Chapter 49
Hingal na hingal kaming napahinto sa pagtakbo mula sa malawak na field. Medyo malayo na rin kami mula sa kinaroroonan ng mga humahabol sa amin pero alam kong hindi pa rin kami ligtas sa lugar na ito. Masyado nang malalim ang gabi at tanging ang liwanag mula sa kamay ko na lamang ang siyang nagsisilbing guide namin upang makita ang aming dinadaanan. Maputik na ang aming mga suot na sandalya at nakakaramdam na rin ako ng kagat ng nga lamok sa paligid.
Katahimikan ang siyang bumalot sa aming mga pagitan matapos ng ilang sandaling paghinto. Ibinaba ni Leo si Morgan at hinabol nito ang kanyang hininga.
Pero naalerto kaming lahat nang makarinig kami ng sunod-sunod na putok, 'di kalayuan sa aming kinaroroonan. Kaya naman dali-dali kong hinawakan ang kamay ni Morgan at sinabihan ang mga kasama kong kailangan naming tumakbo ulit papaalis sa lugar na ito. Nasa kamay ko na si Morgan ngayon at hindi ko na siya pinahawak kay Leo upang protektahan siya dahil mukhang pagod na pagod na rin ito, lalo na't dumudugo pa rin ang ulo ni Leo. Paminsan-minsan ay napapansin ko rin siyang napapapilig ng ulo habang patuloy na tumatakbo.
Nakarinig ulit kami ng putok ng baril mula sa pinanggalingan namin at ngayon ay sunod-sunod na iyon. Kasabay no'n ay ang pag-iyak ng mga hayop sa paligid namin na siyang dahilan upang maistorbo sila mula sa kanilang mga lungga't tumakbo papalayo. Malalakas na iyak ng mga kabayo ang siyang maririnig, malapit sa aming kinaroroonan.
Doon ay nagsenyas si Celina na kami ay magtungo sa kinaroroonan ng mga kabayo, na kaagad naman naming sinunod. Tumigil kami sa harap ng mga nakapastol na kabayong hanggang ngayon ay wala pa ring humpay sa pag-iyak. Napatingin pa ako sa aming likuran nang makarinig ako ng malalakas na sigaw. Natanaw ko muna sa aking kinalalagyan ang liwanag, 'di kalayuan sa aming kinaroroonan kaya't kaagad akong tumingin sa mga kasama ko.
"Kailangan na nating umalis dito! Papalapit na sila rito!" ani ko. "Kaya mo pa bang mag-anyong leon, Leo?"
Umiling siya sa akin. "Nanghihina na ako," aniya.
Tumango lamang ako sa kanya bago ko tuluyang hinawakan ang tali ng isang kabayo at inalis iyon sa pinagtalian sa kanya. "Then we need to steal their horses," sabi ko sa kanila. Hinawakan ko si Morgan at inalalayan ko siyang sumakay ng kabayo. Matapos niyon ay saka ako sumakay. "Faster!"
Tumingin si Celina sa akin habang umiismid. "Stealing the stealer's horses. Good idea!" Bilang guide ni Celina sa pagtatanggal ng kabayo mula sa pagkakatali ay itinutok ko ang aking kamay sa kanya upang magkaroon ito ng liwanag. Matapos niyon ay sinabihan niyang doon na lamang sumakay si Leo dahil mukhang hindi na niya talaga kaya ang kanyang pagbalanse ng kanyang katawan dahil napahawak na ito sa balikat ni Celina at napapansin na rin naming pumipikit-pikit ito. Naunang sumakay si Celina sa kabayo bago nito ibinigay ang kanyang dumudugong kamay kay Leo. "Let's go."
Humawak doon si Leo. Nakita ko kung paano mahirapan si Celina habang pinapasakay niya si Leo. Gayunpaman, nagawa rin naman ni Leong makasakay at humawak sa magkabilang balikat ni ng dalaga.
Sinenyasan ko lamang si Celina bago ko tuluyang hinampas ang katawan ng kabayo't tumakbo ito papalayo, so Celina did the same thing. Tinahak namin ang napakalawak na field hanggang sa marating namin ang loob ng gubat. Tanging ang yapak lamang ng mga tumatakbong kabayong sinasakyan namin ang siyang maririnig bukod sa huni ng mga ibong aming naiistorbo mula sa sanga ng mga puno.
Ipinagpatuloy lamang namin ang aming paglalakbay hanggang sa makalayo kami. Tatlong oras mula sa pinanggalingan namin ay huminto kami't itinali ang kabayong ninakaw namin mula sa Crooked Dame. Ang nakakatuwa lamang ay medyo malapit kami sa isang maliit na ilog. Doon kaagad ang aming pinuntahan upang makainom ng tubig at malinisan ang aming mga sarili.
![](https://img.wattpad.com/cover/299105130-288-k244938.jpg)
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasiaScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...