Chapter 1

654 47 18
                                    

Chapter 1

12 years later...

"Soleil!"

Hindi pa ako natatapos sa sinasampay kong mga damit, narinig ko na ang sigaw ni Valore na nanggagaling sa itaas ng bahay. Medyo nabasa na rin ang suot ko nang aksidente kong maidampi sa katawan ko 'yong pinipiga kong sinampay dahil sa lakas na sigaw niya sa loob ng bahay. Baka nga puwede nang gawing sound system ang bunganga niya dahil sa sobrang lakas.

Piniga ko muna nang tuluyan ang damit na nasa kamay ko at saka ko isinampay bago ko tuluyang dinala pabalik ng bahay ang ilang mga damit na nilabhan ko kanina. Inilagay ko muna sila sa gilid ng pinto para tunguhin sana si Valore, ang kaso, bumungad sa akin ang kapatid niyang nakahubad at shinoot iyong maruming damit niya sa nilabhan ko.

"Pakilabhan nga, kailangan ko 'yan mamaya kapag dumating na ang karwaheng magsusundo rito," wika ni Val saka niya ako tinalikuran.

"Nalabhan ko na 'tong mga damit—"

"Edi labhan mo ulit," putol na sabi niya bago siya nagtungo sa kusina.

Wala naman na akong nagawa at hindi na nakaimik pa dahil nakapasok na siya sa loob at isinarado na niya ang pinto mula sa pagkumpas ng kamay niya. Napapikit pa ako nang bahagya kong marinig ang napakalakas na kalabog na nanggagaling sa loob bago ako tuluyang umakyat ng hagdan patungo sa itaas ng kwarto.

"Soleil, ano ba?" Kasabay ng pagbukas ng pinto ay ang boses ulit ni Valore ang pumuno sa tainga ko. Napatingin siya sa kinatatayuan ko. Nakaupo siya sa kama niya habang nakakalat ang ilang mga make-up na binili niya sa Little Burg noong nakaraang araw. At halos magmukha na siyang payasong nalapmusan ng balat dahil sa sobrang kapal ng make-up niya, at pulang-pula pa. "Kanina pa kita tinatawag, 'di ba? You're burning me, Soleil!"

Pumasok ako sa loob saka ako nagtungo sa harapan niya. Ngunit bigla na lamang ako napatigil at napatumba nang ikumpas niya sa aking harapan ang kamay niya, dahilan upang umihip ang malakas na hangin sa harapan ko.

"Ligpitin mo 'tong mga gamit ko, huwag mo akong tititigan. Baka masira pa mukha ko dahil sa mga mata mo," mataray na sabi niya sa akin.

Kahit hindi ko naman titigan 'yan, sirang-sira na ang mukha mo, hindot ka.

Tumayo ako at pinagpagan ko ang sarili ko saka ko isa-isang kinuha ang mga nakakalat niyang gamit sa kanyang kama saka ko inilagay sa may drawer. Mabuti nga lang at hindi masyadong makalat dito sa kwarto niya ngayong araw. At himala lang ang nangyari ngayon dahil hindi masyadong mapalinis si Valore sa paligid niya. What she care for is only herself. Wala siyang iniisip kundi ang sariling kagandahan niya, kung ano ang magiging takbo ng araw niya nang maganda sa paningin ng iba.

Nilinisan ko naman itong kwarto niya noong nakaraang mga araw, at nakikita ko namang may improvement sa kwartong ito. Hindi ko nga lang maipagsabi kay Valore na malinis na ang kanyang kwarto na hindi gaya noong mga bata pa kami na halos pamuhayan na ng mga langgam, lamok at daga ang kanyang mga drawer, pati sa ilalim ng kama niya. Kasi kapag sinabi ko ang bagay na 'yon, siguradong maiinis na naman siya sa akin, at baka kung ano na naman ang gawin niya.

Noong bata pa kami, matapos ko siyang masabihan na kailangan niyang linisin ang kwarto niya for her own good, inilambitin niya ako sa itaas ng kisame nang halos sampung minuto. Mabuti na lamang at dumating si Ba noong araw na 'yon, kundi, baka doon na rin ako natulog. Pero baka hindi rin naman mangyayari 'yon dahil nakita ko kung gaano nangalay si Valore noong panahong 'yon.

"Saan ang punta mo?" Mahinang tanong ko sa kanya habang patuloy na nililigpit ang kanyang mga gamit. Nang matapos kong gawin 'yon ay saka na lamang ako nagtungo sa tapat ng bintana at binuksan iyon nang dahan-dahan. The heat of the sun made me realize how life beautiful was, everyday. Subalit bigla na lamang 'yong sumara at muntik nang maipit ang kamay ko sa bintana matapos ulit na gamitin ni Valore ang kanyang kapangyarihan doon.

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon