Chapter 84
Isa-isa kong pinulot ang mga gamit ko at ibinalik iyon sa aking bag. Matapos kasing sabihin ko sa kanya kung sino ako, hindi na ito umimik pa. Ni hindi rin siya gumawa ng kahit na anong hakbang upang hulihin o saktan ako. Bagkus ay nakatayo lamang siya sa gilid ko habang pinagmamasdan niya kung paano ko kunin ang aking mga gamit na ikinalat niya.
"Bakit hindi mo kaagad sinabing ikaw ang Light Summoner?" tanong niya sa akin.
Nilingon ko siya. Mapa ang huling pinulot at inilagay ko sa bag bago ako tumayo at harapin siya. Naramdaman kong nasa gilid ko na si Aphro at akmang susugurin na nito ang babae subalit pinigilan ko siya. Nilingon ko pa ang aking alaga at marahang hinaplos ang kanyang ulo bago ako sumakay sa kanya. When I looked at the woman again, hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin na tila ba hinihintay niya ang sagot ko mula sa kanyang katanungan.
"How can I frank you when you already chasing us earlier?" tanong ko sa kanya. Sinenyasan ko si Aphro na maglakad na papalayo sa kanya, na siya namang ginawa nito. But the woman went in front of where Aphro is walking at. "You know me already, please, let us go if you don't want to be hurt."
"Silly," bulong ng babae saka siya umismid. "A Light Summoner would hurt a woman right in front of her forest?" nangangantiyaw na sabi niya. "What I did earlier is a bad move, and I am regretting about it."
Bumuntonghininga ako at iniwas ang tingin sa kanya. "I came from the Astrea Kingdom," umpisang sabi ko. Nang muli ko siyang bigyan ng atensyon, kita ko ang pagkunot ng kanyang noo. Gayunpaman, ipinagpatuloy ko pa rin ang pagkukwento ko sa kanya. "I-I left the said kingdom to save my mother from her pain, on her scars. At pupunta ako ngayon sa Neverisland upang makiusap sa mga Healers na kung puwede ay pagalingin siya—"
"Wait, what did you say again?" naguguluhang tanong niya. "You're going to the Neverisland? What's the name of your mother?"
Iniwas ko ang tingin sa kanya. "She's the Queen of Astrea Kingdom."
"She can't heal by the Healers," sabi niya sa akin. Tumingin kaagad ako sa kanya nang sambitin niya ang bagay na 'yon. Dahil ang alam ko ay inililihim ni ina ang kanyang sugat sa kahit na sinong tao, lalo na kung hindi niya ito kilala. And this woman is acting that she knew my mother's scars, na alam niya ang karamdaman ng aking ina. "None of the Healers could heal your mother's disease."
"It's not a disease," sabi ko sa kanya. I caught my breath. "Sandali nga, paano mo nalamang mayroon siyang dinaramdam na karamdaman? Sino ka at bakit mo alam ang bagay na 'yon?"
Umismid siya. "Does my brother tells you a story about me?" tanong niya sa akin. Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Humugot siya nang malalim na hininga bago niya ako tinalikuran. "Would you like to drink a tea with me? I'll tell you the story."
"What I am asking you is who are you?" pagpupumilit ko.
Hindi siya lumingon sa akin pero tumigil siya sa paglalakad at sinabing, "Aster is my name. And Aspir is my brother."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Magtatanong pa sana ako sa kanya subalit hindi ko na 'yon nagawa pa nang ayain niya akong magtungo raw kami sa kanyang lungga at doon niya sasabihin ang lahat ng mga bagay na nais niyang sabihin patungkol kay Aspir. Hindi na rin ako nagdalawang-isip na sundan siya mula sa kanyang nilalakaran.
Sampung minuto ang inabot ng paglalakad bago kami tuluyang huminto sa isang maliit na burol. Mayroong maliit na pinto sa pinakagitna niyon at sa magkabilang gilid ng pinto ay mayroong dalawang maliliit at bilog na bintana. Bukod sa mga halamang nakatanim sa harapan no'n ay puro mga makakapal na vines at talahib na sa itaas ang makikita roon.
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasyScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...