Chapter 4
Hindi ko na nahintay pa si Val kagabi dahil matapos kong linisin 'yong mga naiwang marka ni Valore ay nakatulog na ako. Hindi na nga rin ako nakapasok sa kwarto ko. Sa sofa na ako natulog dahil sa sobrang pagod.
Puwede ko naman talagang linisin ang kalat niya kinaumagahan. Ang kaso, baka hindi ko masyadong maharap dahil nga hindi maganda ang pakiramdam ni Ba at gusto ko siyang bantayan at alagaan na muna pagkatapos kong ipaghain ang dalawang kapatid ko ng makakain namin. Isa pa, baka pagtalunan na naman ng dalawa ang atensyon ko kapag hindi ko kaagad nasunod ang kanilang mga utos nilang dalawa, magalitin pa naman silang dalawa.
Mag-uumaga na nang maalimpungatan ako nang dahil sa pagdikit ng katawan ni Aphro sa mukha ko. Nakain ko pa ang ilang balahibo niya nang dahil sa ginawa niya. Nagma-meow na ito sa akin at mukhang gusto niya talagang kunin ang atensyon ko.
Bumangon na ako mula sa sofa at tiningnan siya nang dahan-dahan. Napakunot naman ang noo ko nang maalala ko iyong nangyari sa kanya kahapon matapos dumating ni Ba rito sa bahay nang dala-dala siya. Nakabalot pa rin naman ang kanyang paa pero nakakapagtakang nakakalakad na ito nang maayos, at hindi na siya sumisigaw sa sakit kapag hinahawakan ko ang kanyang paa na sinabi ni Ba na naipit sa bitak ng bato.
Muli na naman niyang idinikit ang kanyang katawan sa tagiliran ko habang humahampas nang dahan-dahan ang kanyang buntot. Nagtungo pa ito sa hita ko bago ito tuluyang humimlay roon. "Meow."
"May kapangyarihan ka rin ba, Aphro?" mahinang sabi ko sa akin sarili habang tinitingnan niya. "Nakakalakad ka na nang maayos, ah." Tumingin ako sa paligid ng kinauupuan ko. Napahikab at napaunat pa ako nang kamay bago ko tuluyang kinuha si Aphro at saka inilagay sa may sofa. Hinarap ko naman kaagad ito. Nakatingin siya sa akin na para bang mayroong nais na iparating. "Nandito na ba si Val?"
"Meow."
Napabuntonghininga ako. Katangahan, Sol. Pero at least, sumagot iyong pusa ng "meow" kahit hindi ko alam kung ano ang ibigsabihin no'n.
"Diyan ka muna saglit," sabi ko sa kanya. "Silipin ko muna si Ba at nang makapaghanda na rin ako ng almusal natin." Tuluyan ko na nga itong nilisan mula sa sofa na kilalagyan niya. Naglakad na ako patungo sa kwarto ni Ba. And since ang kwarto niya ay nasa ibaba lamang din, sa tapat ng kwarto nina Val at Valore ay madali akong nakapunta roon.
Hindi naman ako nahirapan sa pagbubukas ng pinto dahil hindi nila-lock ni Ba ang kanyang kwarto. Hindi naman sa gusto niyang palaging bukas iyong kwarto niya para sa mga papasok. Mas gusto niya raw kasing hindi iyon nila-lock dahil minsan, nakapag tinatawag siya ng kalikasan at kapag naka-lock ay matatagalan pa siya bago makalabas. Sinabihan ko na rin si Ba na hangga't maaari ay i-lock niya ang pinto ng kwarto niya, pero tinatanggihan niya talaga ang mga sinasabi ko, at hindi niya sinusunod ang mga 'yon.
"Ba?" mahinang tawag ko sa kanya. Alam ko namang tulog pa rin siya hanggang ngayon dahil pakagat pa lang ang liwanag mula sa labas ng bintana, pero gusto ko lang namang makasigurong okay siya. Palagi ko naman iyong ginagawa sa kanya. Tinatawag ko ang kanyang pangalan at kapag narinig ko ang kanyang boses habang tulog ay kampante na ako. Subalit ngayon ay hindi ito gumawa ng kahit na anong ingay. Tuluyan na nga akong pumasok sa loob at saka ako naglakad nang dahan-dahan sa kanyang kama. "Ang himbing naman ng tulog mo."
Nakatagilid siya, paharap sa bintana kaya hindi ko makita ang mukha niya. Hindi ito naghihilik ngayon, na hindi gaya ng dati ay ganoon naman ang palagi kong naririnig sa tuwing pumapasok ako sa loob ng kwarto niya. Pinagmasdan ko lamang siya bago ako tuluyang naupo sa kanyang kama. Pinagmasdan ko pa ang kwarto niya at sinilip ang ilang mga litrato ng kanyang asawa, sina Val at Valore na magkasama. Iyon 'yong panahong hindi ako pinayagan ni nanay na sumama sa family picture nila dahil hindi naman daw nila ako kapamilya.
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasyScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...