Chapter 61

65 11 0
                                    

Chapter 61

Naghahanda ng mga gamit sina Sheldon at Morgan sa loon ng kweba. Iyong mga gamit namin na dinala namin dito ay iniimpake na nila upang lisanin ang lugar. Iyon kasi ang sinabi sa amin ng Sun Goddess. Kailangan na muna naming lisanin ang lugar at magtungo na sa kabilang ibayo ng mapa—the West Astrea. Gusto ko namang tumawid ng Scar. Pero sa totoo lang, medyo nawala na 'yong will ko na makatawid pa roon, sa kabila ng mga nangyari. Parang naging mabigat na lamang ang mga pinapasan ko nang sabihin ni Litha iyon sa akin. Kung tutuusin, puwede naman talagang tawirin iyon, kung ako lang ang gagawa. Pero kasi, kasama ko ang mga kaibigan ko at hindi ako kampante roon. Baka kasi mangyari ulit 'yong nangyari noon, and I don't want to encounter it anymore . . . again.

Samantalang sina Celina at Leo ay nag-uusap, 'di kalayuan mula sa aming kinaroroonan. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kay Celina sa kabila ng mga nangyari. She's not talking to me, honestly. O kung kinakausap ako nito ay sasabihan lang ako nitong kakain na kami. That's it. Gusto kong mainis sa inaasta niya dahil nga masyado siyang nagpapaapekto sa nangyari. Pero sa kabilang banda ay nalulungkot pa rin ako dahil sa nangyari, dahil sa rebelasyong nalaman ni Celina. Hindi ko na nga rin alam kung paano ko pa siya kakausapin dahil iniiwasan talaga niya ako.

Kasama ko ngayon si Litha sa gilid ng kweba. Gaya ng palaging ginagawa ni Litha, tinutulungan namin siyang ilagay 'yong mga banga sa gilid ng bungad ng kweba—iyon 'yong mga bangang wala ng laman at kailangan ng imbakan ng tubig sa may talon. Doon kasi siya, kami, kumukuha ng source ng maiinom namin. Samantalang nakukuha naman namin ang aming mga pagkain sa ibaba ng bundok, sa kabilang bahagi kung saan kami dumaan noong unang punta pa lamang namin dito.

Aphro is just looking at us while sitting on the ground, near where we were. Paminaan-minsan ay binibigyan ko ito ng kanyang maiinom upang mapawi rin ang kanyang uhaw. Mag-iisang buwan na kasi siyang nasa labaa ng kweba. Masyado kasi talagang maliit ang portal ng kweba kaya't hindi siya makapasok doon.

Mabuti nga lamang at sa loob ng isang buwan ay walang bumagsak na ulan dito sa bundok. Ang sabi ni Litha sa amin, dahil daw nasa pinakatuktok na raw ng buntok ang kinaroroonan namin kaya't hindi na masyadong napupuntahan ito ng ulap. Isa pa, ginagamit niya ang natitira niyang kapangyarihan sa katawan upang balansehin ang ulan at araw, iyon lang naman daw ang nagagawa niya bukod sa kaya niyang makabisita sa loob ng isang panaginip, at gaya ko na kayang mag-produce ng liwanag gamit ang kanyang mga kamay. Ang pinagkaiba nga lang ay kulay dilaw ang liwanag na nagagawa niya samantalang kulay puti naman sa akin.

Pinunasan ko ang tumutulong mga pawis sa aking noo at humugot ng buntonghininga. Ilang mga banga lamang ang aming nailalagay rito sa gilid ng bungad pero parang pagod na pagod na ako. Nakaramdam pa nga ako ng pananakit ng kanang mata ko matapos niyon. Hindi naman siya maayadong masakit pero nararamdaman ko na parang mayroong kumakagat sa laman ko.

At napansin iyon ni Litha kaya kaagad ako nitong tinungo at nagtanong ng, "ayos ka lang ba, Soleil?"

Idinampi ko ang aking kamay sa kanang mata ko bago ako tumingin sa kanya. Kaagad naman akong tumango at ngumiti. "Napagod lang siguro ako. Pero wala kang dapat alalahanin, nasa maayos akong kalagayan."

"Umupo ka muna't magpahinga. Kailangan mong magpalakad kahit saglit lang upang may lakas kang tumawid ng Scar." Bumuntonghininga siya. Inalalayan ako ni Litha na magtungo sa gilid ni Aphro at pinaupo ako roon. Ngayon ay tanaw na naming dalawa ang mag-amang patuloy pa ring nag-uusap at mukhang seryoso ang mga ito. Naiiwas ko na lamang ang tingin sa mga ito nang kunin ni Litha ang aking atensyon. "Dito ka muna at kukuha muna ako ng tubig. Iche-check ko na lang din 'yong dalawa sa loob."

Tumango ako sa kanya. "Salamat."

Nang umalis si Litha at saka ko ulit itinuon ang aking atensyon sa kinaroroonan nina Celina at Leo. Puro mga pagkumpas lamang ng mga kamay nila ang napapansin ko bukod sa pagbuka ng kanilang mga labi at ang kanilang mga reaksyon.

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon