Chapter 62

88 7 1
                                    

Chapter 62

Three days of traveling and we're still have no idea how to bring ourselves out of the dark forest. Sinabi kasi ni Litha sa amin na diretsuhin lamang daw namin ang daan upang makarating kami ng bungad ng Scar. Hindi ko naman first time na maglakbay sa loob ng gubat, pero kasi, iba itong nakakaengkwentro namin ngayon. Parang mayroong kakaiba sa tuwing aabante kami mula sa pagkakasakay kay Aphro. Parang mayroong kakaibang nangyayari. O baka masyado lang akong nag-iisip ng mga bagay kaya't ganito ang nararamdaman ko?

I've been exhausted from our travel and this is my first time having this feeling. I mean, napapagod din naman ako noon pero iba iyong feeling ko ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta mabigat lang ang pakiramdam ko na para bang ayaw ng katawan kong magtungo sa kung saan man kami pupunta ngayon.

Ang haba pa nitong gubat na kinaroroonan namin. Natawid naman na namin iyong bulubundukin the past two days and we're lucky to say na wala kaming nakasagupa sa daan namin. Though, nahihirapan din kaming makahanap ng aming makakain kaya't tiniis namin ang gutom namin, at pinaghatian ang ilang piraso ng tinapay at prutas na dinala namin mula sa pag-alis sa bundok kung nasaan ngayon si Litha.

Bukod sa iniisip ko kung ano na ang nangyari sa kanya dahil kakaiba talaga 'yong nangyari noong araw na umalis kami sa tabi niya ay iniisip ko rin kung nasaan na sina Leo at Celina ngayon.

"Dumito na muna kaya tayo?" suhesyon ni Sheldon kaya't naituon ko ang atensyon sa kanya. He's looking at us. At matapos ng ilang sandali ay sinenyasan niya si Aphro na tumigil sa paglalakad. "You look pale." Tiningnan niya ako.

Iniwas ko naman ang tingin sa kanya at tumingin kay Morgan na nakayakap lamang sa tiyan ni Sheldon. At mukhang nakatulog na rin ito dahil sa biyahe namin, dahil noong gumalaw si Sheldon mula sa kanyang kinauupuan ay mahinang umungol ang bata.

Masyadong madilim ang kinaroroonan namin. Pero dahil sa tulong ng liwanag na nanggagaling kay Aphro ay napupunan niyon ang paligid ng aming kinaroroonan. As of now, nasa malawak kaming kakahuyang nagsisipagtaasan. Siguro, naging madilim ang paligid dahil masyadong malago ang mga dahon sa itaas. Pero kung titingalain mo 'yon, makikita mo rin 'yong mahinang liwanag na sumisilip doon. Though, hindi naman siya totally maliwanag na gaya ng sa sikat ng araw o ng sumisilip na kalangitan. Para lamang siyang violet na hinaluan ng black at nagkakaroon ng kaunting highlights kaya't may liwanag doon.

"Kailangan na muna nating makaalis dito," ani ko kay Sheldon. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko rito sa loob ng gubat dahil sa mga nakikita ko. "There's someone behind us, feels like he's watching our moves."

Kumunot ang noo niya at tumingin sa likuran ko. Matapos ng ilang segundo ay tumingin ulit si Sheldon sa akin kasabay ng pagtaas ng magkabilang balikat niya. "Well, I can't see it. Or maybe you're just exhausted, so you feel there's someone behind us. Come on, you need to recharge your strength."

Tumango na lamang ako sa kanya. Gaya nga ng sinabi ni Sheldon sa akin ay baka talaga pagod lang ako kaya't kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko, isa pa, I'm having a bad feeling. "Sige," ani ko bilang pagpayag.

Nang umupo si Aphro ay saka ako bumaba. Dahan-dahan ko namang kinuha si Morgan mula sa pagkakayakap at pagkakatulog mula sa likuran ni Sheldon at binuhat ko siya.

But Sheldon took Morgan from me at binuha niya ang bata patungo sa gilid ng trunk ng puno. Sinabihan ako ni Sheldon na kunin sa loob ng bag niya 'yong tela upang mailatag sa harapan namin, which is I did.

Pinahiga niya roon si Morgan. Iyong jacket ni Sheldon ang ginawa niyang unan ng bata upang hindi sumakit ang ulo nito.

Umupo ako sa tabi ni Morgan, sa tapat ng puno at sumandal doon. Nakaramdam ako ng pananakit ng kanang mata ko kaya't bahagya akong napapikit. Mabilisan ko namang iniwas ang tingin ko kay Sheldon nang mapansin kong papatingin na siya sa akin. Ayoko kasing makita niya na parang nahihirapan ako ngayon dahil kailangan niya ring asikasuhin ang sarili niya. Hindi naman sa pagiging OA pero he needs to rest himself, nang hindi niya ako inaalala pa.

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon