Chapter 52
Magdidilim na no'ng magising sina Leo, Celina at Morgan. Si Morgan ang unang lumapit sa akin at niyakap ako nito nang napakahigpit. Ramdam na ramdam ko kung gaano siya katakot habang yakap-yakap ko siya. Ang buong akala niya kasi ay tuluyan na nga kaming nahuli ng mga masasamang taong sumugod sa amin kanina, kaya ganoon na lamang ang kanyang inaasta. Sinabihan ko naman siyang huwag siyang mag-alala dahil nasa maayos kaming kalagayan ngayon.
Nang kumalas ito sa akin ay saka ko naman nahagilap sa harapan ko sina Leo at Celina na nakatingin sa amin. Ngumiti di Celina sa akin na para bang mayroon siyang nais na ipahiwatig sa akin. Nginitian ko lamang din ito bago ko tuluyang inalis ang tingin dito.
"Hindi ka naman nasaktan sa nangyari, Soleil?" tanong ni Celina sa akin.
Nang muli kong ibaling ang atensyon ko sa kanya ay kaagad akong umiling. "Walang dapat na ipag-alala," ani ko. Tumingin ako sa mga kamay niyang nababalutan na ng puting bandahe. Hanggang sa braso niya 'yon dahil mukhang nasugatan din siya kaninang umaga mula sa pakikipaglaban. Mabuti nga lamang at hindi siya masyadong napuruhan, kahit na hirap na hirap na siya mula sa pagpapalabas ng apoy sa kanyang mga kamay. "Sabihin mo lang sa akin kapag sumakit ang mga sugat mo at sasabihin ko kay Sheldon upang bigyan ka ng lunas."
She chuckled. "Ayos lang ako. Hindi lang talaga ako makahinga kanina dahil sa lalaking nasa harapan mo kanina," aniya. "Sino pala 'yon?"
Kumunot ang noo ko sa kanya. "Hindi mo siya kilala?"
Celina shrugged her shoulder as she walked through the side of the tree, sat beside on it and leant against the trunk."Mayroon ba akong dapat na malaman?"
Maging si Leo ay naglakad din patungo roon at umupo rin sa tabi niya. Sinenyasan ko naman si Morgan na magtungo sa gilid ni Celina at umupo roon upang makapagpahinga kahit papaano dahil alam kong pagod pa ang mga ito-gaya ko, pero hindi naman ako masyadong napagod dahil hindi naman ako nasaktan ni Apollo kanina. Medyo masakit lamang itong braso ko dahil sa pakikipaglaban kanina.
"He is Apollo," sabi ko sa kanya. Nakita ko na lamang siyang napakagat ng kanyang labi habang tumatango-tango. Tumingin pa ito kay Leo bago ulit sa akin na para bang mayroon itong nais sabihin sa amin. Nagsalubong ang mga kilay ko, dahilan upang magkaroon ako ng tanong sa isipan ko. "Bakit?"
She shook her head. "Wala," aniya. "Naalala ko lang si Verona. I knew how much she misses his brother. Sinabi niya na ba 'yon sa 'yo?"
Tumango ako. Umupo ako sa harapan nila. "She did," I answered. "And they met each other already, actually. At kitang-kita ko kung gaano niya ka-miss ang kuya niya."
Ngumiti si Celina sa akin. "That was nice!" sabi niya sa akin. Pero biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya matapos ng halos tatlong segundo at napalitan iyon ng pagtataka. "Pero bakit naroroon si Apollo? Why did he even attack us? Hindi gano'n ang pagkakakilala ko sa kanya kay Verona. Verona told me he is a kind person. And I am sorry to her, dahil mali ang pagbibigay niya ng impormasyon sa akin. I don't regret it, I'm just disappointed. Kita ko kasi kung paano niya kami saktan nina Tata at Morgan, he even tells me he don't need me anymore, as if I needed him, too." Iniwas niya ang tingin sa akin. "But I know he didn't attack you. Why?"
"He attacked me," sabi ko sa kanya. "He didn't let her power crossed through me. But he attacked me just to have me, and go back to the palace because he needs my power. Iyon lang naman ang habol niya sa akin because he already conquered what he wanted."
"Ano'ng ibig mong sabihin?" Celina asked.
Napabuntonghininga ako. "He stole his father's throne, crown and palace. He stole everything and he told me that he did that thing because of me."
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasyScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...