Chapter 2

454 35 17
                                    

Chapter 2

I never doubt Ba from what he did to me when I was a child. Oo, nandoon na 'yong time na nagsisisi ako dahil sa umalis pa ako mula sa pagkakayakap ni ina sa akin noong panahong namumuo pa lamang ang Scar, pero hindi ko rin siya masisisi sa ginawa niyang paglalayo sa akin sa bagay na 'yon. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa loob ng Scar subalit ang alam ko noong bata pa lamang ako ay mayroong nga taong naiwan na sumisigaw ng tulong mula sa tagpong iyon habang unti-unting kinakain ng Scar ang kalupaan, na siyang naging dahilan upang magkaroon ng balakid sa lahat ng mga taong namumuhay sa mundo ng Astrea.

Kahit ako naman ay masyado pa ring nag-aalanganin kung ano na ang nangyayari sa kabilang bahagi ng mapa, ngunit wala talaga akong magagawa. Tanging ang pagdadasal na lamang ang siyang kaya kong gawin para lamang alalahanin si ina, na sana'y nasa maayos siyang kalagayan.

Labindalawang taon na rin akong nininirahan dito sa Sunnyvale kasama si Ba at ang pamilya niya. Ang Sunnyvale ay isa sa mga region na sakop ng Sire Palace na nagtataglay ng magandang bukirin. At puro mga mangangangaso, magsasaka at tagaalaga ng mga hayop lamang ang naririto sa maliit na village na 'to. Kung tutuusin, mas malaki pa talaga ang Little Burg kaysa sa Sunnyvale. Kaya hindi na rin nakapagtataka kung napakaraming mga nasasaktang mga tao sa tuwing sumusugod ang mga Ashton para kunin ang mga alagang hayop at mga tanim sa mga palayan.

Si Ba ay isang mangangasong nagpupunta pa sa Crimson Lake para lamang mag-hunting ng mga hayop na siyang inihahanda namin sa hapag. At simula pa noong mga bata pa kami ng mga itinututring kong kapatid ay iyon na talaga ang kanyang trabaho. Wala naman kasi siyang palayan para mapagtaniman ng mga gulay at prutas na maaaring ibenta sa Little Burg para kahit paano sana'y umangat ang buhay nila.

Pero si Ba iyong tipo ng taong mas gugustuhin niyang makipagsapalaran sa labas ng Sunnyvale kaysa sa makipag-agawan ng teritoryo sa mga lupaing sakop pa rin namin. Kaya nawalan na rin siya ng may kalawakang lupain at ang natira na lamang sa kanya ay ang isang maliit na metrong halos matabunan na ng mga nagsisipaglakihang mga Farmville.

At gaya ng sinabi niya kanina kay Val, itinuring niya na rin akong parang tunay na anak mula noon, hanggang ngayon pa rin naman. Siya ang nagtatanggol sa akin sa kanyang asawa at sa dalawa niyang anak na palagi na lamang nang-aalipusta sa akin. Hindi naman ako nagpapakain sa mga salita nila minsan kapag alam kong hindi ko naman talaga kasalanan, at nasa tamang panig ako. Kaya lang, minsan talaga ay hindi bumabagay sa akin ang binibigay ng tadhana sa loob ng bahay namin.

Sa totoo lang, minsan, kapag hindi umuuwi ng bahay si Ba para sa pangangaso niya—na ilang araw na halos hindi siya makauwi para lamang sa paghahanap ng maaari naming mailagay sa hapag at magkaroon ng kahit kakaunting pera mula sa kita niya sa pangangao; ibinebenta niya ang ilang parte ng karne, ay nauuwi sa pagtatalo ang magkapatid, lalo na kapag ako na ang pinag-uusapan nilang dalawa.

Kasi sa totoo lang, ayaw na ayaw nila ako at ramdam na ramdam ko ang bagay na 'yon. Na halos kamuhian nila ako sa tuwing mayroong dumadaang mga karwahe sa harap ng bahay para sunduin sila, minsan ay itinatago na lamang nila ako sa loob ng kwartong ibinigay nila sa akin. Kaya nga sinabi sa akin ni Valore kanina na kailangan kong magdamit nang maayos para kapag dumating na ang karwahe ay walang masabi ang mga sundalong magsusundo sa kanilang dalawa.

Hindi naman na nila ako maitatago sa loob ng kwarto ko dahil nandito naman na si Ba, at ayaw na ayaw ni Ba na gawin ng kanyang dalawang anak sa akin ang bagay na 'yon.

Nakaupo ako sa gilid ng bedroll ko. Medyo hindi na rin maganda ang tindig ng kama ko dahil sa lumang-luma na ito at malapit nang masira. Pero tinitiis ko pa naman ang kamang ito dahil wala naman akong matulugan dito sa loob ng kwarto, sapagkat punong-puno ng mga gamit ni Val na nakuha niya raw sa City of Fire, ilang buwan na ang nakararaan. Puro mga kagamitan lamang din pero kadalasan ay puro mga baul na ang naroroon, na hindi ko naman alam kung ano ang mga laman. Medyo mabigat din kasi kapag inililipat ko sila para malinis ang ilang parteng sulok ng kwarto.

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon