Chapter 108
Hindi pa rin tumitigil sa pag-agos ang luha sa aking mga mata. Si Litha, si Aspir, si Aster, si Celina, si Leo, si Nina, si Lily, si ina at ngayon naman ay si Sheldon. Sa totoo lang ay wala akong maisip pa kung paano ang gagawin ko upang mabawi sa kanya si Sheldon at makipaglaban kay Darkus. Wala akong maisip na kahit na anong paraan.
Saka ko naibigay ang atensyon ko kay Darkus nang tumawa ito. Itinapat niya ang kamay niya sa akin, dahilan upang mabitiwan ko ang hawak kong espada mula sa kaliwang kamay ko. He's controlling my power again at hindi ko 'yon magawang pigilan at kontrolin. Hanggang sa tuluyang lumabas sa palad ko ang aking kapangyarihan at sinugpo nito ang mga Goors na nasa paligid namin. Unti-unting nalulusaw ang mga 'yon at napupunta ulit sila sa ilalim ng mga bitak ng lupa. Maririnig din kung paano sila umiyak habang ginagawa 'yon ni Darkus.
Gayunpaman, pilit ko pa ring kinontrol ang mga ito mula sa kanang kamay ko at sa tuwing dadaan na ang aking kapangyarihan sa kanila ay pinapaalis ko sila roon. Para ko nga lamang niloloko ang sarili ko. Kung maraming tao lamang ang nasa paligid ko ngayon, aakalain na lang nilang nababaliw na ako dahil sa ginagawa ko. My hands crossed.
Hingal na hingal ako nang bawiin ni Darkus ang pagkontrol sa akin. Muli ko siyang nilingon at sa pagkakataong ito, hindi ko na magawa pang hindi siya sugurin. Kaagad kong kinuha ang espada ko at tumakbo ako patungo sa kanya. Ang pagkalansing ng aming mga sandata ang siyang maririnig, bukod sa mga Goors na maya't maya ang pag-iyak. Nararamdaman ko ang butil ng mga pawis na tumutulo mula sa katawan ko. Basang-basa na ang suot ko at nababahiran na rin ng mga butil ng buhangin ang buong katawan ko sa tuwing iihip ang malakas na hangin.
Ilang minuto ang itinagal ng aming paglalaban bago ako napatilapon. Gayunpaman, muli ulit akong bumangon at sinugod ulit siya. Subalit sa pagkakataong 'yon, itinapat na niya sa akin ang hawak niyang bident, dahilan upang manigas ako sa kinatatayuan ko habang unti-unting lumulutang sa hangin dahil sa kapangyarihang taglay ng kanyang sandata. Biting the lower of my lip, Darkus slowly turned my body through where Morgan was. Tiningnan ko ang bata na ngayon ay humahagulgol na habang nakaluhod sa harapan ko. Nakatingin siya sa akin at animo'y takot na takot siya.
Naririnig ko ng pagtawag niya sa pangalan ko. Subalit sa tuwing igagalaw ko ang aking katawan ay siya namang unti-unting pagkawala ng aking enerhiya. When I heard Darkus' laughed, I summon one of the Goors behind him to hurt him. Nabawi ko ang aking sarili mula sa kanya. Pero bigla akong naawa mula sa ginawa ko nang marinig ko kung paano magreklamo si Sheldon.
Nilingon ko ang kinaroroonan niya. Nakangiti lamang siya sa akin habang nasa likuran niya ang metal shield na ginawa niya. But I know he's not controlling it. Kinokontrol din ni Darkus ang kapangyarihan mula sa katawan niya at ginagamit lamang niya si Sheldon laban sa akin. And every time I hear him shouting from pain, bumibilis ang tibok ng puso ko. Nararamdaman ko ang aking tiyan at napapansin ko ang pagliliwanag ng marka ng araw sa aking palapulsuhan.
"Ano, Soleil, kukunin mo ang buhay ni Sheldon?" tanong niya sa akin. Inilapag niya ang hawak niyang tungkod. Bigla kong nabawi ang kamay ko mula sa pagkontrol sa Goor na nasa likuran niya, kasabay ng pagbawi ng kapangyarihan ni Sheldon. Naglakad siya patungo sa kinaroroonan ko pero bago pa man siya tuluyang nakalapit ay mayroong humarang mula sa pagitan naming dalawa, kasabay ng pag-abot niya ng espada ko. Hindi ko alam kung sino ang may katabaang lalaking nasa harapan ko ngayon dahil nakatalikod siya sa akin, pero kita ko kung paano magbigay ng reaksyon si Darkus. Darkus is a bit shocked, but smiled after a few seconds. "Nice try, old, Sire Palace's ally."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Darkus. Gayunpaman, hinintay kong tumingin sa akin ang lalaki. Nang tumingin siya sa akin ay kaagad niyang sinambit ang pangalan ko, kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata. Bigla kong nabawi ang aking kapangyarihan upang kontrolin ang mga Goors, pero nang marinig ko ang tinig niyang muli, natauhan ako. Nakita ko kung paano niya saktan si Sheldon, na ngayon ay nakahandusay na sa sahig.
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasyScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...