gawain ang mga taong nasa paligid, lalo na ang mga knights na nagbabantay sa mga kababaihang nakikipaglaban gamit ang kanilang mga sandata't kapangyarihan. Ganito na ganito ang eksenang makikita sa loob ng Astrea Kingdom, sa training room. At dahil nag-aaral ako mula sa pakikipaglaban, ayon na rin sa utos ni ina ay nakasanayan ko na ring makipagsapalaran sa mga sandalang nasa paligid ko.

Napatigil ako mula sa paglalakad naming dalawa ni Verona nang makakita ako ng mga palasong nakalagay sa isang may kalalimang butas ng kahoy, na gawa sa kawayan. Nangingintab ang dulo ng mga palaso at gawa iyon sa metal. Dahan-dahan kong hinawakan ang isa sa mga 'yon. Kinuha ko ang isang palasyo roon at pinagmasdan iyon.

Muli ko na namang naalala ang pagsasanay ko mula sa loob ng Astrea Kingdom kasama si ina. Matagal na panahon na simula noong nag-umpisa akong humawak ng iba't ibang sandata—noong sampung taong gulang pa lamang ako—pero ang pinakapaborito kong hawakan at gamitin ay ang pana at palaso.

Naialis ko na lamang ang aking atensyon sa hawak ko nang marinig ko ang sigaw ng isang lalaki at sinabi nitong tumigil mula ang lahat sa kanilang mga ginagawa. Natanaw ko si Verona na nasa tapat na ng lalaking sumigaw kani-kanina lamang at mukhang kinakausap niya ito.

Napansin ko pa ang paglingon sa akin ni Verona at ang lalaki. Inilagay ko na sa lalagyan ang palasong kinuha ko't naglakad na patungo sa kinaroroonan ni Verona nang mapansin ko ang pagsenyas nito.

"He is the sword and fighting skill master," bulong sa akin ni Verona. Tumingin naman ako sa lalaki at kinurbahan ang labi ko upang hindi ako magmukhang awkward sa harapan niya. "Master Peach is his name."

Tumango ako sa sinabi niya. "Nice to meet you, sir."

"The Light Summoner . . ." Pinakatitigan niya ako nang maigi. Hindi niya inalis ang kanyang tingin ng halos isang minuto. Saka ko na lamang din naialis ang aking atensyon sa kanya't napatingin sa dalawang babaeng naglalakad patungo sa kinatatayuan namin nang marinig ko ang sinabi ng isa sa mga ito.

"A person who can summon light, and attached to the Sun Goddess," sabi ng babae at kitang-kita ko ang maaliwalas na mukha nito, liban na lamang sa isang babaeng naka-cross arms ngayon.

Nakataas ang isa nitong kilay habang kagat-kagat niya ang kanyang labi. Humakbang pa ito ng isang beses mula sa kinatatayuan niya bago niya tuluyang tiningnan ang kasama niya. "Do you have proofs?"

Umiling ang babaeng kasama niya. "Pero iyan ang usap-usapan dito sa loob ng palasyo."

The girl chuckled. "Gossips," she whispered bago ulit tumingin sa akin. "So you're the one who brought light inside the Scar? Nice to meet you, girl."

Tumingin ako kay Verona na nakangiti sa akin. "She's the Viscountess."

Nang muli akong tumingin sa sinasabi ni Verona na Viscountess ay nginitian ko na ito. Subalit ang ibinalik niya lang sa akin ay ang pagiging mataray nito't nag-cross arms ulit siya sa harapan ko. Using her fingertips, she motioned me to walk through her, which was the reason why I became pointless. Ngumuya siya ng bubblegum at inilagay sa harapan niya ang kanyang mga kamay. "Fight me."

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon