Chapter 45

69 11 0
                                    

Chapter 45

Wala akong kahit na anong ideya habang naglalakad kaming dalawa ni Morgan sa loob ng kagubatan. There are times na napapahinto na lamang kaming dalawa mula sa aming paglalakad sa takot na baka makita kami ng ibang mga tao sa kagubatan, lalong-lalo na ako. We're running out of Apollo and his soldier’s eyes for almost one day and yet, wala pa rin akong kahit na anong ideya sa kung saan kami pupunta na dalawa.

Morgan's stomach is telling it need something to eat. Nagsasabi na rin sa akin si Morgan na gutom na siya at pagod na sa aming ginagawa. Mulberries lamang ang aming nahanap mula sa paghahanap ng pagkain mula kanina, and we still have some of them inside my pocket. Pero hindi iyon aabot sa tiyan ni Morgan. Kitang-kita ko ang pagod sa mukha nito habang naglalakad kaming dalawa. And holding her hand seems like her life is only depended on me.

Mayroong pababang bahagi ng lupa kaya't kinakailangan kong maunang dumausdos doon. Sinalo ko si Morgan noong dumausdos na rin ito roon. Tanging ang tunog na lamang ng mga naaapakan naming tuyong mga dahong nahuhulog mula sa sanga ng puno ang siyang aming naririnig.

"Puwede po ba ulit tayong magpahinga, ate?" Morgan broke the silence between our stands. "Masakit na po kasi ang mga paa ko. Kagabi pa po tayo naglalakad, eh."

Tumingin ako sa kanya at tumango. Sinabihan ko naman siyang maglakad pa kami ng kaunti at maghanap ng masisilungan dahil medyo mataas na ang sikat ng araw at masakit na rin sa balat ang sinag ng araw na tumatama sa loob ng kagubatan.

Sumilong kaming dalawa sa ilalim ng may kalakihang puno at sumandal doon. Naubos na ni Morgan ang kanyang kinakain na mulberries. Binigyan ko ulit ito ng ilang pirasong natitira sa loob ng aking bulsa. Kaagad naman niya iyong kinain at nginuya.

"Kayo po, ate, baka po nagugutom na kayo?" sabi niya sa akin. Iniaabot niya sa akin ang tatlong piraso ng mulberries subalit tinanggihan ko 'yon.

"Mas kailangan mo 'yan," ani ko. Though, nagugutom na rin ako dahil kaunti lamang ang kinakain ko sa loob ng kwarto ko sa palasyo nitong mga nakaraang araw. Pero hindi ko 'yon ipinapahalata sa kanya. Gusto ko kasing mas unahin ni Morgan ang sarili niya para magkaroon siya ng lakas sa mahaba-haba naming paglalakad.

Looking at Morgan right now makes my heart skipped its beat, lalo na sa tuwing naaalala ko ang nakita ko sa kanyang mga magulang noong hinawakan ko siya. Hindi ko rin alam kung bakit bigla ko na lamang nakikita ang kung ano-anong bagay sa kanya sa tuwing hahawakan ko ang kanyang kamay.

Naaawa lamang ako kay Morgan. Dahil sa edad na sampung taon ay nararanasan na niya ang ganitong bagay. Kung tutuusin ay mas masakit pa ang nangyari sa kanya kaysa noong bata ako at nahiwalay sa mga magulang. Dahil kahit papaano ay mayroong kumupkop na matubing tao sa akin noong panahong nawala ako sa tabi ni ina.

Samantalang si Morgan, kitang-kita ng kanyang dalawang mga mata kung paano pinaslang ni Apollo ang kanyang mga magulang at wala ng mas sasakit pang makita ng harap-harapan ang ganoong senaryo, lalo na't siya lamang ay isang batang paslit at wala pang masyadong alam.

Kung kaya ko lang talagang labanan ang pinaggagagagawa sa akin ni Apollo sa tuwing maninipulahin niya ang tibok ng puso ko ay matagal ko na siyang sinaktan pa. Ang kaso, hindi ko 'yon magawa dahil bago pa man ako tuluyang makalapit sa kanya ay dumadaan na ako sa kanyang kapangyarihan. And that is why my power is useless.

Hindi ko na nga rin alam kung ano ang paniniwalaan ko. Kung tama ba ang sinabi ni Val noon sa akin o hindi. Dahil sa totoo lang, kaya ko namang makipagsapalaran sa loob ng Scar. Pero hindi ko magawang makipaglaban sa iba gamit ang kapangyarihan sa loob ng katawan ko. And if ever na may magtanong sa akin ng ganitong bagay, baka masabi kong pinagsisisihan kong makakuha ng ganitong kapangyarihan.

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon