Chapter 105
The sand has memories. Nagising ako nang paulit-ulit na naglaro sa utak ko ang katagang 'yon. Bumungad sa harapan ko ang mga taong nagsisigawan mula sa paligid ni Darkus, na unti-unti niyang inaangat gamit ang kanyang buntot patungo sa kanyang bunganga. At sa tuwing ibinubuka niya 'yon, unti-unting namamaga ang buong katawan ng mga tao hanggang sa tuluyan iyong maging buto. At ang bungong nahuhulog mula sa ibaba niya ay ginagapangan ng mga ahas, dahilan upang unti-unti iyong maglaho.
At alam ko kung saan 'yon napupunta. Sa sinabi ni Darkus sa akin kung saan niya ako dinala noon. Sa City of Bones. Doon niya lang naman kinokolekta ang libo-libong mga bungo, na gaya ng sinabi niya sa akin ay gano'n nga ang gagawin nito, pati sa akin.
Dahan-dahan kong itinayo ang aking sarili. Nilingon ko ang buong paligid. Halos lahat ng mga kapanalig ni ina ay nahuli na ng mga tauhan ng Dark God at inilalapit nito ang mga 'yon sa kanya. Tanging ang malaking nasasakupan ng apoy, 'di kalayuan sa aming kinaroroonan ang naroroon at halos hindi 'yon magawang lusubin ng mga tauhan ni Darkus.
Isang malakas na kulog at kidlat ang namataan sa kalangitan. Tumingala ako roon. The dark color of the night through the clouds was mixing in violet color, spinning by the help of the wind. At malapit nang maabot ni Darkus ang langit.
Naialis ko na lamang ang tingin doon nang maramdaman ko ang paghawak sa aking braso. Nilingon ko ang mga tauhan ni Darkus. They are sniffling while they are bitterly looking at me. Sinubukan kong bawiin ang sarili ko sa kanila pero naramdaman ko ang pamumulupot ng kamay nila sa akin. Not until I used my power to melt them and run through where the other's were. Pinipigilan ko ang bawat taong ahas na itungo ang mga sundalo't iba pang mga tao mula sa harapan ng Dark God upang hindi sila masaktan pa. The worst scenarios is that, pati ang mga nasa Sire Palace ay hinuli na rin ng mga tauhan ni Darkus.
Napansin ko ang paglutang ng mga maliliit na liwanag sa paligid ko. Pero matapos ng ilang sandali ay nagtungo ang mga ito sa katawan ko. Darkus is killing those people who has powers, too.
"Litha," I whispered. Kinagat ko ang labi ko kasabay ng pag-agaw ng espada sa isang tauhan ni Darkus at tumakbo ako patungo sa may buntot niya. Ilang beses ko 'yong tinamaan ng espadang hawak ko subalit hindi ko magawang masugatan iyon. Nagmistulang metal ang katawan niya dahil sa bawat pagtama ng espada roon ay kumakalansing lamang 'yon. Napatingala ako sa kanya at saka ako lumundag patungo sa kanyang katawan upang abutin ko ang ulo ni Darkus at doon ito puruhan. I was about to attack his eyes upang sana'y hindi niya makita ang mga taong kinukuhanan niya ng buhay nang maramdaman ko ang pagpulupot ng bagay sa kanang paa ko.
Napatingin ako roon. Isang silver rope ang nakapulupot sa akin at gawa 'yon sa metal. Nabitiwan ko ang espada ko nang biglang may humila sa lubid at napasama roon. Ramdam na ramdam ko ang malakas na pwersa ng hanging sumasalubong sa akin. Naisangga ko ang kamay ko at ipinikit ang mga mata nang mapansin ko kung saan ako babagsak. Hinintay ko ang ilang minuto at pinakiramdaman ko ang aking sarili subalit wala akong naramdaman na kahit na ano sa katawan ko.
Naramdaman ko ang paghila ulit ng kung sino sa lubid na nakapulupot sa akin at sa pagkakataong 'yon, sa lupa na ako bumagsak. Iminulat ko ang mga mata ko at tinungo ko ng tingin kung sino ang gumawa niyon. Nakangiti si Val sa akin habang dahan-dahan siyang naglalakad sa paligid ko. His eyes weren't normal dahil itim na itim ang buong mga mata niya at wala akong makitang kahit na anong kulay puti roon. Mayroong kaliskis ng ahas sa magkabilang pisngi niya at halos magkaroon siya ng sungay dahil sa nakaangat na malalaking kaliskis mula sa noo niya.
"Val," I whispered. Biglang nagbago ang timpla ng mukha ko. Nakaramdam ako ng pamumuo ng luha sa mga mata ko. Nilingon ko ang paligid ko. Mayroon akong namataang espadang nakatusok sa ulo ng isang sundalo.
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasyScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...