Chapter 26

110 13 10
                                    

Chapter 26

Hindi na ako nagpakita pa kay Apollo noong umalis siya rito sa palasyo. Hindi naman sa ayokong makita niya ako or ayokong magpaalam ako sa kanya. Pero kasi, ang higpit ng hari sa akin. Parang ayaw niya na akong paapakin pa ng halos sampung metro mula sa kinaroroonan ni Apollo. Kagabi kasi ay nahuli nila kaking dalawa sa may hardin. Syempre, kumakain si Apollo at alam ng hari na kasama niya ako no'n kaya't pinagsabihan akong huwag akong didikit sa kanya.

Pagkatapos niyon ay iniwan na namin si Apollo nang mag-isa sa hardin. Hindi ko nga alam kung tinapos niya 'yong pagkain niya ng ibinigay ko kahit panghimagas lang ang naroroon o hindi. Matapos ang gabing 'yon ay wala na akong balita pa sa kanya, bukod sa umalis na siya kasama ng ibang mga sundalo kanina noong kumagat ang dilim. Sinabi sa akin ni Verona na nakapagpaalam na ito sa kanya at sinabi niyang ipagpaalam niya na lamang daw ako sa pag-alis niya.

Pero hindi rin kami nagtagal na nag-usap na dalawa ni Verona. Busy rin kasi ito sa kajyang nalalapit na kaarawan at kinakailangan niyang paghandaan iyon lalo na't isa 'yon sa pinakamasayang araw sa buong buhay ng isang tao, lalo na't isang beses lamang sa isang taong nangyayari ang bagay na 'yon.

Sa ilang araw ko na pagi-stay dito sa loob ng palasyo ay nakaramdam ako ng pagkabagot. Hindi pa ako nakalalabas sa aking kwarto dahil hindi naman ako maaaring pumasok sa loob ng kweba ni Malinwa sapagkat ayaw niya akong kitain sa ngayon. Gusto niya raw na pumunta ako roon pagkatapos ng selebrasyon ng kaarawan ni Verona bago raw namin simulan ang pag-eensayo sa kapangyarihan ko.

Wala ring masyadong training sa likod ng palasyo, kay Master Peach kaya hindi rin ako makaalis. Gusto ko pa sanang libutin ang buong palasyo pero baka may masabi ang ilang mga tao kung gagawin ko 'yon lalo na't ganito ang aking sitwasyon ngayon. Oo, tinitingnan nila ako bilang kapatid ng Sun Goddess. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit iyon ang tawag nila sa akin. Isa pa, ayokong mayroon akong nakakausap na kung sino rito sa loob ng palasyo bukod kay Verona at sa iba pang mayroong posisyon sa loob ng palasyo.

Ang susungit kasi ng mga servant. Lalo na 'yong mga servant na nag-aasikaso at nagdadala sa akin ng mga pagkain. Pati pagkain ko ay binabantayan pa nila. Iyong tipong sisitahin mo pa silang lumabas ng kwarto mo para lang walang istorbo sa ginagawa mo.

Tumayo ako mula sa kamang kinahihigaan ko. Busy naman ang lahat ng tao sa nalalapit na kaarawan ng prinsesa. Baka puwedeng lumabas muna ako kahit sandali lang, magpapahangin lamang saglit sa hardin o 'di kaya'y maglalakad-lakad na lang sa lugar na walang masyadong tao.

Naglakad ako patungo sa pinto. Pagkabukas na pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang mukha ng mistress. Nakatitig siya sa akin kaya't sandaling natauhan ako sa aking ginagawa. Akala ko ay sisitahin ako nitong lumabas.

"Pinapatawag ka ng hari," aniya sabay alis sa harapan ko.

Sinundan ko pa siya ng tingin. Patungo siya sa west hall habang hawak-hawak niya ang magkabilang dulo ng kanyang suot na mahabang damit. Ni hindi na nga niya ako nilingon matapos niyon.

Bumuntonghininga naman ako bago ako tuluyang lumabas at magtungo sa bulwagan. Hindi ako masyadong naglilibot dito sa bulwagan at ngayon na lamang ulit ako nakapunta rito. Gaya ng unang beses na makita ko ito ay halos wala pa ring masyadong gamit. Wala pa ring pinagbago ang lahat ng naririto sa loob except sa dalawang trono mula sa kinaroroonan mismo ng hari.

Nakaupo siya sa kanyang trono. Wala ang reyna sa tabi nito kaya't kitang-kita ko kung paano magkaroon ng pagbabago roon. Iyong trono kasi ng hari ay mas mataas ang sandalan niya kaysa roon sa trono ng reyna. Medyo tumaas din ang inuupuan ng hari, na kailangan pa akong tumingala para lamang maabot ko siya.

Bilang paggalang sa kanya ay binigyan ko siya ng bow sa harapan niya habang nakalagay ang kanang kamay ko sa aking dibdib. "Mahal na hari, pinapatawag niyo raw ako."

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon