Chapter 6

257 32 3
                                    

Chapter 6

Katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa ni Valore habang patuloy kaming umiiyak. Hindi ko magawang umiyak nang malakas, na tila ba nawalan na ako ng boses sa lalamunan ko. Hindi ko rin magawang alisin ang tingin ko sa nagbabadyang mga mata ni Valore habang nakapukaw pa rin ang atensyon niya sa akin.

Subalit matapos ng ilang segundong pagtitig ay lumapit si Valore sa akin. Ang buong akala ko ay sasaktan na ako nito gamit ang kanyang kapangyarihan nang makaupo siya sa tabi ni Ba. Itinulak lamang niya ako mula sa aking kinauupuan, dahilan upang mabitiwan ko si Ba at tuluyan na ngang mapahiga sa sahig.

"Layuan mo siya!" Valore yelled. I know what's her feeling right now because just like her, I am suffering from unexpected death of our father. Hindi ko rin siya masisisi kung bakit nakikita niyang ako ang pumatay kay Ba dahil hawak ko ang sandatang ginamit ng mga Ashton kanina para paslangin niya. Valore was sobbing while looking at Ba, catching her breath as if there's something blocking inside her ribcage. "Ama!" Niyugyog niya ang magkabilang balikat ni Ba subalit wala na talaga, hindi na talaga magising si Ba.

Kung ano 'yong nararamdaman ko ngayon, alam kong doble ang sakit na nararamdaman ni Valore habang ginigising niya ang nahihimbing naming ama. Dahil siya naman talaga ang tunay na anak, at minsan na rin siyang nawalan ng ina kaya't alam ko kung gaano siya nasasaktan sa mga tagpong ito.

Hindi ko magawang punasin ang mga luhang tumutulo patungo sa aking baba. Subalit sinubukan ko pa ring tibayan ang sarili ko at lumapit kay Valore para yakapin siya. Ngunit hindi ko 'yon nagawa dahil kasabay ng pagtapat niya sa harapan ko ay ang pagtilapon ko palayo sa kinaroroonan nilang dalawa ni Ba, mula sa hanging tumama sa buong katawan ko.

"Huwag mo akong lalapitan!" sigaw niya sa akin saka niya ako nilingon. Kinuha niya ang espada sa gilid niya saka siya tumakbo patungo sa kinaroroonan ko.

"V-Valore," mahinang tawag ko sa pangalan niya. "H-Huwag mong gagawin ang iniisip mo. Pakinggan mo muna ang sasabihin ko—"

"Para ano? Para mauto mo ako kagaya ng ginawa mo kay ama?" Tanong niyo sa akin. Nakita ko kung paano niya higpitan ang paghawak niya sa hawakan ng espada, at nanginginit iyon dahil sa galit. Nanlalabo ang mga mata ko habang nakatingin doon dahil sa luhang namuo ulit sa ilalim ng mga mata ko. Umiling-iling ako sa kanya subalit hindi ako gumalaw sa aking kinaroronan at hinayaan lamang siyang makalapit sa akin. "Bakit mo ginawa ang bagay na 'yon, Sol?"

"Hindi ko siya pinatay! M-May mga Ashton na pumaslang kay ama," inalis ko ang tingin sa kanya. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng aking palad. Hindi ko na tiningnan pa si Valore at tinungo ko na ng tingin ang kinahahandusayan ni Ba. "H-Hinahanap nila si Val. H-Hinahanap nila siya."

Napansin kong tumigil siya sa paglalakad. Tanging ang suot lamang niyang breeches ang siyang nakikita ko habang nakaupo sa lupa at tinatanaw si Ba.

"Kung hindi mo siya pinatay, bakit hinayaan mo siyang mamatay? Bakit hinayaan mong mangyari 'yan sa kanya? Ikaw ang kasama niya, hindi ba?" mahinahong tanong niya sa akin.

Inangat ko ang aking tingin sa kanya dahil sa tanong niyang iyon. Pinigilan ko ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Naalala ko ang palaging sinasabi sa akin ni Val sa tuwing nag-aaway kaming dalawa. Ayoko mang tanggapin sa sarili ko ang bagay na 'yon subalit tama nga siya. Wala akong kapangyarihan para maprotektahan si Ba. And just like what he told me, I have nothing to prove but to destroy a thing, like what Val always telling me.

Sinira ko ang pamilya nila.

"Bakit hindi ka makasagot?" Mangiyak-ngiyak na tanong niya. "Ikaw ang kasama niya rito sa bahay, kaya't alam mo dapat kung paano siya poprotektahan!"

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon