Chapter 100
Nakaramdam ako ng mahinang magdampi ng isang maligamgam na bagay sa tiyan ko. Mabilis kong iminulat ang mga mata ko't kaagad na iginalaw ang aking sarili subalit naramdaman ko ang nananakit na tila ba mayroong kumakagat sa balat at laman mula sa aking tiyan. Napahawak ako roon kasabay ng pagbuntonghininga't pagkagat ko ng aking labi. Pero nang makarinig ako ng mahinang pagbuntonghininga mula sa gilid ko, kaagad akong tumingin sa kanya.
I saw Valore sitting by my side habang hawak niya ang isang maliit na bowl at bimpo. And Valore was just staring at me as if she's used to me na makita niya ako at magkasama kaming dalawa. She even continued what she was doing; cleaning my wound on my stomach.
Dahan-dahan akong gumalaw at sumandal mula sa kama habang hinahawakan ang aking sugat na maya't maya pa rin ang pagdurugo. Muli kong tiningnan si Valore matapos ng ilang sandali, nang maiayos ko ang upo at pagkakasandal ko.
"Where am I?" tanong ko sa kanya at nilingon ang buong paligid. Nasa isang maaliwalas kami na kwarto na tanging ang dalawang drawer na nasa gilid ng pinto ang nakalagay, bukod sa kama at maliit na mesa sa kinaroroonan naming dalawa ni Valore. I heard her gasped so I looked at her again. "Where am I? Where did the Dark God had taken me?"
She chuckled. "You came from here before," aniya. Inilagay niya sa bowl ang bimpo at marahang piniga 'yon doon. Nangingitim na ang tubig dahil sa dugong napunta roon. "Don't you know where you are?"
Hindi ako sumagot. Pinagmasdan ko lamang ang kwartong kinaroroonan namin. Sumilay pa ako sa bintana upang matiyak kung nasaan ako ngayon. Mayroon akong naaalala sa lugar na 'to pero hindi ko matandaan kung saan nga ito. May nagsi-sink-in sa utak ko subalit hindi ko malaman kung saan iyon.
Bigla akong nakaramdam ng panghihilo. Naipikit ko ang aking mga mata kasabay ng pagkagat ko ng aking labi. Dahan-dahan kong kinapa ang tiyan ko, wishing that the baby inside of my tummy, is safe. Hindi ko matiyak kung tama nga 'yong sinasabi sa akin ni Lily subalit nasisiguro kong mayroon ngang laman ang tiyan ko, and I can feel it right now. Nasusuka na naman ako pero gaya ng dati, hindi ko magawang makapaglabas ng kinain kong pagkain.
"Don't worry, your baby is safe," sabi ni Valore. Natigilan ako sa sinabi niya. Medyo naging kampante sa lagay na sinabi niyang safe ang baby na nasa sinapupunan ko, pero nakakapagtakang nalaman niya ang bagay na 'to samantalang wala naman siyang kaalam-alam sa nangyayari sa akin. We're not even close, unless someone had told her about me. She gasped, standing beside me and walked through the table. Inilapag niya ang bowl doon at saka siya tumingin ulit sa akin. "You're inside the Sire Palace."
Kumunot ang noo ko. "What?" tanong ko sa kanya. "How . . ."
"While you are unconscious, Darkus bring you here. He's closed with the king of this palace, though," aniya. "And if you are asking me why I am here, well, me and my brother just bet about going with the Dark God for my brother's sake. He don't believe me I'm with the Dark God, so I pushed myself going with him. I didn't even thought you're with him. And just found out that we're inside the Sire Palace."
Bumuntonghininga ako't iniwas ang tingin sa kanya. "Did Apollo know I'm here?" tanong ko sa kanya.
"The last time I checked, yes, he knew you're here. He's the one who gave you this room," ani Valore at saka muling naglakad patungo sa gilid ko. Kaya pala parang pamilyar ang kwartong ito. Medyo nagbago lang ang ayos, siguro ay dahil sa matagal na panahon na akong nawala sa lugar na 'to. Yumuko siya at mayroon siyang kinuha sa ilalim ng kamang kinaroroonan ko. A black dress. And she's giving it to me. "Change your outfit before the king enter this room. He might scold me if he saw you, looking like that."
"Then the Dark God?" I asked. "Where is the Dark God?" dagdag ko pa. Naalala ko 'yong ginawa niya sa mga Healers. Kaagad kong ipinilig ang ulo ko upang hindi ko na masyadong maisip 'yon.
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasyScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...