Chapter 58

77 13 3
                                    

P.S. If you don’t want this story, you can drop it off and find a story that would suit your reading experience. I am writing this story because I just feel I need to write it down. And this is only my escapegoat because of my anxiety.

Kaya please lang, kung ayaw niyo sa story, lisanin niyo na lang.

🥀

Chapter 58

The night draped itself over the chilled mountain. Mag-iisang oras na rin kaming naririto sa labas ni Aphro habang nakaupo sa gilid ng kweba. Nakatanaw lamang ako sa loob habang pinagmamasdan ang mga kasama kong nakaupo mula sa isang malaking bato. Paminsan-minsan din silang tumitingin sa akin at sumesenyas sa akin kung ayos lang daw ba kaming dalawa ng alaga ko. Ngumingiti lang din ako sa kanila bilang sagot, upang hindi na sila mag-alala.

Abala sa paglamon si Morgan kasama sina Leo at Celina. I couldn't see Litha sa kinaroroonan ng mga kasama ko, baka nasa pinakaloob siya at mayroong ginagawa. Samantalang nakaupo naman banda sa sulok si Sheldon habang ginagamot ang gasgas sa kanyang braso. Seeing him mending his wound made me bit the bottom of my lip. Dahil sa totoo lang, ang dami ng naitulong sa akin ni Sheldon simula pa lang noong unang pagkikita naming dalawa. Ni hindi nga siya nagreklamo sa akin sa lahat ng mga pinaggagagawa ko sa kanya. In fact, Sheldon is begging me na huwag ko siyang sungitan sa tuwing kaharap ko siya. That's what he always do for me.

Inalis ko sa aking likuran ang aking gamit at inilagay iyon sa gilid ko.

I was staring at Sheldon when I heard Aphro's voice, growling beside me. Iniwas ko ang tingin kay Sheldon at tumingin sa alaga ko. But the time I looked at her, Aphro's gaze was focused inside the cave as if she wanted to go there.

Hinaplos ko ang kanyang balahibo kaya't nakuha ko ang atensyon niya. "Bakit ka kasi lumaki ng ganyan?" Tumawa ako. "Ayan tulog, hindi ka makapasok sa loob."

Hindi ko alam kung ano ang nais niyang sabihin sa akin nang matapos kong sabihin iyon kay Aphro. Pero alam kong nababagot ito habang nasa tabi ko siya. Niyakap ko na lamang si Aphro. Nagulat na lamang ako nang bigla itong humiga kasabay ng paghila niya sa kamay ko saka niya ako niyakap nang mahigpit, na para bang miss na miss ako nitong kayakap.

Napatawa naman ako dahil sa ginawa niya. Nabitiwan ko pa 'yong blanket na ibinigay sa akin ni Sheldon kanina. Matapos ng ilang sandali ay kumalas din ito. Hinablot ko 'yong tela sa gilid ko at humiga sa gilid niya amidst the dirt behind our back, on where we were laying.

My eyes darted at the moon, staring at us, too. Nagsipagkalat din ang mga bituin sa itim na langit na siyang naging dahilan upang mas gumanda iyon mula sa kinang ng mga ito.

Katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa ni Aphro. Nang tumingin ako sa kanya ay nakatanaw rin siya sa itaas. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya.

Naialis ko na lamang ang aking atensyon nang marinig ko ang mga yapak ng paa sa gilid ko. Naituon ko ang atensyon ko sa taong nasa gilid ko. Nakatingin din ito sa akin. At sa tulong ng liwanag na nanggagaling sa balahibo ni Aphro at natanaw ko ang maamong mukha niya.

Dahan-dahan akong bumangon nang dahil doon. Pero nakahiga pa rin si Aphro doon na para bang ayaw niyang bumangon mula sa kaniyang kinahihigaan.

"When did you know how to use your power?" mahinahong tanong ni Litha sa akin. Naglakad siya patungo sa kabilang gilid ng kweba at doon siya naupo. Hinayaan ko na lamang din na sundan siya mula sa kinaroroonan niya at tumapat sa kanyang kinauupuan habang nakatayo pa rin. When Litha removed her gaze through me, I knew she's motioning me to sat beside her seat.

When she looked at me again ay ngumiti ako sa kanya. "Someone taught me how to handle and use it."

"So you are the Light Summoner . . . Soleil Summerdale?"

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon