Chapter 53

79 9 0
                                    

Chapter 53

Nag-stay kami rito sa kampo ng kasama nila Sheldon ng mahigit isang linggo. At sa loob ng isang linggong iyon, hindi ko pa rin maiwasan na makarinig ng kung ano-anong mga paratang sa akin dahil sa nangyari noon. Ni hindi nga nila ako inaasikaso, sa totoo lang, dahil galit pa rin ang mga ito sa akin. Tanging si Sheldon lamang talaga ang lumalapit sa akin upang abutan ako ng aking pangangailangan, gaya ng kanyang ginagawa noong nasa kampo pa kami ni General Israel.

Gabing-gabi na nang mapagdesisyon naming sa labas na lang kumain upang makasabay si Sheldon sa amin. Dito kasi kami kumakain sa labas dahil ayaw naman kaming papuntahin sa loob upang makipagsalo sa kanilang kainan. Si Sheldon lamang din 'yong gumagawa ng paraan upang makakain kami, siya 'yong nag-aabot at siya rin ang nagsasabi at nagtatanong kung gutom na ba kami o kung kailangan na naming kumain.

Ganito ang naging takbo ng buhay namin kasama ang mga kasama ni Sheldon na nanggaling pa sa Highlands. Ayon sa kanya, nagtungo lamang sila rito sa gubat dahil nagtungo raw sila ng City of Fire upang makipag-trade, for the exchange of their people. Pero sa kasamaang-palad ay hindi sila pinayagang makapasok sa loob ng empire kingdom dahil sa nangyari.

Actually, iyong ibang kasama ni Sheldon ay mayroon ding mga kapangyarihang taglay. Gaya niya, sila rin ay mga Shielder. Ang Highlands ay napupuno ng mga Shielder, kaya't hindi na rin kataka-taka kung sabihin ni Sheldon na walang masyadong nasasaktan na mga tao toon dahil protektado silang lahat. Doon nanggaling si Sheldon at sinabi niya sa akin na matapos niyang makatakas sa kampo ng mga sundalo kasama si Aphro ay sa Highlands kaagad ang punta niya.

Kumuha ako ng isang buong hita ng manok at ibinigay iyon kay Aphro na nasa gilid ko. Kaagad naman niya iyong inubos at mukhang takam na takam pa ito dahil napansin kong inilalapit niya ang isa niyang paa sa harap ng aming pagkain, pero kaagad ko naman itong hinawakan, dahilan upang mapatigil siya mula sa kanyang ginagawa.

Tumingin pa ito sa akin na animo'y nagsusumamong payagan ko na ito sa pagkuha ng pagkain. Subalit hindi ko na siya pinayagan pa. Umiling ako sa kandaya, dahilan upang umungol ito nang kaunti kasabay ng pagbawi niya ng kanyang paa't nagpunta na sa gilid ko't inayos na niya ang upo roon.

"Ayon kay Pamo, babalik na kami bukas sa Highlands," aniya. "Sapat na ang pagi-stay rito sa loob ng gubat ng halos isang linggo kaya't kailangan na rin naming umuwi. Hindi rin naman kasi makakatagal pa rito dahil alam kong marami pa ring mga masasamang taong magtatangkang sugurin kami rito. At gusto ko kayong isama roon upang hindi na rin kayo pakalat-kalat sa lugar na ito dahil delikado. Isasama namin kayo roon at doon muna manirahan pansamantala." Tumingin si Sheldon kay Celina.

Bagama't alam nila sa isa't isa ang nangyari noong panahong nasa loob pa kami ng kampo ni General Israel, na si Sheldon ang humabol kay Celina at si Celina ang nakakita sa kanya ay binalewala na lamang nila iyon. Mas pinagtutuunan pa rin nila ng pansin ang mga bagay na mas importante ngayon—ang aming mga buhay sa paglalakbay—bago pa man ang kahit na ano. Sheldon despite all what General Israel said to him the last time he's in the soldier's camp. Well, hindi rin naman na niya 'yon siguro gagawin pang hunting-in si Celina because Sheldon is already out of the box.

"Hindi sila maaaring sumama sa Highlands." Nang tumingin kami sa likuran ni Sheldon ay saka namin nakita ang isang lalaking nakasuot ng tunic habang hawak-hawak ang isang lubid at pana. Mukhang narinig niya ang usapan namin dito habang kami ay kumakain sa ilalim ng apoy na ginawa ni Celina kanina. Nakatingin na ngayon sa akin ang lalaki. "You know they know who you are. At kung dito pa lang sa kinalalagyan natin ay nakakarinig ka na ng mga salitang hindi maganda patungkol sa 'yo, what more kung nasa Highlands ka? They shouldn't go with us, Sheldon. Hindi lang ikaw ang masisita kung sakali, pati kaming mga kasama mo. Know how to place yourself, kid."

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon