Chapter 41

80 10 3
                                    

Chapter 41

Maayos ang naging usapan naming dalawa ni Master Peach nang magtungo kaming dalawa ni Verona sa bodega ng barko. Sinabihan ko siyang pupuntahan ko na lamang ulit siya kapag nakarating na kami sa kabilang parte ng Scar at pumayag naman siya.

Halata sa kanyang mukha ang kasiyahan habang kausap ko siya. Hindi man niya 'yon pinapakita sa akin ay ramdam na ramdam ko naman 'yon sa kanya. Pero bukod doon ay nakakaramdam din ako sa kanya ng kaba na hindi ko rin maintindihan. Pero gaya nga ng pinag-usapan namin noon sa palasyo, baka nga ay natatakot lamang siya sa magiging reaksyon ng kanyang pamilya kapag nakita nila si Master Peach.

Naglalakad na kaming dalawa ni Verona patungo sa deck. Masaya kaming dalawang nag-uusap habang dala-dala ang isang maliit na bowl ng wild cherries. Paminsan-minsan din kaming humihinto sa tuwing mayroong tumatawag sa pangalan naming dalawa. Nginingitian lang din namin sila, especially ang mga sundalo't mga Ashtons na kasama ng kanilang pinuno.

Malapit na kami sa deck at akmang ilalapag ko na ang pagkain sa mesa nang makarinig kami ng malakas na kalabog sa labas. Sabay kaming napatingin na dalawa ni Verona sa isa't isa bago ko siya sinenyasan na magtungo sa labas. Iniisip kong baka nawala na 'yong light shield sa paligid ng sinasakyan namin kaya't ikinumpas ko ang aking mga kamay, pero noong nakalabas kami, naroroon pa rin ang light shield at iilan pa lamang ang umaatakeng Goors sa amin.

Napakaraming tao ang siyang bumungad sa mga mata naming dalawa ni Verona at tanging ang mahihinang pag-uusap ng iilan ang siyang maririnig habang nakatingin sila sa bandang harapan ng deck. Tumingin ako kay Verona bago ako tuluyang sumiksik sa mga tao upang silipin kung sino o ano iyon, dahil nagpaulit-ulit pa ang mahinang kalabog na siyang kumukuha sa atensyon ng mga Goors.

"Excuse me," sabi ko sa tatlong taong nasa harapan ko. Hindi ko kasi masilip masyado ang harapan, mula sa binigay nilang espasyo sa mismong harapan ng kanilang kinatatayuan. Pero kitang-kita kong tila mayroong ginagawa ang hari dahil napansin ko ang pagtadyak ng kanyang paa. Saka ko na lamang narinig ang sigaw ni Apollo mula sa sahig nang muling tadyakan ng hari ang tiyan nito, dahilan upang magmadali akong magtungo roon at awatin silang dalawa. "Please, stop. People are confused. We're here to save people, not to hurt them."

Suminghal ang hari habang nakatuon ang kanyang atensyon kay Apollo. "Hindi ba't nasabihan na kitang huwag kang sasama rito? At masyado ka ring makulit, ano? Gusto mong malaman ng lahat kung sino ka?" Iniwas niya ang tingin dito. Tumingin ang hari sa mga taong nasa paligid niya. Dahan-dahan ko namang inalalayang itinayo si Apollo habang hawak-hawak ang kanyang balikat. Napatigil na lamang kaming dalawa ni Apollo mula sa kinatatayuan namin nang marinig namin ang sinabi ng hari. Itinuro niya pa si Apollo nang makailang ulit. "Apollo is General Israel's fucking soldier. His pointless soldier who always bring bad lucks around. I ejected him. But he is still here, wanting us to be in danger. This is what he wanted, so I'll give him his lesson!"

Napatingin ako kay Apollo. Mabilis ang pagbuga niya ng kanyang hininga. Kung ako nga rin ay mao-offend mula sa sinabi ng hari, lalo na't siya ang nagsisilbing ama ni Apollo. Alam kong hindi iyon deserve ni Apollo. One this is that, the king didn't mention that Apollo is his son, and should treat him as his own son—as his family member—but he did not.

Apollo closed his eyes and caught his breath heavily. "I . . ." He looked around our stand. ". . . I am your son, isn't it? Iyong anak mong walang-kwenta para sa 'yo dahil wala akong ibang ginawa kundi ang sirain ang buong araw mo. Kunsabagay, tama ka naman. Diyan ka kasi magaling, ang maging ganyan. Hindi ba't totoo naman kung bakit ayaw mo sa akin? Dahil iniisip mong hindi ko deserve na mapabilang sa pamilya mo! Ang gusto ko lang naman ay matanggap mo 'ko hindi bilang prinsepe ng palasyo mo, kundi bilang isang anak mo!"

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon