Chapter 66

97 13 0
                                    

Chapter 66

Tahimik ang labas ng Astrea Kingdom nang lumabas ako para magpahangin. Malalim na rin ang gabi kaya't hindi na masyadong matao sa kinaroroonan ko. Bukod sa mga punong sumasayaw mula sa aliw ng hanging umiihip dito sa labas ay kapangsin-pansin din ang nananamlay na kulay ng buwan mula sa himpapawid, kahit na masyadong maaliwalas ang langit.

Sinubukan kong maglakad sa paligid. Medyo hindi na naman kasi maganda ang pakiramdam ko at feeling ko ay mayroon ulit kakaiba sa paligid ko, kahit hindi at wala naman talaga. I want to clear my mind para kahit papaano at hindi ako gaanong bisitahin ng nagpapabagabag sa akin. Though, I do not know kung ano nga ang bagay na 'yon.

Hindi ko na nilibot pa ang harapan ng palasyo. Pagkatapat ko pa lang sa harapan ng fountain ay napatigil na ako roon. Nakatanaw lamang ako sa tubig ba patuloy na umaagos patungo sa ibaba ng nagsisilbing saluhan ng tubig. Pabilog iyon kaya't pabilog din 'yong sementadong upuan niya. Looking and hearing the water how it pours down the catcher makes my mind relaxed. Umupo ako sa gilid ng fountain at tumingin ulit ako sa napakaaliwalas na kalawakan.

Pero naudlot iyon nang marinig ko ang boses ni Sheldon mula sa tabi ko.

"Kanina pa kita hinahanap," sabi niya sa akin nang tumingin ako sa kanya. Umupo siya sa tabi ko kasabay ng pag-abot niya sa tubig at nilinisan nito ang kanyang mga kamay roon. "Nandito ka lang pala."

Iniwas ko ang tingin sa kanya. Kanina kasi, matapos kong magpahinga ng ilang oras ay binisita ko si Aphro at Morgan sa magiging kwarto nilang dalawa. Iyong kwarto na 'yon ay parang set-up ng kwarto ko noong bata pa ako. Simple lang 'yon at tanging ang may kalakihang kama lamang ang naroroon. And since naroroon nga si Aphro ay binigyan din siya ng may kalakihang fur bed para sa kanya, upang maging komportable siya.

Nagkaroon lang kami ng kwentuhan na dalawa ni Morgan bago ko siya pinatulog, dahil masyado na ring malalim ang gabi at malayo ang nilakbay namin para lang makarating dito.

Actually, hinanap ko rin si Sheldon ng isang beses kanina. Kaso, sabi sa akin ng isang servant ay lumabas daw siya at hindi nila alam kung saan ito nagpunta.

"Sa'n ka galing?" tanong ko sa kanya habang nakatingala pa rin sa kalangitan.

"Sa mga sundalo sa likod," aniya. "I like their warrior outfits. It's kinda perfect for me."

Nilingon ko siya. "At kanina ka pa naroroon? 'Di ba, sinabihan ka ng mga servant na nag-assist sa 'yo na magpahinga ka na muna. We almost lost ourselves traveling here."

Umismid ang binata sa akin kasabay ng pag-alis nito ng kanyang tingin. "Soldiers don't rest, unless they are sick," aniya. "And I am not sick, though. Mas prefer ko pang magbantay sa labas para sa mga kasama ko for their protection kaysa sa magpahinga sa isang napakalambot na kamang hindi naman talaga para sa akin. Pakiramdam ko nga, lumulubog ako sa tuwing humihiga ako sa napakalambot na kama." Tumawa siya.

"Hindi ka naman niyan napupuyat?" Bumuntonghininga ako. "You still need a rest even for a second. You should take care of yourself, Sheldon. You are the only one who knows what to feel for yourself kaya ingatan mo 'yang sarili mo. Stop thinking about the protection of the people around you. Yes, you can protect them by treating yourself the way how you treat the other people."

Ngumiti siya sa akin. "Thanks," sabi niya sa akin. "It's actually a great idea. How did you think that kind of speech?"

Dahil sa inis ko ay bigla ko na lamang siyang sinuntok sa balikat, dahilan upang mapahawak siya roon at napaaray. "Ito talaga, hindi mabiro-biro. Syempre, I'll accept what you have said. But of course, minsan, hindi mo na rin magawang sundan 'yong routine na ginagawa mo, especially, sleeping lalo na kung marami ka talagang ginagawa o 'di kaya'y napupuyat ka kakabantay sa mga kasama mo. Hindi naman 'yon problema sa akin. I'm actually prone on that thing."

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon