Chapter 65
The silence between me and my mother's stands while walking through the corridor seems like an empty can—no any sounds but a dead silence one. Tanging ang pag-creak lamang ng suot naming pananggalang mula sa paa ang siyang maririnihg sa hall, bukod sa hininga ni Aphro na nakasunod sa amin kasabay sina Morgan at Sheldon.
Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng hiya habang kasama ko siya, kahit na sinabi ko na ako di Soleil—her one and only daughter. Ewan ko, matagal na panahon na kasi simula noong magkahiwalay kaming dalawa ni ina and all what she thought at that time is that I am already dead. Kaya hindi siya makapaniwala sa akin noong sabihin kong ako ang matagal na niyang hinahanap, ako ang matagal na niyang hinihintay. It seems like the time had turned back noong kinuwento ko sa kanya ang totoong nangyari.
At upang malaman niya 'yon ay sinabi ko pa sa kanya ang totoong dahilan kung bakit ako nahiwalay sa kanya. Kahit na si Aspir kanina ay hindi makapaniwala noong sinambit ko 'yon kay ina. Para bang natameme ang mga ito mula sa rebelasyong sinabi ko. Para bang napipi sila matapos niyon.
Habang nakatingin kay ina ay hindi ko magawang mahumaling sa kanya. Maaki ang pinagbago nito simula noong huling kita naming dalawa. I know that Mother Carina was too happy right now and I could see it on her face. Para na ngang ayaw na niya akong paalisin sa tabi niya dahil nahawak siya sa brado ko mula kanina pa.
Mayroong dumating na dalawang servant mula sa kabilang side ng hallway. They are wearing a blue color shirt, just like my mother's outfit at fit na fit iyon sa kanilang katawan. Their eyes raged through our stands, especially to my mother, who motioned and told them para ihatid sina Morgan, Sheldon at Aphro sa kanilang mga magiging tulugan.
"Puwede po bang doon na lang si Aphro sa akin, ate Soleil?" tanong ni Morgan kaya't napalingon ako sa kanya. Kitang-kita ko ang excitement nito sa mukha habang kaharap niya ako. Tumigil siya sa paglalakad at hinintay si Aphro patungo sa kanyang kinatatayuan. Pero binunggo siya ni Aphro upang iangat niya ang bata, hanggang sa mapunta si Morgan sa ibabaw niya. Morgan is laughing habang hinahaplos ang balahibo ng aking alaga. "Para po mayroon po akong bantay. Gusto ko rin sanang makasama siya kasi wala po akong kalaro, naninibago lang po ako."
Ngumiti ako sa kanya. "Oo naman. Basta kung saan mo gusto, doon ako—doon kami ng kuya Sheldon mo."
Nginitian lamang ako ni Morgan bago ko iniwas ang tingin sa kanya. Tinanguan ko lamang ang bata at tumingin kay ina na nakangiti sa akin.
Narating namin ang dulo ng hallway. Maryoong dalawang direksyon mula sa harapan namin ngayon. Sina Sheldon, Morgan at si Aphro, pati na 'yong dalawang servants na nagga-guide sa kanila ay sa left side nagtungo.
"Bye, ate Soleil!" masiglang sigaw ni Morgan nang tunguhin ko siya ng tingin. Kinakawayan pa niya ako. "Pero pupuntahan ko po kayo sa kwarto niyo, hahanapin ko po kayo mamaya para gamutin po kayo. Pasensya na po, ate, ngayon ko lang po siya naalala."
Umiling ako sa kanya. "Wala kang dapat na ipag-alala sa akin, Morgan. Sa ngayon, magpahinga ka na lang muna. Ako na lamang ang bibisita sa 'yo sa magiging kwarto mo. Magpahinga na muna kayo ni Aphro, okay?"
"Ako, wala kang sasabihin sa 'kin, Leeg?" Sheldon asked.
Tinungo ko siya ng tingin. "Wala," ani ko. "Ano lang. Uhm, good luck? Just chil and relax? Tsk. Kaya mo na ang sarili mo, you're old enough, idiot."
"Ang KJ," sabi ni Sheldon. Pero bigla niya 'yong binawi nang tumingin sa kanya si ina. Ngumisi lamang siya sa amin bago siya tumalikod. "Mamaya na lamang kita kakausapin. Gamutin mo ang iyong sugat at magpahinga ka na muna. Doon muna ako sa labas kapag nalaman ko na ang kwarto ko."
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasyScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...