Chapter 34

101 14 5
                                    

Warning: violence and wrong choices of words.

Chapter 34

Musical instruments at mga mahihinang boses sa paligid ng palasyo ang siyang maririnig. Bukod sa ilang mga sigaw ng mga kalalakihang nagkakasiyahan sa medyo mahabang mesa habang nakalapag sa kanilang mga harapan ang mga alak at pagkain ay maririnig din ang mga kanta ng mga kababaihang nakapaligid sa kanila. Tanging kasiyahan na lamang ang siyang mapapansin dito sa loob ng bulwagan. Gaya ng dati, punong-puno ng mga tao ang buong paligid. Sa mismong gitna lamang ng bulwagan ang siyang hindi masyadong ukupado bilang respeto na rin sa hari at reyna.

Nakatanaw lamang ako sa kanila habang nasa pinakagilid pa rin ng trono kasama si Verona. Maya't maya rin ang paglapit ng ibang mga bisita at kinakamsyan nila ako kasama ang mga ngiting nakaukit sa kanilang mga mukha. Magagaan ang kanilang mga kamay at ramdam na ramdam ko kung gaano iyon kaalaga. Na hindi gaya ng sa akin ay masyadong nabugbog mula sa training namin ni Malinwa noon. Mabuti nga lang, kahit papaano'y ginagamot iyon ni Verona, though minsan ay hindi ko na siya pinahihintulutan pang gawin 'yon dahil natatakot pa rin ako sa puwedeng mangyari.

Pero nakikita ko naman siyang maayos sa tuwing gagamutin niya ako. Ayun nga lang, gaya ng aking sinabi ay hindi ako kampanteng alisin ang mga sugat sa aking katawan, lalo na sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa kampo ng mga sundalo noon.

Speaking of the soldier's camp, after ng power revelation at performance ko kanina sa harap ng maraming tao ay hindi ko na nakita pa si Apollo. Santalang si General Israel ay nasa may food section at kumukuha siya roon ng kanyang makakain.

"Tara, do'n tayo," anyaya ni Verona sa akin. Nang tumingin ako sa kanya ay nakaturo na ang kanyang hintuturo mula sa kinaroroonan ng heneral. "Nagugutom na ako. My stomach aches for his heart."

Napakagat ako ng labi at marahang tumawa sa sinabi niya. Tatanggi pa sana ako mula sa kanyang alok pero hindi ko na 'yon nagawa pa nang hawakan niya ang braso ko sabay hila patungo sa kinaroroonan ng heneral.

Kumuha ng dalawang plato si Verona at ibinigay niya sa akin 'yong isa. She even took two forks and gave one for me as she simple stepping through where the general was. Pinagmasdan ko lamang si Verona mula sa kanyang ginagawa pero nang tumingin ito sa akin at senyasan niya akong lumapit sa kanya ay iniwas ko ang tingin dito.

"Sol!" mahinang tawag niya sa pangalan ko. Tumingin ako sa kanya at patuloy pa rin niya akong sinisenyasan. Walang reaksyong tumingin ako kay General Israel na ngayon ay nakatingin na sa aming dalawa ni Verona. Nakatingin pa rin sa akin si Verona kaya't hindi niya alam na nakatitig na pala si General Israel sa kanya. "Guide me here."

Iniwas ko ang tingin sa kanya at kumuha na ng pagkain. "You can do that. I don't trust that man, and I don't trust your feelings towards him."

"Hi, princess Verona! Glad to see you here at the food section," General Israel spoke, taking Verona's attention. Bigla namang tumingin si Verona sa gilid niya at saka tumingin kay General Israel.

Tumawa si Verona. "I actually went here to support my friend . . ." Tumingin sa akin si Verona. "Yeah, no. Not really a friend. Just got here because I'm hungry."

Ngumiti si General Israel sa prinsesa. "I see," aniya. Tumingin sa akin si General Israel. Hindi ko iniwas ang tingin sa kanya. Bagkus ay tinitigan ko siya nang walang reaksyon habang kumukuha ako ng pagkain. Muntik ko pang mahulog 'yong tinidor nang maalala ko 'yong mga patakaran niya sa loob ng kanyang kampo. Wala lang, nainis lamang ako sa kanya dahil sa pagiging istrikto niya. "Hi, Soleil, glad to see you here, too. And I am too happy about your success on how to use your power. At least, my soldiers won't hurt again after this night. Because once you went to the camp to cross the Scar, wala ng buhay ang masasayang pa. Hindi na rin maghihirap ang mga siyentista sa mga tests na gagawin nila on how to cross it." Ngumiti siya sa akin.

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon