Chapter 18
Marahang iminulat ko ang aking mga mata. Ilang beses pa akong kumurap dahil sa masyadong maliwanag ang ilaw na nasa tapat ng mukha ko. Naramdaman ko ang sakit ng aking kanang mata. Naalerto na lamang ako sa aking kinahihigaan nang maramdaman ko ang kamay ng kung sino sa right eye ko na tila binabalot nito niyon.
Gusto kong tumayo at pigilan sana ang kung sinong nagbabalak na takpan ang mata ko nang bumalik sa aking isipan ang ginawa ni Val sa akin. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang hanging tumama sa buong katawan ko, naririnig ko pa rin ang mga sigaw at ungol ng mga Goors sa paligid ko at ang pagkalmot ng mga ito sa katawan ko.
Hinawakan ko ang kamay ng lalaking nasa harapan ko at saka ko iyon pinisil sa abot ng aking makakaya.
"Woah, aww!" singhal nito. Nabosesan ko naman iyon kaagad kaya binitiwan ko ang kanyang kamay at tumingin s akanya nang lumayo siya nang kaunti. Hindi ko kasi makita ang mukha niya kanina dahil sa ilaw na tumama sa mukha ko, at nasa tapat pa siya ng ilaw. "It's me, Apollo."
Bumuntonghininga ako. Hinawakan ko ang telang nakabalot sa right side ng mata ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Napahawak din ako sa aking likuran dahil nararamdaman ko roon na tila tumutusok doon ang milyon-milyong kutsilyo. Napakagat pa ako ng aking labi dahil sa sakit ng aking nararamdaman, at wala sa sariling napabalikwas pa ako ng bangon dahil doon.
Narinig ko ang pagkalansing ng ilang mga gamit sa gilid ko. Inaayos ni Apollo ang isang palangganang gawa sa nangingintab na metal. Naghahalo ang tubig, itim na parang tinta at dugo roon. Nabahiran na rin ng dugo ang puting bimbo roon. Napansin kong inilagay niya 'yon sa ilalim ng isang bedroll at sinipa niya 'yon bago ulit siya nagtungo sa kinaroroonan ko.
Ang buong akala ko pa'y hahawakan niya ulit ang ibang parte ng katawan ko dahil lumuhod ito habang nakatingin siya sa akin. Inabot niya lang pala 'yong isang baul at ipinatong sa may mesa't binuksan niya 'yon. Kumuha siya ng isang elixir doon.
"Huwag mong tatanggalin 'yan," mahinang sambit nito nang hahawakan ko na ang telang nakabalot sa mata ko. Gusto ko kasing alisin 'yon dahil nahihirapan akong makakita. Natigilan ako sa sinabi niya pero matapos ng ilang segundo, nang makaramdam ulit ako ng parang kakaiba sa balat ng aking mata ay saka ko na lamang 'yon tinanggal at itinapon sa kung saan. "Sinabi nang huwag mong tanggalin—"
"Eh ang sakit nga! At mukhang ayaw ng mata kong masarhan ng telang ibinalot mo rito," inis kong sabi sa kanya. Hinawakan ko nang dahan-dahan ang mukha ko kung saan masakit pero bigla ko rin 'yong nabawi dahil parang kinakagat ng kung ano ang laman sa mukha ko. Tumingin ako sa paligid namin. Nakita ko ang isang maliit na salamin sa tapat ng mesa't inabot 'yon nang dahan-dahan.
Itinapat ko naman ang salamin sa mukha ko. Saka na lamang ako natigilan nang makita ko ang isang malaking pilat na humati sa kilay ko. Pulang-pula ang paligid niyon at kitang-kita ko ang bungo at laman ko. Mayroon pang naiwang marka mula sa aking bungo at iyon ang pinakamasakit na parte sa aking mukha.
Nabitiwan ko pa 'yong salamin at napahawak sa aking mukha nang maramdaman ko ulit ang sakit. Napapikit ako habang sumisigaw.
Dali-dali namang nagtungo sa kinaroroonan ko si Apollo. "You need to take this for a while to eases the pain until the Healer comes."
Tumingin ako sa kanya. Tiningnan ko 'yong hawak niyang gamot. Nang kunin ko 'yon sa kanyang kamay ay kaagad naman siyang kumuha ng isang baso ng tubig at inabog ulit 'yon sa akin.
Mabilis kong inalis mula sa lalagyan ang elixir at kinain 'yon. Kinuha ko rin 'ypmg hawak ni Apollo na tubig at isang lagukan lamang ang ginawa ko. Nang kunin na niya 'yong baso ay napasabunot pa ako sa aking buhok dahil sa tindi ng sakit ng aking nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasiaScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...