Chapter 29
Today is Verona’s special day. Mas lalong naging abala ang lahat ng mga tao sa palasyo dahil inimbitahan ng Sire Palace ang Little Burg, Sunnyvale at City of Fire fpr the princess' birthday. Samu't saring mga disenyo ang siyang madadaanan sa hallway pa lang papasok ng bulwagan. Nakasuot ng puting sleeves na pinatungan ng black vest ang mga lalaking servant, samantalang t-shirt naman sa mga babae. Ang mga bantay sa iba't ibang sulok ng palasyo ay nakahanda, dala ang kanilang mga armas. Hindi naman sa nagiging nega ang mga nasa may posisyon. Siguro ay dahil nais lamang nilang matiyak na magihing maayos ang takbo ng okasyon.
At okay na rin naman na iyon upang walang mangyaring hindi maganda sa loob ng palasyo. Today is Verona's day at kailangang kasiyahan lamang ang dulot ng araw na ito.
Hindi ko na siya nakita pa simula kahapon dahil na rin sa nagtungo pa sila Little Burg to buy her new dress, iyon 'yong sabi niya sa akin noong nakaraang mga araw, noong nag-eensayo kaming dalawa ng hari mula sa paghawak ng sandata. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikitang kahit na anino man lang niya. Mukhang nasa loob siya ng kwarto niya at naghahanda pa siya roon.
Hinatiran lang ako ng pagkain dito sa kwarto ko dahil ibinilin sa akin ng hari na huwag akong lumabas dito upang hindi ako pagkaguluhan ng mga tao. Baka kapag namukhaan daw nila ako at nalaman nilang ako ang may kagagawan sa liwanag na nangyari sa loob ng Scar ay masira pa ang kaarawan ni Verona. Ayoko rin namang mangyari ang ganoong bagay sa araw na ito.
Lumabas lamang ako kaninang umaga dahil kailangan kong magtungo kay Master Peach. Sinabihan kasi ako nitong kunin ko ang damit sa kanya para sa training. Iyon lang din ang ginawa at pinuntahan ko kaya alam ko kung gaano kaganda 'yong hallway ngayon. Napapalamutian kasi ng iba't ibang uri ng bulaklak. Katulad ng ilan pa g mga disenyo, siyang-siya ang kulay ng mga 'yon.
Kaharap ko pa rin 'yong ibinigay na suit ni Master Peach kanina. Nakasabit iyon sa gilid ng aking kama kaya't kitang-kita ko ang kabuuan niyon. Isa iyong kulay black na fully suit na gawa sa balat ng hayop. Nangingintab iyon dahil sa labis na liwanag na tumatama roon. Bukod doon ay logo lamang ng isang ulo ng ahas ang siyang makikita sa pinakagitna ng dibdib ng damit. Medyo malaki iyon kaya't makikita mo nang malinaw ang naka-drawing kahit na medyo malayo ako nang kaunti.
Wala akong magawa rito sa loob ng kwarto ko. Hindi nga ako nakakulong, but I feel I am alone. Actually, I am alone. Para lamang din akong nasa kulungan dahil wala akong makausap at mayroon akong limit sa loob mismo ng palasyo, sa araw na ito. Hindi ako puwedeng magpakita sa harap ng maraming tao.
Kung naririto lang sana si Aphro ay baka hindi ako rito mabagot dahil mayroon akong kausap kahit na alam kong hindi siya sasagog sa mga sinasabi ko. Gusto ko lang talagang magkaroon ng kausap dito kahit ngayon lang. Ang kaso, mukhang wala talagang balak ang kahit na sinong servant o ng hari na pumasok dito upang sabihan akong puwede akong lumabas kahit sandali lang.
Gusto ko rin kasing makita si Verona mula sa suot niya, o 'di kaya'y makita siyang sumasayaw sa gitna ng bulwagan kasama ang isang lalaki. Ganoon iyong tipo ng gusto ko. Iyong para ka talagang nasa panaginip na sumasayaw ka sa isang okasyong hinding-hindi mo makalilimutan. May handaan, maraming tao at puro kasiyahan lamang ang nakapaligid.
Kaagad akong napalingon sa pinto nang marinig kong bumukas iyon. Isang puting pusa ang siyang pumasok sa loob, sumunod ang isang batang hawak-hawak ang doorknob habang nakatingin siya sa akin. Kumunot naman ang noo ko dahil doon.
Naririto si Morgan kasama ng kanyang alaga at hindi ko alam kung paano siya nakarating dito, o kung paano niya natutunton itong kwarto ko. Maliit lang kasi siya, bata pa kaya't nakapagtatakang nakapuslit siya rito.
Tumayo ako sa aking kama. Hinayaan ko namang humiga sa kama ko si Cya dahil halatang gustong-gusto niya roon. Naglakad ako patungo sa kinaroroonan ni Morgan na ngayon ay dahan-dahan na niyang isinasara ang pinto.
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasyScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...