Chapter 36

86 13 0
                                    

Chapter 36

I remained silent as soon as I sat on the bench, hugging myself while looking around me. Mahina lamang ang ihip ng hangin at tamang-tama lamang ang temperatura niyon upang sabayan ito mula sa namumuong katahimikan ng paligid. Tanging ang mahihinang kaluskos lamang ng mga dahon ang siyang maririnig sa hardin bukod sa pag-creak ng suot kong boots sa tuwing gagalaw ako.

Tanaw ang malawak na kalangitang nagtataglay ng dilim, kitang-kita ko ang mga bituing nagniningning na tila ba nais nila akong sabayan mula sa aking kinaroroonan. They are quiet as me.

Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko pa rin 'yong ginawa kong pagsagot sa hari just because I want him and Apollo to be okay. Pero dahil sa ginawa kong 'yon, parang mas lalong lumayo ang loob ng hari sa kanyang anak. And I failed on my mission. I actually considered it as my mission since nag-promise ako kay Apollo na pagbabatiin ko silang dalawa. But still, hindi pa rin iyon nangyari.

Parang gusto ko tuloy mawala ng parang bula sa tuwing iniisip ko 'yon dahil kitang-kita ko sa mukha ng hari kung gaano ito galit na galit noong kausap ko siya. Mukha ngang nagkaroon na rin siya ng galit sa akin dahil sa nangyari. I just couldn't imagine negative things too much right now because I'm afraid. Inaalala ko lang talaga 'yong ginawa ko sa hari nitong mga nakaraang araw.

Actually, hindi ko nakita ang hari sa bulwagan noong minsang magtungo ako roon upang kausapin sana siya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito nahahagilap. At sumuko na ako sa paghahanap, sa lawak ng palasyong 'to ay tsabahang makita o makasalubong ko siya.

"Deep in thoughts?"

Napalingon ako nang marinig ko ang boses ng nagsalita. It was Apollo wearing the same clothes noong unang beses naming nagtungo rito sa loob ng hardin. He's quietly looking at me, like he don't care if his father saw us here again.

Umiling ako. "No, just having a bond with myself" I said. Bumuntonghininga ako. Napansin kong naglakad si Apollo patungo sa gilid ko at umupo siya roon. "But sort it off."

Tumingin siya sa akin. "About what?" Tanong niya pa. Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang damit at humugot ng hininga bago siya sumandal sa bench. "Ano 'yang bumabagabag sa isipan mo?"

I caught my breath. "Did I just acted too much in front of your father last time?" Tanong ko sa kanya. Iniwas ko ang aking tingin at tumingin sa malawak na hardin. Nakikita ko pa rin ang postura ng mga maliliit na puno't mga halaman doon dahil sa mahinang liwanag ng buwan. "Feeling ko kasi, nasobrahan ako sa pagtatanggol sa 'yo. I just . . . I just don't like his attitude sa tuwing kaharap ka niya. I became vigilant because of that. And I feel so sorry—"

"You don't need to feel sorry for it," aniya. "You did your side that I actually should do, not you. Nadamay ka pa sa galit ng aking ama sa akin." He looked at me. "Ako dapat ang humingi ng pasensya sa 'yo sa nangyari."

Ngumiti ako nang matabang. "Bakit ba palagi mong pinipiling maging tahimik kahit nasasaktan ka na?" I asked him.

"Because he is my father?"

Umiling ako. "Yeah, he's your father pero sobra na 'yong ginagawa niya sa 'yo. You're doing what you think it's better for him, not for you. Is it really okay for you?" Tumingin ako sa kanya. "Kasi sa totoo lang, kung ako ang tatanungin, I will get into him kapag siya ang ama ko. I never met my father even when I was inside my mother's womb. And I really wish I could see him again because I am longing for my father's presence, for his love. Pero kung gano'n 'yong ipapakita niya sa akin and he don't want to respect me at all, even for my existence, I will pity him. I don't care if I came from his blood and flesh. I just don't want to be sarcastic, accepting that kind of treatment, like you are only nothing for him."

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon