Chapter 57

89 11 2
                                    

Chapter 57

Tatlong araw din ang itinagal ng aming paglalakbay bago namin narating ang may kalawakang bahagi ng mga mountain cliff. Matataas ang mga 'yon animo'y nag-uunahan mula sa kanilang kinaroroonan. Halos maabot na rin nito ang mga makakapal na puting ulap, though ang iba roon ay nagsipagkalat sa dulo ng mga ridges.

Gaya ng sinabi ni Celina ay naririto na kami sa bungad. Ang gagawin lang daw namin ay akyatin ang gilid ng bundok upang makarating sa lungga ng Sun Goddess. Doon daw siya nagtatago sa pinakatuktok, sa kung saan ito unang nasisikatan ng araw.

Muli naming binaybay ang kahabaan ng daan. But this time, mabatong bahagi na ang aming dinaraanan. Naglalakad lamang sina Aphro at Leo sa gilid ng nadadaanan naming cliff habang sakay-sakay nila kami. Katahimikan ang siyang bumabalot sa aming mga pagitan habang papausad kami nang papausad patungo sa itaas.

I look at the horizon beating the sea water and sky. And since malapit nang lumubog ang araw ay makikita kung paano unti-unting magtungo at magtago ang hating araw mula sa dulo ng sea water. Makikita sa tubig ang repleksyon nito na animo'y sumasayaw dahil sa hindi mapakaling tubig na iniihip ng hangin.

Mayroong isang maliit na isla sa pinakagitna ng dagat, though hindi naman naapektuhan 'yong pagtanaw ko sa papalubog na araw. Pa-U ang shape ng isla kaya't U rin ang daanan ng tubig mula sa pagitan ng isla at ng kalupaan dito sa aming kinaroroonan.

Magdadalawampung minuto na rin kaming naglalakbay patungo sa itaas. Medyo masikit na rin ang dinadaanan namin ngayon kaya't kitang-kita ko ang bangin na tila wala itong katapusan. Tanging dilim lamang ang matatanaw mula sa ibaba bukod sa mga matatalim na rock formation na nag-aabang doon.

"Don't look down," paalala ni Sheldon sa amin. Hindi siya nakatingin sa akin noong tiningnan ko siya. Nakatuon lanang ang atensyon niya mula sa aming harapan habang patuloy na umuusad. And since nauuna sina Celina at Leo na naglalakad paitaas ay dahan-dahan lamang si Aphro na humahakbang upang hindi kami mag-unahan doon. "Sabi nina nanay at tatay, kung ayaw mong makaramdam ng kaba habang nasa itaas ka ng bundok ay huwag kang titingin sa ibaba. Hindi naman natin maiiwasang magkaroon ng kaba sa dibdib, pero at least, hindi tayo gaanong nanginginig."

Hindi naman ako masyadong nakakaramdam ng kaba habang nakatingin ako kani-kanina sa ibaba. Though, gaya nga ng sinabi ni Sheldon ay mas mainam na tumingin na lamang sa aming dinaraanan upang hindi nga makaramdam ng kung ano sa loob-loob namin. At iyon nga ang ginawa ko, hindi ko na tinangka pang tumingin sa ibaba.

Naituon ko na lamang ang atensyon ko kay Celina nang mayroong mabuong tanong sa isipan ko. "Paano mo nga pala nalamang dito ang pinagtataguan ng Sun Goddess, Celina?" tanong ko sa kanya. Hindi naman sa nagiging palatanong ako. Gusto ko lang talagang malaman kung paano niya natunton ang lugar na ito dahil nasa pinakadulo na ito ng pitong bundok na dinaanan namin. At kung tutuusin mababagot ka lamang dito sa mabatong bahagi ng cliff, sa totoo lang. Dahil bukod sa walang kakulay-kulay ang paligid ay isang maling hakbang mo lang ay babawiin na ng bathala ang iyong buhay rito.

Dala ang ngiti sa kanyang labi ay tumingin siya sa akin. "Sinabi niya sa akin," sagot nito sa akin. Muli niyang binawi ang kanyang atensyon mula sa pagkakalingon sa kinaroroonan namin. "Noong bago pa lamang ako makarating dito, noong umalis ako ng Sire Palace ay napanaginipan ko na siya. The Sun Goddess guide me through here. Hindi ko rin alam kung bakit sinunod ko 'yong sinabi niya noon sa panaginip ko. All I know is I trust her because of Verona. And I did—I saw her here on the top of the mountain."

Hindi na ako nagsalita pa matapos niyang sagutin ang aking tanong. Though, nagkakaroon pa rin ako ng katanungan sa utak ko. Isa na roon ay kung bakit hindi ko siya magawang mapanaginipan man lang, kung totoo mang mayroon pa siyang pakialam sa akin? Ako ngayon ang nangangailangan sa kanya subalit hindi niya man lang magawang bigyan man lang ako ng sign sa panaginip ko upang matunton ko siya kaagad. I really want to know the truth why she did all of this, kung bakit nangyayari sa akin ito na hindi naman dapat. But I can't. She's not even giving me a sign, though. But maybe now, kapag nakita ko na siya masasagot na rin ang mga katanungan sa isipan ko.

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon